Chapter Twenty

4.9K 160 12
                                    

Chapter 20


Pinapanood ko si Papa habang inilalagay niya ang mga gamit namin sa sasakyan.


"Mabuti na lang at natawagan ko kaagad si Ate Maureen at naipahiram niya agad itong sasakyan." dinig kong sabi ni Mama.


I looked at our house. I bit my lower lip to suppress my tears but I didn't succeed. I immediately wiped them. After I go to the hospital and talked to Sam, I went home. Sakto rin na pagkauwi ko ay nagiimpake na sila Mama dahil tumawag si Tita Maureen, kapatid ni Mama na pupunta na sila rito at susunduin kami.


Ang bilis ng mga pangyayari, ni hindi man lang ako nakahanda. Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nangyayari. Hanggang ngayon hindi ko matanggap na aalis na kami. Pero iniisip ko, ayos na rin ito. May mga bagay at tao na kailangan ko na rin kalimutan at ibaon sa limot sa lugar na ito.


If we leave here, everything will be okay. Hindi na kami guguluhin pa ni Tita Aurora. If I leave here, probably, Cody will be happy too. He and Amelie. He wants me to leave right?


Sobrang bilis din ng pangyayari sa relasyon naming dalawa. I chuckled. Kaming dalawa? Walang kami. Simula pa lang noong una hindi ko na alam kung anong meron talaga kami. Ako lang itong umaasa at pilit na isinisiksik ang sarili.


Pero... sabi nya sa akin maghihintay ako, 'di ba? Anong nangyari? Na-realize niya ba na hindi naman talaga niya ako gusto at si Amelie talaga ang gusto niya? O habang wala si Amelie dito ay naghanap siya ng iba? Marahil din ay matagal na niyang mahal si Amelie at naghihintay lang siya na makauwi ito. Kunsabagay, bagay silang dalawa. They both intelligent and rich. Unlike me...



Simula pa lang ay alam kong marami na ang babaeng umaaligid sa kanya. My first impression to him is he's babaero. Sa dami ng mga umaaligid sa kanyang babae, bakit ako ang napili niya? Bakit ako ang napili niyang saktan? Shit naman oh. Kasalanan ko naman. I let myself fall for him kahit na sa umpisa pa lang ay wala nang kasiguraduhan. I let myself get attached to him. I let myself hurt.


My chest hurts. Parang may nagbabara rin sa lalamunan ko. Ang sakit! Sige, sa ngayon... habang nandito pa ako sa lugar na ito hahayaan kong isipin at alalahanin ang mga masasayang nangyari sa akin... sa amin. Pagkatapos, pangako... hanggang dito na lang. Iiwan ko ang mga ito kasabay ng pagbangon muli sa buhay.


I will definitely miss Sam and Zion who helped me a lot in gaining my self-confidence. Sa mga panahong hirap ako sa pag-aaral, sila ang naging kasama ko at hindi nila ako hinayaang bumagsak. At least, sa pagbalik ko rito, kung maisipan ko man ang bumalik, sila ang unang-unang hahanapin ko. Thoughts of leaving them makes my heart bleed. Feeling ko ang sama kong kaibigan sa kanila. But what can I do? I hope they will understand. I promise, when we see each other again... I am stronger.


I will definitely miss the memories we've shared especially with him... but I think the best way to preserve my heart is to forget him and all the memories because for sure, the next time we see each other, probably he's happily married.


The next time we see each other, he is already a great engineer too. And so, I will do everything to be the great one too.

I Love You, Engineer (Engineering Student #1)Where stories live. Discover now