MGD 47 - The Sleeping Prince

Start from the beginning
                                    

Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon n'ya, aba, engage na nga kaming dalawa. Kasal na lang ang kulang. May anak na nga kami. Grabe s'ya, napakabatugan n'ya naman.

"Aalis muna kami ni Yusef. Ah? Mamimili lang kami ng gamit n'ya." pagpapaalam ko.

Hinayaan kong bukas ang laptop at umalis na ako kaagad sa kwarto Ko. Ang masasabi ko lang, sobrang spoiled ng batang ito sa lolo n'ya.

When Aya died, napag-alaman namin na galing pala s'ya sa isang bahay ampunan. Kaya wala s'yang kilalang relatives. Tapos noong time na pinaghahanap na namin s'ya ay nag-stay s'ya sa isang orphanage na pinamamahalan ng mga madre. Nasa sinapupunan n'ya noon si Yusef. Wala akong gaanong alam sa love story nila ng kapatid ko, basta ang alam ko, mahal s'ya ni Tristan.

Siguro, sa sobrang dami ng nangyari sa nakaraan ko ay mas lumakas ako ngayon. Sobrang laking improvement ang nangyari sa akin sa paglabas ng batang ito. Ewan ko ba, para nga s'yang lucky charm ko.

Napunta kami ng mall at sobrang nagkakagulo dahil kasama namin ang mga tito kuno ni Yusef. Sino pa ba ang magugulong Elite 5!

"Sabi ko sa inyo, huwag na kayo sumama!" nakabuntot sila sa amin ni Steph. After the consecutive incidents ay mas naging close kami ng mga makukulit na lalaki na ito. Papunta kami ngayon sa boutique na puro pang baby items.

Pagkapasok namin sa loob ay mabilis pa sila sa alas-kwatro na nagpuno ng kart namin.

"Kulambo para iwas lamok!" sabi ni Carl at inilagay sa kart na hawak ni Steph ang isang mosquito net na parang payong. Kulay green pa ito.

"Walang lamok sa bahay!" bwelta ko sa kanya at kumamot s'ya sa batok.

"Okay na 'yan para sure!" sabi n'ya at nawala na naman sa paningin namin. Natawa na lang kami ni Steph dahil para silang mga timang.

"I've never thought that Carl will be a great father. Hihi! Sobrang protective!" bulong n'ya sa akin at humagikgik. Pagkabalik uli ni Carl ay may hawak naman s'yang cloth diaper, iba't iba ang sizes nito.

"Extra small, small, medium, large at extra large!" masayang sabi n'ya.

"Extra small pa lang s'ya!" protesta ko at tumingin s'ya sa akin ng painosente.

"Lalaki din naman s'ya." napatanga na lang ako sa sagot n'ya. Ibinaling n'ya ang tingin n'ya kay Steph, "Mosquito ka ba?" babanat pa ata ang loko.

"Why? Hihi!" muntik na akong mahimatay dahil sa kalandian ng dalawang 'to.

"Kasi mahal kita...." parehong kumunot ang noo naming dalawa dahil nasaan ang mosquito? "....mahal kita, mosquitonong mo pa sa nanay mo. Boom!" parang bulateng inasinan si Steph dahil kulang na lang ay maglupasay s'ya sa sahig.

"Ene be, beyb! Keenesh ke eh? Hihi! Super hevey nemen!" itinulak ko ang stroller mi Yusef dahil mukhang nagdidilim ang paningin ko.

Nakita ko naman si Kurt na may dalang isang kart at naniningin na pwedeng ilagay dito, "Hoy Trish!" banggit n'ya sa sa maganda kong pangalan, "Ilang tsupon mayroon si baby Yusef?" tanong n'ya at nagtaka ako, "Tuturuan ko kasi s'yang dumede. Wahaha!" tumawa s'ya bigla at binato ko s'ya ng kahon ng gatas na nasa tabi ko.

"Bastos ka talaga!" tinawanan n'ya lang ako at nakita ko naman si Dominique na naniningin ng mga damit na pang-bata.

"Wait lang, Trish!" sigaw ni Kurt at tumingin s'ya sa akin habang pinapakita ang isang, "Breast pump! Baka kailangan mo?" tanong n'ya at muntik ko ng ibato sa kanya ang crib na nasa tabi ko. "Jowk lang!" tawa s'ya ng tawa habang palalayo ako.

"Hoy!" banggit ko at nilingon n'ya naman ako, "'Yung maayos naman ang bilhin mo ah? Huwag ka ng gumaya sa mga kaibigan mong sira ulo. Maging maayos naman kayong ninong para kay Yusef." sabi ko sa kanya at tumango tango s'ya.

Napagkasunduan kasi namin na sila ang gagawing ninong ni Yusef. Oo, kahit mga siraulo 'yan, sila mismo ang nagpresinta na gawin silang ninong. Pati na rin si Steph. Para daw fair ang pagbili ng gamit ni Yusef ay gagastos sila ng tig-₱10000.00 diba ang yaman? Who would have thought na ganito sila kagalante? Aba, siguro pati magiging anak ko ay sila ang gagawin kong ninong.

Kulang man s'ya sa pagmamahal ng mga magulang ay nandito naman kami para sa kanya. Pinangako ko sa sarili ko na no matter what happens, ako na ang tatayong mommy n'ya. Nand'yan naman si Papa na isang supportive na lolo. Nand'yan ang mga ulupong na ninong n'ya. Nand'yan pa ang daddy Terrence n'ya na tulog nga lang.

Sabi sa akin ng doctor ko, na mag-isip lang daw ako ng mga good things para mapanatag ang loob ko and it works. As long as na nag-iisip ka ng magagandang bagay, ay mawawala ang pangamba mo sa buhay.

Dalawang araw mula noong namili kami ng mga gamit ay dinala ko si Yusef sa Park. Buwan na ng December kaya malamig na. Nakasuot tuloy ng sweater at bonet si Yusef para hindi s'ya lamigin. Trip kasi naming magpaaraw ngayon para makakuha naman s'ya ng vitamin D.

Inihinto ko ang stroller at umikot ako dito para buhatin s'ya, "Ang bigat mo na baby!" sabi ko sa kanya at iniwi ko s'ya.

Maraming tao sa park at nakakalungkot lang dahil mas masaya kung nandito s'ya. Mas masaya sana kung s'ya ang nagbubuhat kay Yusef dahil mas nakakatuwang pagmasdan 'yun. Iniisip ko pa lang na magiging daddy na si Terrence ay naeexcite na ako.

"Ang tagal mo namang lumaki.." sabi ko sa kanya habang pinagmamasdan ang mga batang naglalaro sa swing, "Tandaan mo love na love ka ng mama at papa mo. Kahit na sa heaven na sila ngayon.." kahit napapaisip ako na kung si Tristan ba ay tinanggap sa langit o ano. Pero si Aya, tatanggapin 'yun for sure. Natawa na lang ako habang iniisip ang bagay na iyon, "Baka sindakin ni Tristan si San Pedro gamit ang baba n'ya. Baka nga pinapasok." pagkukwento ko at bumungisngis si Yusef ng malakas.

"Hala? Ang hard mo sa Papa mo ah?" natatawang pagkausap ko sa kanya, "Baby, ano?" tanong ko dahil may kung anong tinitingnan s'ya sa bandang likod ko, "Sino ba 'yung tinitingnan m—" pagharap ko ay bigla akong napanganga at hindi lubusang makapaniwala dahil sa nakikita ko.

"Natulog lang ako saglit, nagkaanak ka na."

Pahayag n'ya habang nakakunot ang noo, pilit na sumasama sa kanya si Yusef at nakatingin lang s'ya dito, "Even tho, it fuckin' hurts, who is the father of that child, freak?" muntik na akong mapaluha pero hindi ko magawa dahil akala n'ya pinagpalit ko na s'ya.

"I miss you, sobra sobra kahit may anak ka na." bulong n'ya kahit halatang naiinis dahil hindi n'ya alam kung sino ang batang hawak ko.

"I miss you too, monster..." lumapit s'ya sa amin at yumakap ng mahigpit kahit batid kong labag sa loob n'ya. Nangingilid ang luha ko dahil sa saya, "...daddy ka na." I whispered on his ear. I felt him frozed at hindi ko mapigilang hindi matawa dahil sa reaksyon n'ya.

My Greatest Downfall (Published under Summit Media)Where stories live. Discover now