Chapter 23

3.1K 107 5
                                    


Inabot pa ng tatlong buwan bago muling pumasok sa opisina si Janine. Sa naunang isang linggo, sinasamahan ko siya. Pero kalaunan, hinayaan niya na akong bumisita sa mga resort ko.

If I were to describe how things are going on between Janine and me, I can say that I'm staying with her because she needs me.

I don't actually know how to explain the way we treat each other. We don't act as a couple. Or maybe it's just me who doesn't want to give her actions a meaning.

At ngayon nga, kailangan kong pumunta sa Bulacan to visit my family ang ask Kyron about some of our resorts that he visited personally.

Nakangiti kong binati ang mga nadaanang trabahador ni Janine. Now that she has the shares of her father, siya na ang chair person.

"Ma'am, magandang umaga po," saad ni Andy. Ang secretary ni Janine.

"Is Janine inside?" tanong ko habang nakangiti pa rin.

"Yes po..." medyo alanganing saad nito. "But she's in a meeting, ma'am. Makakapaghintay po ba kayo?" tanong niya habang may ngiting hindi maipinta.

"Sure. Hintayin ko na lang matapos."

"Sasabihin ko po na naghihintay kayo dito."

Naalarma ako doon. Ayaw kong istorbohin ni Janine. As much as possible, mas gusto kong bumalik ang normal na buhay niya.

"Hindi na, h'wag mo nang istorbohin ang boss mo. Let her finish her meeting first. Maaga pa naman. Hindi ako nagmamadali." I plasted a reassuring smile.

"Sige po," ngumiti siya at muling bumalik sa pagkakaupo.

Quarter to nine pa lang naman kaya ayos lang. Hindi ko rin naman kasi alam kung gaano ba kaimportante ang pinag uusapan ni Janine at ng kameeting niya sa loob.

I texted Kyron to inform him that I might be late. Baka tanghalian na ako makarating doon.

Ilang social media app ang nabuksan ko at ilang kaibigan na rin ang nakausap pero hindi pa rin tapos si Janine.

I stood up and went to Andy when I noticed that I've been waiting for more than two hours dahil past eleven na!

Wala pa akong almusal dahil hindi ko naman ininit yung iniwan ni janine sa ref kanina.

Ang plano ko kasi, isang linggo akong mananatili sa pamilya ko pero hindi ako pwedeng umalis nang walang pasabi kay Janine.

"Hi," sambit ko nang makalapit. "Matagal pa ba sila?" tanong ko.

"Ma'am, hindi naman po talaga sila umaabot ng ganito katagal. Hindi ko pa alam kung bakit hindi pa sila tapos..." parang binabasa niya ang mga reaksyon ko.

"Anong oras ba sila nagsimula?" usually kasi, mayroon silang conference room para sa meeting pero ngayon na nandito sa office, paniguradong isa, o dalawa lang ang kausap niya.

Kadalasan ay personal na bagay ang pinag uusapan kapag sa office ang meeting.

"Kanina pong bago mag eight, ma'am Kim." saad nito na ikinagulat ko.

Ibig sabihin ganoon na sila katagal nag uusap ng ka-meeting niya?

"Is it an executive or something? Masyadong matagal, ah?"

"Ahh, eh, ma'am..."

Sabay kaming napatingin sa bumukas na double glass door ng office ni Janine. She's obviously happily laughing with a girl.

Nawala ang ngiti sa labi ni Janine nang makita niya ako. Marahan pa siyang hinampas sa braso ng babaeng nasa harapan niya na ngayon at nakatalikod sa gawi ko.

CAPTIVATEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon