9. LET'S GO

25 3 0
                                    

Hindi nagtagal ay nasa condominium na kami. Nagmamadali ang kilos ni Norkis. Focus lang ito sa pagbuhat sa akin gamit niya ang vampire speed hanggang sa nakarating kami sa unit niya. Wala akong ibang maganda kundi ang mapakapit lang nang mahigpit. Napapatingin ako sa guwapong mukha nito. Nagtataka rin ako. Paano niya kinakaya ang init ng araw?

Pagkababa niya sa akin ay agad kong naramdaman ng panghihinayang. Nakakawili sa bisig ni Norkis. It was so comfortable like a home. It felt also like a shield that's protecting me from destruction. Gusto ko tuloy ulit maramdaman ang seguridad na hatid ng mga bisig niya.

"Pack your things and we're leaving." Sabi ni Norkis na pumutol ng lumutang kong isip. Dire-diretso siya sa loob at napatayo sina Lydia saka Maru nang makita kami. Binalewala niya ang digital lock na sinira ko. Ako naman ay pinigilang mapangiwi sa guilty nang makita iyon.

"S-Saan tayo pupunta?" kinakabahang tanong ko.

"Wolves will be here any minute. Susunduan nila ang amoy natin." Simple niyang sagot at pumasok sa kuwarto nito. Dire-diretso nitong binuksan ang pinto na sa unang tingin ay iisiping walk in closet pero nagulat ako nang makitang heavy firearms ang laman noon sa halip na mga damit.

Balewalang isinukbit niya ang ilang improvised firearms na parang 45 calibre ang itsura pero may kalakhina sa tagiliran at isinuot ang dalawang riffles. Improvised din iyon dahil kakaiba ang itsura at laki. Kinuha rin ni Norkis ang isang gun bag na naglalaman ng mga silver bullets. Namangha ako ulit dahil napansin kong hindi siya napapaso sa silver. Sa pagkakaalam ko ay vulnerable ang mga bampira sa silver. Mukhang kakaibang bampira talaga si Norkis.

"A-Ano 'yan?" takang tanong ko nang buhati niya ang isang itim na drawstring sack bag na halos isang dipa ang haba. Mukhang mabigat iyon pero balewala lang kay Norkis ang bigat.

"I will explain everything later. Go now." Utos niya.

Sa pagkakataon ngayon ay sinusunod ko na siya. Dali-dali akong pumunta sa kuwarto at inayos ang ilang gamit nang pumasok si Lydia.

"Ang sama talaga ng ugali mo." Usig niya.

Natamaan ako at na-guilty. Tama si Lydia at mahirap magalit kung ipinamumukha niya sa akin ang katotohana. Pahiyang-pahiya talaga ako.

"P-pasensya ka na—"

"Humingi ka rin ng sorry kay Norkis. Para siyang sira ulong naghahanap sa'yo. Alam mong delikado, sumige ka diyan sa gusto mo. Wala kang utak!" nanggagalaiting asik ni Lydia.

Nabigla ako sa nakikitang inis ni Lydia. First time ko siyang makaringgan ng ganito kaya hindi agad ako nakasagot. Natulala ako. Hindi matanggap ng utak ko na masabihan niya ako ng ganito. Nagtataka rin kasi ako kung bakit ganito katindi ang naging galit niya.

Oo naging makasarili ako pero ang pagsabihan niya akong walang utak ay sobra. Nakakasakit nang damdamin.

"Finish?" tanong ni Norkis nang pumasok at napatingin sa gamit ko sa kama na hindi ko nagawang ayusin. Napabuntong hininga si Norkis. Siya na ang umayos at mabilis na kinuha ang bag. "Let's go."

"Norkis, tayo na lang ang umalis kaya? Mukhang ayaw naman talaga ni Alanis." Pigil ni Lydia na ikinagulat ko ulit.

Tumigil si Norkis at pinagmasdan si Lydia. Hindi ko alam kung ano ang tumakbo sa isip ni Norkis. Nabigla ba siya na makaringgan ng ganitong suggestion ang isang kaibigan ko o nainis? Pero blangko lang ang expression sa mukha ni Norkis. Hindi ko alam kung ano ang nasa isip niya.

"Whether she likes it or not, she will have to come with us. She needed to." Seryosong sagot ni Norkis.

"Pero—"

"No buts." Bara ni Norkis kay Lydia at hinarap ako. "Let's go." Aya niya.

Binilisan ko nang kumilos. Sumunod na ako kay Norkis. Naramdaman ko rin si Lydia na sumunod na at sinalubong siya ni Maru. Si Maru ang tumulong kay Lydia. Hindi ang entrance ng unit ni Norkis ang tinumbok naming kundi ang isang pinto sa likuran na hindi ginagamit.

Pagbukas noon ay bumungad ang isang helipad na mayroong private helicopter. Lydia and I held our breaths. Sabay kaming namangha sa nakita.

"Get in." utos ni Norkis at dali-dali kaming kumilos ni Lydia. Inasistehan kami ni Maru sa pagsuot ng mga safety gears sa pagsakay hanggang sa naupo si Norkis sa pilot's seat.

Muli, namangha ako kay Norkis. This vampire knows a lot. Ano pa ba ang puwede at kaya niyang gawin?

Hindi nagtagal ay lumipad na kami. Nang makalayo na kami ay kinuha ni Maru ang itim na drawstring bag na hawak ni Norkis kanina at isinabog ang laman noon sa ere.

"Ano 'yan?" tanong ko kay Maru. Salamat sa head set na mayroong microphone din. Magagawa tuloy naming magusap nang hindi nagsisigawan.

"Odor Eliminator. Gawa ni Anakin." Simpleng sagot ni Maru.

Napatango ako at lihim na humanga kay Anakin. Mukhang espesyal din siya at nakakagawa ng ganitong klaseng bagay.

Napalingon ako sa pinanggalingan namin. Napasinghap ako nang umuusok na iyon hanggang sa sumabog. "Norkis!" gulat kong bulalas.

"The trap I set worked." Simpleng sagot ni Norkis.

"Nakita mo na ang damage na ginawa mo?" usig ni Lydia. Simangot na simangot. Napapailing pa na para bang isang paslit ang pinagagalitan.

Napabuntong hininga na lang ako at hindi sumagot. May punto si Lydia. Tatanggapin koi yon dahil alam kong kasalanan ko.

Hindi nagtagal ay palabas na kami ng Manila. Wala nang nangahas na magbukas ng usapin. Nagisip na rin ako kung ano ang dapat sabihin kay Norkis.

Tama si Lydia. Dapat ay humingi ako ng sorry sa lahat.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 09, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

WILD FANGS SERIES 1: GENERAL'S ALCHEMISTWhere stories live. Discover now