Chapter 20

3.5K 125 8
                                    


It may be the last piece of my conscience that let Janine hug me while she was crying.

Apektado man, hindi ko na lang ipinahalata.

Tuluyang nawala sa katawan ko ang epekto ng alak.

Alam kong kahit papano, tinamaan ako kanina. Pero ngayon, parang tubig lang ang ininom ko dahil sobrang maayos ang aking wisyo.

"Oh," aatras sana ako kung hindi lang masyadong mahigpit ang yakap niya sakin. "Bakit umiiyak ka?" tanong ko habang nakayakap pa rin siya sakin.

Really tho, it's not as if I cheated or something.

She didn't say anything. Tanging ang iyak lang niya na unti-unting humihina ang maririnig mula sa kanya.

"You were dancing with a girl tapos ngayon iyak-iyak ka." I even chuckled at the end of my remark.

"Sorry..." she sounded so guilty that it made me want to take my remark back.

"It's actually fine." sambit kong labas sa ilong. "You don't have to apologize for flirting in front of me." dagdag ko.

Talaga namang ayos lang. Kung masaya siya at natanggap niya na ngayon na wala na talaga kami, ayos lang.

I'm just pissed by the fact that she cried and pleaded me to be her girlfriend again but ended up flirting with another woman.

"Sabi kasi ni Aubrey, magbilang daw ako dahil titingin ka sakin." kumalas siya sa yakap at marahang umatras.

Hindi ako nagsalita. I just want her to continue talking.

"When you entered the bar, looking for someone, you catched almost everyone's attention."

Bahagya akong tumawa dahil hindi naman ako naniniwala sa kanya.

"With that hair and outfit..." she chuckled and checked my reaction.

Ngitian ko siya at kalaunan, bahagyang tinawanan.

"Bola." saad ko.

"Really, tho." iniayos niya ang pagkakahiga paharap sakin. "Sinabi kong kapag tumingin ka, willing akong mag sayaw ng ibang babae."

"Tuwang tuwa ka naman sa babae mo."

"Tuwang tuwa lang kasi tumingin ka." she laughed a bit before hugging me again.

"Saya ka masyado, ah?" tukoy ko sa pagyakap niya sakin.

"H'wag ka mag alala, bukas ng umaga aalis na ako agad. Iiwan ko si Reese sayo." mahinang saad niya.

I don't want to be rude. Nagkakamali lang ako sa mga binibitawang salita.

I should've used wiser words to be more polite but I'm failing.

Gusto ko sanang bawiin ang pinagsasabi kanina kaya lang... hindi na lang.

"Pasensya na sa kanina..." hindi ko man alam ang tinutukoy niya, hindi na lang ako sumagot at hinayaan ko siyang magsalita.

"Hindi naman talaga dapat ako matutulog dito. Yung anak lang sana natin. I just got jealous."

Sa pag amin niya sa selos na naramdaman kanina, may kung ano sa katawan ko ang natuwa.

"Do you bring women here just for fun?"

"Minsanan lang. Kapag nasa mood."

"Just for fun?" tanong niya ulit.

"Yeah. Just for fun." sagot ko na lang.

"Right?" sambit niya na parang natuwa pa. "At ngayon, wala ka ng balak umulit, di ba?" sambit niya.

CAPTIVATEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon