Chapter 12: Hoy, gising!

95 3 0
                                    

"There are many different ideas or systems of how an economy should be run. The two most common are capitalism and socialism. They are very different in how they view who runs the economy. Most economies have ideas from both systems, but tend to be more of one than the other.", at nagdiscuss na nga ako ng topic nila about socialism and capitalism. Ang hirap ipa-intindi sa kanila kasi mismong ako nga eh, hindi ko maintindihan masyado. Junior pa kasi naman ako! Buti na lang may mga utak din ang iba dito. ;)

Nang magpapagawa na ako ng activity sa book nila, napansin ko na may kaisa-isang hindi nakikinig saken. Hindi ko makita ang mukha kasi nga kanina pa siyang naka-ub-ob. Kulang yata sa tulog si Kuya. Pero hmp! Ibigsabihin, di siya nakikinig sa discussion ko! Magising nga ito!

"Ahhh, Mr. Sleepyhead, wake up!", sabi ko sabay marahang tinapik ang kanyang likod.

"Miss Aldover, kung ako sa'yo, hahayaan ko na lang yang tulog.", sabi nung lalaking nasa unahan ni Sleepyhead.

"Hindi porke't mas matanda kayo saken, tutulugan niyo na lang ang discussion ko. Your teacher entrusted me with this responsibility to be able to teach you this lesson. Hindi ako nagpapakahirap dito para tulugan lang ng kulugong 'to! Hoy gising!", tuloy-tuloy kong sagot. Naiinis na kasi ako eh. Ayan tuloy nakapagsabi ako ng masama. Tssss =______=

"Anong sabi mo?!", dahan-dahang bumangon sa pagkaka-ub-ob si Mr. Sleepyhead. Oooops! Rinig pala niya yung sabi ko. Nakuuuu! Patay ako neto. E teka, sino ba itong kulugo na 'to? Este Sleepyhead na 'to? Ayan, nakita ko na ang mukha niya. Oh my gosh...

"Ah, eh, Philip, ikaw pala yan! Akala ko absent ka! Hehehehe.", biglang urong ng buntot ko. Muntikan na akong maging leon eh, nakita ko lang na si Philip yun, aba umurong!

"Before you call someone 'kulugo', make sure it's not me. Natutulog ang tao tapos gigisingin mo.", hayy salamat, mukha namang di galit si Philip.

"Ohhhh, Gab! Bakit kakaiba ang tawag ng Miss Aldover na yan sayo?", biglang epal naman si haliparot girl. Nagsi-OO rin naman yung ibang mga engot na lalake. Hindi ba nila alam ang full name nitong si Philip?

"E bakit ang epal mo, Ann? Hindi ka dapat sa section na 'to. May itsura ka sana, wala nga lang utak. Tsss.", sagot ni Philip.

"Ohhh! Basag ka dun, Anntot! Hahahahaha! Wala ka palang utak eh!", kantyaw naman ng ibang mga luko. Tuluyan na ngang umingay. T____T

"Class IV-A, please get a grip of yourselves. Naturingan pa naman kayong Seniors. Please don't act like you're still children. You are going to answer pp. 45-47 quietly. If you don't keep quiet, again, the door is open for you to get out.", yes! nasabi ko nang walang buckle! buti na lang kasi kundi, baka ako pa ang makantyawan nila. I didn't become a school council officer kung wala akong voice of authority.

Nabigla naman sila sa sinabi ko. Na-sense siguro nila na seryoso ako sa sinabi ko. Bigla na lang tumayo si Philip at akmang papalabas ng classroom.

"Saan ka naman pupunta?", tanong ko sa kanya. Medyo naiirita na rin ako eh.

"Masama bang mag-CR?", tanong niya pabalik sa akin. Ano ba naman yan, ako ang unang nagtanong, tanong din ang isasagot niya. -________-"

"Hindi naman masamang mag-CR, as long as nagpapaalam ka muna.", matapang kong sagot sa kanya. Akala niya ha.

Tiningnan lang niya ako gamit ng kanyang super singkit na mata at ayun, dumiretso pa din siya palabas habang ang mga kaklase niya ay seryosong nagsasagot sa kanilang activity. Wala din akong nagawa. Kainis.

Ba't kasi si Philip pa yung naka-ub-ob eh! >_______< Sana walang nakapansing namula ako kanina. *fingers crossed*

Please Be Mine (ON HOLD)Where stories live. Discover now