5. ALANIS' SECRET

35 6 1
                                    

"Kanina mo pa tinitigan ang ipad. Ano'ng mayroon?" tanong ni Lydia at sumubo ng hotdog. Kasalukuyan kaming nagaagahan. Wala ang cellphone ko. Naiwan iyon sa unit at hula ko ay hindi ko na iyon makukuha pa. Hanggang ngayon, nagtatago pa rin kami. One week na kaming laman ng balita kaya hindi pa rin ako makalantad.

Pinipigilan kami ni Norkis. Lagi niyang sinasabi na nasa lobo lang ang paligid. Naghihintay lang ang mga iyon kung kailan ako ulit makikita at makukuha.

Iniisip ko tuloy ang TOP. Sayang iyon. Baka tawagan ako anytime. Dahil sa nangyari, mapupurnada pa ang simple kong pangarap. Hindi ako mapakali kaya humiram ako ng gadget kay Norkis. Mukhang nagdadalawang isip pa siya pero nang pilitin ko nang pilitin ay pinagbigyan din ako. Hindi ko naman sinabi ang totoo na gagamitin ko iyon sa pag-check ng email. Nagiwan kasi ako ng email address sa resume at umaasa ako na kapag hindi ako mako-contact ng TOP ay doon sila magpapadala ng message kung kailangan ko mag-report.

Sa totoo lang, nahihiwagaan ako. Mahigpit si Norkis. Sa katunayan, hindi kami basta makalabas sa unit. Mayroong digital lock iyon at ang nakakaalam lang ng password ay silang dalawa ni Maro. Golden prison iyon kung itaguri ni Lydia. Nakakulong kami pero parang hindi. Nagagawa pa rin kasi naming kumain ng maayos at kung anu-ano maliban lang sa paglabas o pakikipag-communicate sa iba. Provided ang lahat. Mula sa damit at toiletries. Si Maro ang taga-shopping.

Pero kahit mahigpit si Norkis, may mga pagkakataong pinagbibigyan niya ako. Parang hindi niya ako matiis. Kagaya na lang nang ipilit kong gumamit ng ipad. Ipinilit ko na gusto kong makanood ng news agad. Idinahilan niyang mayroong TV naman pero idinahilan ko naman na gusto ko ring mag-surf sa internet tungkol sa mga kagaya nila. Nag-volunteer siya na magkwento pero tumanggi ako.

Dalawa ang dahilan kung bakit tumanggi ako. Una ay dahil nga sa gusto kong pasikretong i-check ang email ko at gusto ko ring maglagay ng boundary sa pagitan namin.

Hindi kami puwedeng maging close. Sa totoo lang ay ayokong i-entertain ang mga nararamdaman kong familiarity sa kanya. Pakiramdam ko, kapag nagkalapit kami ay lalalim iyon. Ayokong dumating sa point na pati ako ay maniwalang reincarnated lang ako ni Anakin.

"W-wala." Tanggi ko kay Lydia at tinapos na ang agahan. Para hindi siya magduda ay siya ang hinarap ko. "Naiinip na ako. Gusto ko nang umalis."

"Paano kung kunin tayo ng mga lobo?" tanong niya.

Napatitig ako kay Lydia. Naniniwala talaga siya na pati siya ay kukunin ng mga lobo. Napabuntong hininga ako. "Hindi puwede. May mga sarili tayong buhay at pangarap. Hindi tayo dapat nai-involve sa ganito. Kaya ikaw, ha. Itigil mo na 'yang paniniwala mong kailangan nating sumama sa kanila o kay Norkis."

"Pagkatapos na lang ng mga nangyari, naniniwala ka pa rin na hindi pa tayo tuluyang involve sa mga kagaya nila. Alanis, involve na tayo. Kaya nga tayo nagtatago. Kapag nakita tayo, kukunin nila tayo. Bakit hindi na lang tayo sumubok? Tanungin natin si Norkis kung ano ang magandang gawin." sagot ni Lydia. Nabaliw na talaga sa mga supernatural.

"Ano ka ba?" hindi ako makapaniwalang napatitig kay Lydia.

"Tanggapin mo na rin kasi sa sarili mo na iba tayo." Giit ni Lydia.

Sasagot pa ko pero mayroong nag-pop up sa ipad. Tumayo na ako at nagpunta sa CR para doon iyon buksan.

Tumalon ang puso ko nang makitang email iyon galing sa TOP! Agad ko iyong binasa. Nanginginig pa. Muntikan na akong mapasigaw sa saya nang makitang nakapasa ako at pinag-re-report na sa darating na Lunes!

Two days iyon mula sa araw ngayon. Hindi ko mapakali. Lakad ako nang lakad hanggang sa mapaigtad nang katukin ni Lydia. Napilitan tuloy akong binuksan iyon.

At nagulat ako nang hablutin niya ang ipad. Dali-dali ko iyong inagaw hanggang sa naghabulan na kami. Habang hinahabol ko siya ay panay ang pindot niya sa ipad.

"Lydia!" inis kong bulalas. First time, napikon na ako sa kanya. Tumigil naman siya at hinablot ko ang ipad. Pulang-pula ang mukha ko sa inis.

"Pupunta ka? Magagalit si Norkis." Seryoso niyang sabi.

Inirapan ko siya. "Mukha ba akong makakapunta? Paano ako makakalabas?" sarkastikong sagot pero sa loob-loob, gagawa ako ng paraan. Hindi puwedeng hindi ako pumunta ng TOP sa Monday. Opportunity na iyon. Hindi ko palalampasin.

Marahang tumango si Lydia. "Alanis, pagisipan mo muna kasi ang mga sinasabi ni Norkis. Tumantanggi ka naman kasi agad."

Hindi ako kumibo. Maghapon ko siyang hindi kinibo dahil ayokong magtalo kami. Ipipilit lang kasi niya ang pangarap niyang maging involve kami sa mga bampira at lobo.

Minabuti kong pagplanuhan ang pagpunta ko sa TOP. Oras na makatakas ko, sasaglit ako sa bahay para magbihis. Pagkatapos noon ay pupunta ako sa TOP para mag-report. Para magawa ko iyon ay kailangan kong malaman ang password ng lock.

Kaya minabuti kong tumambay sa sala at pasimpleng pinanonood si Maro tuwing lumabas. Pasimple kong sinisipat ang mga number na pinipindot niya hanggang sa manlumo na ako.

Hindi ko kasi makita!

Sabado ng gabi, biling baligtad ako sa kama. Isip ako ng isip ng paraan kung paano makakalabas hanggang sa naalala ko ang 'sikreto' ko.

Subukan ko kaya iyong gamitin? Magagawa ko kayang makalabas?

Kinabahan ako at napatingin sa mga kamay. Ang mga kamay na iyon ang sikreto ko. Ang mga palad na iyon ay mayroong abilidad na ako lang ang nakakaalam. Magagamit ko kaya ngayong kailangan ko?

Kinabukasan, ginusto akong kausapin ni Norkis pero nagdahilan ako. Umiwas ko. Pati kay Lydia, umiwas na rin ako. Ayokong maramdaman niya na mayroon akong plano sa gabing iyon.

Hinintay kong makatulog ang lahat. Si Norkis, hinintay kong magkulong sa sariling kuwarto. Pagpatak ng alas tress ng madaling araw, pasimple akong lumabas at nagtungo sa malaki at itim na maindoor.

Mariin kong ipinikit ang mga mata. Naging taimtim ako sa paghiling. Kagaya nang ginawa ko noong bata pa, noong tubig lang ang hawak ko at humiling na sana ay mag-transform iyon ng soft drinks, dahan-dahang natupad ang pangarap ko.

Kagaya nang sandaling iyon. Pinangarap kong makalabas. Hinawakan ko ang digital lock ng pinto at umilaw ang kamay ko. Dahan-dahang nagyelo ang digital lock. Napasinghap ako nang mag-crack iyon at madurog!

Agad kong hinawakan ang pinto ng bumukas iyon. Mariin kong kinagat ang bibig ko para huwag gumawa ng ingay. Halos sumabog na ang puso ko sa kaba dahil sa muling natuklasan.

Hindi pa rin pala tuluyang nawala ang sikreto ko.

WILD FANGS SERIES 1: GENERAL'S ALCHEMISTWhere stories live. Discover now