Chapter 19: Acceptance

5.9K 121 5
                                    

Chapter 19: Acceptance

Balik na ulit kami sa dating gawi matapos naming magkabati. Para bang walang naganap na away sa pagitan naming dalawa.

Well, sabi nga nila - past is past. Hindi mo na mababago pa ang nakaraan. Walang magandang maidudulot ang pagtatanim ng galit. Pahalagahan mo kung anong mayro'n ka sa kasalukuyan kung ayaw mong magsisi sa huli.

Anyway, friends na nga pala kami ni Erica. Hindi naman kasi siya mahirap makasundo, ako lang talaga 'tong ayaw sa kaniya rati.

But everything has changed now.

Okay na kami ni Ken.

Nilinaw niya na rin na walang something sa kanila.

Isa pa, nagbabagong-buhay na ako ngayon.

Acceptance is the best way to move on.

Kaya ginagawa ko ang aking makakaya para matanggap ang lahat ng pagbabagong nagaganap.

Kaibigan siya ng bestfriend ko kaya kailangan ko siyang tanggapin. Kailangan kong tanggapin na bahagi na siya ng buhay namin.

"Ano, kamusta? Nasabi mo na ba sa kaniya?" tanong ni Mart.

Narito kami ngayon kila Allen, nakatambay sa music room. May sasalihan kasi silang battle of the bands sa nalalapit na program sa school kaya nagpa-practice ang band nila ngayon.

Dumukot ako ng chips na nakahain sa table at saka nagsalita.

"Hindi pa," sabay kagat ng chips. "Actually, wala na akong balak sabihin sa kaniya."

Nagsalin siya ng softdrinks sa baso.

"Bakit naman?" aniya sabay higop ng softdrinks.

Napatingin ako kay Ken na kasalukyang nagto-tono ng gitara.

"It's better this way," bulong ko sabay dukot ulit ng chips.

"Anong gagawin mo?" tanong niya.

"Wala," walang pag-aalinlangan kong sagot.

"Wala ka man lang gagawin?"

"Marami pa namang iba. Hindi pa naman katapusan ng mundo." Sour-graping at its finest.

"Susuko ka nalang bigla?" hindi makapaniwala niyang sabi.

"Alangan namang ipagpilitan ko ang sarili ko sa kaniya."

"Ano 'yang pinag-uusapan niyo?"

Muntik na akong mapatalon dahil sa gulat. Nakalimutan kong narito rin pala siya.

"Wala naman," palusot ko sabay ngiti.

Sumiksik siya sa gitna namin ni Mart.

"Pasali naman ako sa usapan niyo!" aniya.

Bed friends? (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon