Chapter 13: Never look back

6K 90 2
                                    

Chapter 13: Never look back

Naging masaya naman ang araw kahit na may makulit na bata kaming kasama. Wala namang kakaibang nangyari matapos naming kumain kahapon. Nanood lang kaming movie, namili sa bookstore, nag-window shopping, naglaro sa Quantum, kumain ulit, nag-picture taking at nang magsawa kagagala ay umuwi na kinagabihan.

Hinatid ako ni Ken sa bahay namin after that. Pasado alas otso na rin ng gabi nang makauwi ako. Kahit na may bata kaming kasama, nag-enjoy pa rin naman ako kahit papa'no.

"Ken," I called.

Agad naman siyang lumapit sa 'kin pagkalabas niya ng sasakyan.

"Thanks for the ride. And for the date. Nag-enjoy ako," I answered with a smile.

Honestly, I really had fun with them. Kahit may makulit na bata kaming kasama, masaya pa rin.

"Babawi nalang ako sa susunod. Hindi na talaga ulit ako magsasama ng bata," aniya.

Aba, dapat lang!

So may next time pa pala?

"Sabi mo 'yan," humihikab kong sinabi. "Siya, sige. Una na 'ko. Ingat kayo pauwi. Thanks ulit and good night!"

Bago pa man siya makapagsalita, hinalikan ko siya sa pisngi. Good night kiss ba. Kaso lumingon pala siya sa 'kin kaya imbis na sa pisngi, sa labi niya lumanding ang halik ko.

Para bang may spark na biglang nag-ignite nang lumapat ang labi namin sa isa't-isa. Kusang napapikit ang mga mata ko't tila ba tinamaan ako ng kidlat dahil sa naramdaman ko. Bumilis ang tibok ng aking puso at may kung anong halimaw na nagwala sa t'yan ko. Biglang nanlambot ang mga tuhod ko. Para akong mahuhulog and at the same time, para rin akong lumulutang dahil sa saya.

It was a magical feeling. Tipong hihilingin mong sana...hindi na 'to matapos pa.

Sana.

At saka lang sa 'kin nag-sink in ang lahat.

Hinalikan ko siya.

I kissed him.

At hindi ko dapat ginawa 'yon.

Marahan ko siyang tinulak palayo sa 'kin.

Pakiramdam ko nag-init ang buong mukha ko. Hindi ako makatingin nang ayos sa kaniya.

Ang tanga ko lang. Ang tanga-tanga ko talaga!

"S-Sorry! Una na 'ko," I stuttered.

Paalis na sana ako nang bigla niya akong hatakin at yakapin. He cupped my face and looked directly into my eyes. His gaze held so much intensity. Nakatutunaw. Nakalulunod. Nakababaliw.

And then things happened so fast. The next thing I knew, he was kissing me. Again.

Damn!

How could I resist his sweet lips?

I wrapped my arms around his neck and pulled him closer to me. My mind was telling me to stop but my actions kept betraying me.

Damn! He was such a good kisser! Samantalang baguhan lang ako. At dahil magaling siyang guro, agad naman akong natuto at kinalaunan ay sumasabay na rin sa mga halik niya.

Palalim nang palalim ang mga halik niya. Napasinghap ako nang bigla niyang kagatin ang ibabang labi ko, dahilan upang mapaawang ang bibig ko.

Sinamantala niya ang pagkakataon at ipinasok ang kaniyang dila.

His tongue explored inside my mouth, battled and clashed with mine. Lalong akong nag-init at pinagpawisan. Lalong nanghina ang mga tuhod ko na parang bibigay na.

Siguro, kung hindi niya lang kabig ang baywang ko, kanina pa ako bumagsak sa lupa. Para akong mauubusan ng hininga ngunit ayaw pa ring tumigil ng mga labi ko. Minsan lang 'to kaya sulitin na!

Tangina! Hindi ko alam na ganito pala ako kasabik sa kaniya - sa mga halik niya.

Ano ba 'tong mga iniisip ko? Nababaliw na ba 'ko? Siguro nga nababaliw na 'ko.

Alam kong mali. Hindi dapat ako nagpadala sa mga pangyayari. Kasi kahit anong gawin ko, alam kong sa huli...wala pa ring mangyayari.

Para bang bigla siyang natauhan sa lahat ng kagaguhang ginawa namin kasi bigla nalang siyang tumigil sa paghalik sa 'kin. Dahan-dahan siyang humiwalay mula sa pagkakayakap sa 'kin.

"Sorry. I shouldn't have done that," he muttered, as if it was the biggest mistake he has ever commit. Bakas ang pagsisisi sa kaniyang sinabi.

Hindi ako nagsalita. Bago pa man tumulo ang aking mga luha, dali-dali kong binuksan ang gate at pumasok ng bahay. I didn't look back. Too bad, hindi niya manlang ako hinabol. I was expecting that he'd take back what he said. But he didn't.

Fuck, I screwed up everything!

Pakiramdam ko, wala na akong mukhang maihaharap sa kaniya. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Ngayon ko lang napagtanto na tama siya.

Yes. He shouldn't really have done that.

I shouldn't have kissed him. It just fucking ruined everything.

Kinabukasan, puyat akong pumasok sa university. Halos three o'clock in the morning nang makatulog ako dahil sa kaiisip sa mga nangyari. At kahit late akong nagising, pumasok pa rin ako. Since lunch break na nang makarating ako sa school, dumiretso na akong cafeteria. Only to find out na may kasamang iba ang walang 'ya kong best friend.

He's with someone. And damn, they look so fucking happy together! May subuan moment pang nagaganap!

Matapos ang lahat nang nangyari kagabi, ito pa ang sasalubong sa 'kin?

Fuck this shit! Humanda kayo sa 'kin!

***

A/N: Sorry kung maikli, sa mobile ko lang tinayp. Babawi nalang ako sa susunod, okay? Thanks for reading anyway.

Bed friends? (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon