Chapter 40: Still in love

Magsimula sa umpisa
                                    

I sigh heavily.

Pa'no ako magsisimula ulit? Ngayong gumuho na ang lahat sa akin? Walang natira, durog na durog. Napulbos lahat nang pinung-pino.

Pa'no ko ulit pupulutin ang mga wasak na bahagi ng sarili ko?

Pa'no ko aayusin ang buhay kong sa umpisa pa lang, sira na?

Pa'no?

Matapos ang ilang oras na pagmumuni-muni ay bumangon na ako at nagtungo sa banyo.

Pagkaligo ay nagbihis na ako, kumain ng tanghalian at nang handa na ang lahat ay saka ako umalis papunta sa coffee shop kung sa'n kami magkikita.

Pagdating sa nasabing lugar ay um-order agad ako ng capuccino frappe at isang slice ng blueberry cheesecake. Nagsimula akong kumain habang nililibang ang aking sarili sa pamamagitan ng paglalaro sa phone na dala ko. Hindi nagtagal at dumating din ang taong hinihintay ko. Umupo siya sa bakanteng silya sa harap ko, tumawag ng waiter saka um-order. Tumingin siya sa kaniyang wrist watch na para bang sinisipat ang oras. Nag-angat siya nang tingin at nagsalita.

"Ano bang kailangan mo? Sabihin mo na habang may oras pa. May mahalaga pa akong pupuntahan mamayang alas dos," naiinip niyang sabi at saka humalukipkip.

Ibinulsa ko ang hawak na phone at tumingin sa kaniya.

"Ang bilis ng panahon. Akalain mo, ikakasal na pala kayo bukas," mapait kong sabi.

Ngumisi siya.

"Kung pinapunta mo ako rito para manggulo, sabihin mo lang nang maka-alis na ako," inis niyang sambit. "Kahit ano pang sabihin mo, hindi magbabago ang isip ko. Huli ka na at wala ka nang magagawa pa. Ako ang mahal niya at ikakasal na kami bukas. Kaya sumuko ka na at tanggapin ang mapait na katotohanan," mariin niyang sabi.

Umigting ang panga ko dahil sa isinagot niya. Kinuyom ko ang aking mga palad at kinalma ang sarili.

"Alam ko. Hindi naman ako nakipagkita sa 'yo para manggulo," malamig kong sagot. "Gusto lang kitang paalalahanan. Sa oras na saktan mo siya, humanda ka sa akin."

"Hindi mo na kailangan pang sabihin 'yan. Ako nang bahala sa kaniya," seryoso niyang sabi.

Naglabas ako ng notepad at ballpen saka muling nagsalita. "Siguraduhin mo lang na aalagaan mo siya. Tandaan mo, allergic siya sa malalansa gaya ng hipon at alimango. Hindi siya kumakain ng okra at talong. Hindi siya umiinom ng kape kapag walang asukal at creamer. Hindi rin siya mahilig mag-alaga ng aso o ng kung ano pang hayop. Ayaw na ayaw niyang nilalagyan ng Downy ang mga damit niya, masakit daw kasi sa ilong ang amoy. Ayaw niya rin sa matatapang na pabango," wika ko habang isinusulat sa papel ang lahat ng paalala ko sa kaniya. Tahimik lang siyang nakamasid at nakikinig sa akin.

"Ayaw na ayaw niyang nagsasayang ng pagkain kaya kahit hindi masarap ang niluto niya, ubusin mo pa rin. Kapag hindi siya makatulog, kantahan mo lang siya. Maya-maya, makikita mo, bagsak na ang mga mata niya. Kapag nagtatampo siya, chocolate lang ang katapat solve na siya! O kaya ice cream saka pizza na sinamahan ng fries. Gustong-gusto niya rin ng Carbonara Spaghetti kaya ngayon pa lang, sinasabi ko na para mapag-aralan mo nang lutuin. Huwag kang mag-alala, hindi siya mahilig manood ng chick flick movies. Mas gugustuhin niya pang manood ng action, fantasy, adventure, science fiction na palabas o kaya ng anime. Hindi siya mahilig sa bulaklak. Mas gusto niyang binibigyan siya ng pagkain o kaya ng libro. Mahilig kasi siyang magbasa," pagpapatuloy ko.

Bed friends? (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon