Chapter 6: At the bar

11.6K 122 15
                                    

Chapter 6: At the bar

 

“Na’ndito ka lang pala. Kanina pa kita hinahanap.”

Saglit akong napatigil sa ‘king ginagawa at napalingon sa nagsalita. Akala ko kung sino—si Ken lang pala.

Naglakad siya papalapit sa ‘kin. Nang makalapit ay saka pinagmasdan ang painting sa tabi ko—larawan ng isang babaeng nalulunod…sa dagat ng kalungkutan.

“Akala ko, tumigil ka na sa pagpi-paint,” he asks, still looking at the painting.

Inilapag ko ang paintbrush na hawak sa color palette. Saka pinunas ang aking kamay sa apron na suot-suot ko.

“I didn’t. And I have no plans on quitting. Painting is my life, my first love and I would never give up my passion,” I answer proudly.

“Too bad, you didn’t pursue painting,” he utters.

I smile sadly and say, “You know that I tried to…but I guess it was never enough.”

Bata pa lang ako, mahilig na akong mag-drawing. Tuwing wala akong ginagawa sa bahay, iyan ang pinagkakaabalahan ko—mag-drawing ng random na bagay o kaya mag-paint ng kung anong ma-trip-an lang. Most of my painting conveys and portrays my thoughts and emotions. Tuwing nalulungkot ako, o kaya naman masaya, natutuwa, walang magawa slash nabo-bored, nadi-depress o kaya naman may gustong i-express, dinaraan ko lang sa pagpi-paint.

Sige lang ako sa pagpi-paint ng kahit ano hanggang sa unti-unting ma-develop ang talent ko rito. Pagtungtong ko ng high school, doon nag-umisa ang pagsali ko sa mga competitions. Ilang beses na rin akong nanalo. May times na natatalo rin ako pero hindi iyon naging dahilan para sumuko ako. Ilan sa mga gawa ko ay in-auction. May mga na-display pa nga sa exhibits. Ang mga paborito ko, intinago ko s’yempre. May bumili ng iba at iyong iba nama’y nairegalo ko sa ilang kaibigan at kamag-anak. I really love painting at pangarap kong maging isang sikat na pintor baling araw kaya binalak kong mag-take ng Fine Arts bilang kurso sa kolehiyo. Desidido talaga ako na iyon ang kukunin ko.

But then…the unexpected happened.

Hindi pumayag sina Mama na mag-Fine Arts ako. Tandang-tanda ko pa nga ang mga sinabi nila noon.

“Hindi ka naman yayaman sa pagpipinta,” they said.

“Sayang lang ang talino mo,” they said.

“Kumuha ka ng business-related course para naman balang araw, makatulong ka sa pagma-manage ng negosyo natin,” they said.

As if naman! Hindi naman ako ang magmamana ng company namin so what’s the point? Bali-wala rin naman ang mga pinaghirapan ko kapag nagkataon…kasi alam kong hindi rin naman iyon ang ikasasaya ko.

Money’s not everything, you know.

S’yempre, hindi ako kaagad sumuko. Nagmatigas ako. Ipinaglaban ko talaga ang pangarap ko. Pinaliwanag ko naman sa kanila na ganito, gan’yan. Na gusto kong mahasa pa lalo ang skills and talents ko. Na gusto ko talagang i-pursue ang painting. I told them how much I really love painting. How I dreamt of being a famous painter someday. Pero binaliwala lang nila ako.

Bed friends? (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon