Prologue

17.1K 316 59
                                    



Kitang-kita ko kung paano bumuhos ang ulan. Kung ang ibang tao, iniisip na perwisyo ang ulan, para sakin, hindi.

Pauwi na 'ko ngayon sa makati, sa bahay. Sarili kong bahay.

I've been staring at the window of my car for an hour now. Umaalis lamang yung tingin ko kapag aandar na. Kanina pa ko stucked dito sa traffic. Wala pa nga akong kain.

Dahil na rin siguro sa lamig ng panahon kaya damang-dama ko yung pagka-gutom ko.

I'm just a normal girl with an average life. Hindi sobrang mayaman, hindi rin naman hirap sa buhay. I just have a comfortable life.

Mag isa lang akong nakatira sa bahay. Gusto ng mga magulang ko na masanay akong mabuhay mag isa. Panganay kasi ako. May Resort kami sa Taguig, thank, God at kumikita naman.

Yung bahay na tinitirhan ko, maayos naman, may kalakihan nga lang para sa isang tao. Minsan pinupuntahan ako dun ng bestfriend ko, si Tiffany.

Tiffany is an out and proud bisexual. Yes, but that doesn't mean na interesado din siya sakin. Minsan, nag dadala siya ng babae niya sa bahay, minsan naman lalaki. But Tiffany doesn't fuck with guys.

Tingin ko kasi, kapag sinabi mong bisexual ang isang tao, iisipin na agad nila na lahat ng babae o lalaki na lalapit sa kanila, gusto na agad. That's actually a big no and I'm a living proof that they have a type.

Ako? Well, I think I'm straight. Ewan, hindi pa naman ako nag kaka-boyfriend. Pero open naman ako. Babae man o lalaki, pero sa pamilya ko, hindi ko lang alam. Especially Dad. Baka itakwil ako nun.

I'm not actually that sure. Hindi na rin naman namin siya kasama.

My Dad is a strict father. Dalawang mas nakababatang kapatid ang sumunod sa akin.

"Hey..." I greeted Tiffany the moment she answered my call. "Where are you?" I asked.

"I'm with a friend, why?" She answered normally.

"Friend, huh?" Hindi naniniwalang saad ko. Friend niya mukha niya. Ganito siya palagi. Friend daw ang kasama tapos biglang iuuwi niya na sa bahay niya.

"Ayaw pa maniwala. Straight to, no! Pumunta ka na lang dito. Eat with us."

"Yun nga ang sasabihin ko. Hindi pa ko kumakain, gutom na gutom na ko, Tif." Sambit ko.

Kanina pa talaga ako nagugutom pero iniisip kong sa bahay na lang dahil masyadong hassle ang ulan.

"I'll send you the address, also the name of this Resto. Nakauwi ka na ba?"

"Traffic nga, e. Nandito pa lang ako s—"

"Dito ka na sa mall tumuloy, kumain tayo. Sa unit ko na lang ikaw matulog."

"Taft pa lang ako." I said.

"Nandito lang kami sa Robinsons. Ako na lang oorder para sayo."

"Okay, sige. Thanks, Tif, love you."

"Oo na, sige na. I love you too." She ended the call.

Mahal na mahal talaga 'ko ng bestfriend ko. We've been bestfriends since grade school. Parehas kaming sa exclusive school nag aaral noon, mag kaibigan yung mga magulang namin, but her parents died, four years ago. Walang kapatid si Tiffany. Ako na lang ang meron siya. Mabuti na lang talaga napalago niya yung business nilang coffee shop na ngayon ay may branches na sa ibat-ibang lugar dito sa Pilipinas.

"Tagal mo. Gutom na yung kasama ko." Sabi ni Tiffany nang makita niya ako sa entrance ng resto. She kissed me on my left cheek tapos sabay na kami ang punta sa table na kakainan namin.

CAPTIVATEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon