3. MY HERO

44 7 1
                                    

"A-ano'ng..." wala sa sariling naibulong ko na lang habang nanonood sa pakikipaglaban nang bagong dating na lalaki. Pawala-wala siya sa paningin ko. Pero sa bawat pagsulpot niya ay nagpapaulan siya ng suntok at sipa sa mga naglalakihang lobo. He's only using his bare hands. No weapons at all. Nakakamangha.

Tama ako. Hindi lang ang silver white hair na lobo ang dumating. Naging anim na sila. Iba-ibang kulay pero pare-parehong mababangis. Pare-parehong handang mamatay at pumatay.

"Alanis!"

Napalingon ako at nakita ko si Lydia na nagtatago sa tabi ng drum. Kinayawan niya ako at dali-dali akong bumangon para sumama sa kanya nang mapansin ako ng silver white hair na lobo. Nanlaki ang mga mata ko nang makitang aatakehin niya ako.

Pero salamat sa lalaking bagong dating. Mabilis siyang nakalapit sa lobo at sinipa iyon sa tagiliran. Lumipad iyon sa backdoor namin. Napaigtad na lang ako nang mawasak iyon. Nang hindi iyon gumalaw ay ako ang hinarap ng lalaki. Mabilis siyang lumapit at binuhat ako saka dinala sa tabi ni Lydia. Hindi ko alam kung nag-teleport ba siya o ano pero isa lang ang naiintindihan ko: tagapagligtas siya. Ilang beses na niya akong sinagip.

Hindi ko makita ang mukha niya dahil mayroon iyong mask. Nakasuot din siya ng itim na jacket at pantalon. Abuhing mga mata lang ang nakikita ko.

"Stay here." Bilin niya. Husky ang boses. Sexy. Boses pa lang para akong saglit na nawala sa sarili. Masarap kasi iyon sa pandinig. Naging panatag akong bigla sa gitna ng panganib.

Saglit akong pinagmasdan ng lalaki. Bumilis tuloy ang tibok ng puso ko. Parang nakaramdam ako ng koneksyon na hindi ko maintindihan. Parang bigla kaming nawala sa gitna ng gulong iyon. Parang kami na lang ang natira.

Napakurap na lang ako nang hinarap na niya ang silver white na lobo na nakabangon ulit. Maang ko na lang pinanood ang lahat hanggang sa isa-isang napabagsak ng lalaki ang mga kalaban. One on one na lang sila ng silver white na lobo.

"A-Ang galing..." bulong ni Lydia.

Wala sa sariling tumango ako. Ang galing nga. Paano'ng nagagawa ng lalaki na biglang nawawala? Paano'ng hindi natatakot ang lobo rito at harapang nakikipaglaban pa rin? Paano'ng nagagawa nilang maglaban ng ganito katindi? Wasak na ang ilang unit dahil doon bumabalandra ang lalaki at lobo.

Pero nanatiling malakas at maliksi ang lalaki. Kung mukhang sanay sa pakikipaglaban ang lobo, mas lalo na ang tagapagligtas. Parang hindi pa ito napapagod sa tagal nilang maglaban.

Hanggang sa bumagsak na ang lobo dahil sa isang malakas na sipang ibinigay ng lalaki sa sikmura nito. Tumama siya sa malaking puno at hindi na makabangon.

Nilapitan iyon ng tagapagligtas. Hinawakan sa leeg ang lobo at iniangat. "Sigma vos regem?"

Umungol na parang galit na hayop ang lobo. Hinigpitan ng lalaki ang hawak sa leeg nito. Napaigik ito. Nawala ang bangis dahil sa sakit. "Rex vult ea. Et erat iustus a carne aderunt,"

Napatingala ang lalaki. Mukhang kumuha ng lakas hanggang sa mabilis na gumalaw. Kinuha nito ang patalim sa likuran ay ibinaon iyon sa dibdib. Sa lakas noon ay tumagos iyon. Naitarak ang patalim kasama ang lobo sa puno. Gimbal na gimbal ako.

"Let's go. We need to go." Sabi ng lalaki nang makalapit sa akin. Inalalayan akong makatayo.

"S-Saan tayo pupunta?" takang tanong ko.

"Sama ako. Hindi puwedeng iwanan niyo ako." Angal ni Lydia at dali-daling tumayo.

"You can't come with us." Sagot ng lalaki.

Hinila ko ang kamay ko at naguguluhang napahawak sa ulo. "Hindi ako puwedeng sumama, okay?"

Doon kami nakarinig ng sirena. May mga pulis nang paparating. Mukhang mayroong nag-report na ng kaguluhan. Maisip ko pa lang kung paano iyon sasabihin sa mga pulis ay sumasakit na ang ulo ko.

Sino'ng maniniwala na kagagawan iyon ng mga lobo?

"Tara na. Papadating na ang mga pulis." Sabi ng lalaki. Doon ko napansing may pagka-slang siya sa pagsasalita ng tagalog. Mukhang hindi siya dating nagsasalita ng language namin.

Takang tinitigan ko siya. Nakasuot pa rin ang mask. Nagduda na rin ako. Paano akong nakilala nito? Sigurado ako. Ako ang pakay niya dahil ako lang ang inaya niya. Wala kay Lydia ang atensyon niya.

"Sino ka? Ano ba ang nangyayari?" naguguluhang tanong ko.

Lumalakas na ang sirena. Mukhang malapit na ang mga pulis. Napabuntong hininga ang lalaki at inalis ang mask. Napanganga ako sa kaguwapuhan niya. Halong white black ang buhok niyang unat. Hindi iyon pantay na abot hanggang batok. May mga hibla na tumatabing din sa mata niya pero kitang-kita ko pa ring abuhin iyon. Nateternuhan iyon ng manipis na pilik pero makakapal na kilay. Maayos iyong nakaarko. Matangos ang ilong niya. Manipis ang labi. Medyo maputla ang lalaki.

Bumilis ang tibok ng puso ko. Our gazes were locked, I feel our heart locked too. Saglit kong hindi maintindihan ang koneksyong nararamdaman. Nandoon ang familiarity niya sa puso ko at kung paniniwalaan iyon ay iisipin kong nagkita na kami o nagkasama.

"I am Norkis. You can trust me. Sumama ka at ipapaliwanag ko ang lahat. Wala na tayong oras." Seryoso niyang sabi.

"Tara na!" aya ni Lydia at umabrisyete na.

"Wait. Stay here." Bilin ni Norkis kay Lydia.

Sumimangot si Lydia. "Kasama ako rito. Hindi niyo ako puwedeng iwanan at harapin ang mga pulis. Isa pa, baka bumalik ang ibang lobo at ako ang paginitan kaya sa ayaw ninyo at gusto, damay na ako rito."

Bumuntong hininga si Norkis. "She's right. Babalik ang mga kasama nila. It's dangerous for you to stay here. You have to come to me." Sabi ni Norkis sa akin.

Dahil naisip ko ang consequences ng lahat ay napilitan ako sa huli. Isa pa, kasama ko si Lydia. Panatag ako na ligtas din siyang kasama ko.

Kaya nang dumating ang mga pulis ay wala na kami sa unit. Sakay na kami ng itim na sports car ni Norkis papalayo sa lugar.

WILD FANGS SERIES 1: GENERAL'S ALCHEMISTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon