Chapter 17: Sorry

5.5K 98 6
                                    

Chapter 17: Sorry

Halos two weeks na rin kaming hindi nagpapansinan at nag-iiwasan. Hindi kami nagtatabi tuwing class. Hindi na rin kami nagkakasabay pumasok. Minsan, magkasabay pa rin kaming kumakain kasama ang barkada namin and well, including her. Kilala niyo naman siguro kung sinong tinutukoy ko.

Madalas silang magkasama ng bestfriend ko nitong mga nakaraang araw. Minsan, sumasabay pa siya sa 'min tuwing lunch at sumasama sa mga gimik at party na pinupuntahan namin. Madali kasi niyang nakapalagayan ng loob ang barkada kaya nagkakasundo sila. Hindi na rin naman nakapagtataka kung bakit. Honestly speaking...mabait siya, masarap kausap, masayang kasama, may sense of humor at magaling pang magluto! Anong panama ko sa kaniya? Maganda naman ako, matalino, mayaman, magaling mag-paint, marunong tumugtog ng piano, ano pa bang hahanapin mo? Bulag ba si Ken at hindi niya makita 'yan?

Siguro nagsasawa na siya sa 'kin. Kaya humanap siya ng bagong ipapalit niya sa isang katulad ko.

Kaya ba hindi niya na ako pinapansin? Kasi ayaw niya na sa 'kin? Pinutol niya na rin ba pati ang pagkakaibigan namin?

Akala ko ba, walang iwanan?

Bullshit na forever 'yan!

People come and go. At the end, they always leave. Sad truth.

Masakit man sa loob tanggapin but there's a possibility na sooner or later...iiwan niya rin ako.

"Hindi pa rin ba kayo nagbabati? Halos two weeks na rin ang nakalilipas. Hanggang kailan niyo balak mag-iwasan? Malala na 'yang away niyo. Ayusin niyo na 'yan, nag-aalala na kami sa inyo," wika ni Nica habang kumakain ng potato chips.

Nakatambay kami sa may green field, sa ilalim ng puno. Vacant hours kasi and dito namin napagpasiyahang magpalipas ng oras habang nagbabasa at naghihintay ng next class.

Inilipat ko ang pahina ng aklat na aking binabasa at saka nagsalita.

"Okay lang talaga kami, promise. May topak lang talaga 'yon," kalmado kong sagot. Best lie ever.

"Alam kong hindi kayo okay. Hindi ka okay. Nako, 'yan talagang bestfriend mo! Hayaan mo, sasabihin ko kay Allen na kausapin niya naman si Ken para sa 'yo."

Isa si Nica sa iilang kaibigang mayro'n ako. At nagpapasalamat ako dahil nariyan siya upang damayan ako.

"Salamat ha. Don't worry, I'll talk to him soon."

Walang akong mapapala kung panay pride ang paiiralin ko. He's my bestfriend and I don't want to lose him. Gagawin ko ang lahat, magka-ayos lang kami.

Even if it costs a broken heart, I'll still stick with him. Kahit na masakit. Better be hurt than feel nothing at all.

Kaso talagang mapang-asar ang tadhana. Kung kailan naman handa na akong makipag-ayos sa kaniya, saka pa siya nagpaka-walang 'ya.

I just saw him kissing some girl. At first, hindi ko namukhaan ngunit nang makalapit ako, saka ko napagtanto kung sino.

Para akong binuhusan ng malamig na tubig at tila pinagpira-piraso ang puso ko. Kahit na ang sakit-sakit na, hindi ko pa rin magawang umalis sa 'king kinatatayuan. Para bang nanigas ang aking buong katawan kaya wala akong choice kung hindi panoorin sila sa harap ko.

Hindi ko alam kung sa'n ko nakuha ang lakas upang tumayo gayong pakiramdam ko, para akong hihimatayin bigla.

Maya-maya, tumigil siya sa ginagawa at itinulak ang kaniyang kahalikan palayo sa sarili. Siguro natauhan siya bigla at napagtantong kanina pa pala ako nanonood sa live show nilang dalawa kaya napagpasiyahan niya nang tumigil. Nakakahiya na rin naman kasi sa 'kin, 'di ba?

Nanlaki ang mga mata niya sa gulat nang mapatingin siya sa 'kin samantalang walang pakialam ang isa.

Damn! Why do I feel so betrayed?

Hindi naman kami. Ni hindi nga ako nakasisiguro kung may katiting manlang siyang pagmamahal para sa 'kin!

Bestfriend niya lang naman ako.

So why do I have to react like this?

Why do I even feel this way?

"What now? Bakit kayo tumigil? Ituloy niyo lang," mataray kong sambit.

"It's not like what you think." Fuck! Sa tingin niya, paniniwalaan ko siya? What a jerk!

"Hinanap kita para humingi ng tawad sa 'yo. Kasi hindi na kita matiis, ayaw ko nang iwasan ka. Tapos ganito pa ang bubungad sa 'kin? Ang saya!" I answer sardonically. "Kung ayaw mo na, sabihin mo lang. Ako mismo ang lalayo," pahabol ko pa, saka ako tumalikod at nagsimulang maglakad nang mabilis palayo sa kanila.

"Ella, wait! Sandali!"

Nakayuko lang ako habang naglalakad. Hindi ko na gano'ng makita ang dinaraanan ko dulot ng mga luhang naiipon sa gilid ng aking mga mata. Hindi ko pinansin ang mga pagtawag niya sa 'kin. Pakiramdam ko, malapit niya na akong abutan kaya nagsimula na 'kong tumakbo.

"Ella! Sandali!"

Binilisan ko lalo ang pagtakbo. Maya-maya, naramdaman kong may humatak sa braso ko. Tapos namalayan ko nalang na yakap-yakap niya na ako.

"Sorry," he says, almost a whisper. "Damn, I miss you so much." Humigpit lalo ang yakap niya sa 'kin.

Tuluyan nang bumagsak ang mga luha ko.

Bakit gano'n? Isang sorry niya lang, napawi na lahat ng galit ko?

***

A/N: This is written in mobile kaya maikli. Sorry kung ngayon lang nakapag-update. Bawi nalang ulit ako next time kapag hindi na busy. Siguro, sa sembreak? :>> Anyway, thanks for reading!

Bed friends? (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon