Chapter 18

3.3K 119 4
                                    


"You know your way out, Janine."

"Huh?"

Tinignan ko siya matapos magpakawala ng malalim na buntong hininga.

I looked away when I saw pain in her eyes. Hindi ko pa rin talaga kaya kapag ganitong nasasaktan siya.

"Please," she held both of my hand and put them on both of her cheeks. "Baby, please..."

Looking back to what our relationship was like before, gives me chills down my spine. We shared our good times and the bad ones. We bonded and cried together.

At sa lahat ng pwedeng maalala, bumabalik lahat ng sakit noong mga panahong pinigilan ko siya na iwan ako.

"Please, wag mo nang pahirapan pa yung sarili mo." binawi ko ang dalawang kamay at tumayo papalapit sa pintuan.

I don't want to make things worse for the both of us. Masyado pa ring malalim yung sugat na iniwan niya.

Imbis na lumabas, sa akin siya lumapit at yumakap. She hugged me tighly as if I'll fade away if she won't hold me.

Hinayaan ko siya na yumakap sakin at umiyak. She kept on saying sorry and telling me that nothing has changed.

Umupo kami sa sofa nung kumalma siya. Hindi pa rin ako nagsalita.

"Sandali lang," iniayos niya ang puwesto at humiga sa sofa gamit ang mga hita ko bilang unan niya. "Last na 'to, pasensya na."

Hinawakan niya ang braso ko at pinadulas ang kamay niya sa kamay ko.

Kinulong niya ang kamay ko sa dibdib niya at kamay.

Minutes passed and she fell asleep.

Nagkaron ako ng pagkakataon na titigan siya habang mahimbing na natutulog.

The curled eyelashes, the jawline, her thin lips, pointed nose. Those features were easy for me to kiss back then.

Tinanggal ko sa kapit niya ang kamay ko at marahang pinaglaruan ko ang buhok niya.

Sa mga napag uusapan namin ng mga pinsan niya, hindi sila nagkulang sa pagbigay ng impormasyon tungkol kay Janine.

Nabawi niya ang shares niya at shares ng daddy niya. She was able to build a mansion in Bulacan. Malolos Bulacan.

Memories from the moment I heard that news for the first time, I felt like a proud wife or something. Masaya akong nagawa niyang tuparin ang mga pangarap niya para sa sarili at para sa pamilya.

She was never the type of person who makes a decision for her own good. It will always be her family before her.

Madalian kong pinunasan ang luhang lumalandas sa mga mata.

Hindi ko alam kung kailan ako tuluyang lalaya mula sa sakit na iniwan niya.

Ang alam ko lang sa ngayon, tanggap ko na ng buo ang naging desisyon niya noon.

Hinayaan ko ang sariling magpalamon sa antok na dala ng pag iyak.

I woke up around 11 AM at wala ng Janine sa hita ko. I don't have plans to ignore her or treat her like someone that I don't care about.

May respeto ako sa naging relasyon namin at sa kung anong desisyon ang napili naming dalawa.

Ilang sumunod na araw akong naging busy. Sunod-sunod na meetings and check outs sa resort na bibilhin ko sa Cavite. Though my brother is helping me, I still want to see it myself.

Janine and I never interact again after the incident in my office. Sa palagay ko, kusa niya nang iniiwas sakin yung sarili niya.

I am now on my way home from Cavite and it's raining really hard. I smiled with the thought of coffee in my head when I reach home.

CAPTIVATEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon