"So anong maitutulong ko sayo Piero Herrer?" Seryoso nang tanong ng kanyang tito. Naghatid din ng maiinom ang kanilang mga kasambahay.

"Piero" nakangiting tawag ng isang magandang babae sa kanya. Sandali tumayo si Piero para humalik dito.

"Tita Elaine...I want you to meet Amaryllis. Fiance ko" pagpapakilala niya sa akin kaya naman kaagad kong naramdaman ang pagpula ng aking pisngi. Tumayo ako para magbigay galang sa tiwanag niyang Tita Elaine. Matamis itong ngumiti sa akim at tsaka siya lumapit para makipagbeso sa akin.

"Nice to meet you" nakangiting bati niya sa akin.

Pagkatapos ay umupo ito sa tabi ni Sir Axus. Nakita ko kung paano kaagad na pumulupot ang kamay nito sa bewang ng kanyang asawa. "Magtatanan po kami" anunsyo ni Piero sa kanila.

Nanlaki ang aking mga mata ng halos maibuga ni Sir Axus ang kanyang iniinom na juice. Kaagad na napatawa si Ma'm Elaine habang tinutulungan ang kanyang asawa. Napanguso ako at bahagyang bumaling sa katabi kong si Piero. Nakakunot ang noo nito habang seryosong nakatingin sa nangyari sa kanyang Tito.

"Alam mo Piero, sa lahat nang nagtanan ikaw lang ang kilala kong nagpaalam" natatawang sabi pa nito sa kanya kaya naman mas lalong sumimangot Piero.

"Tito seryoso po ako" matigas na sabi niya dito kaya naman napatango tango si Sir Axus habang hindi pa din maalis ang ngiti sa kanyang mukha.

"So paano ako makakatulong sa pagtatanan niyo?" Nakangising tanong niya kay Piero bago siya sumulyap sa akin kaya naman kaagad akong nakaramdam ng hiya at tsaka mabilis na yumuko.

Napakagat ako sa aking pangibabang labi ng hawakan ni Piero ang aking kamay. "We need a place to stay. Malayo dito sa syudad. Somewhere peaceful" tuloy tuloy na sabi nito.

Sandaling naghari ang katahimikan sa pagitan nila. Sumulyap ako kina Sir Axus at Ma'm Elaine, naguusap silang dalawa mukhang nagtatalo.

"Alam po ito ni Mommy. Supportado niya po kami" sabi pa ni Piero sa kanila ng mapansin niyang nagtatalo ang dalawa.

Kita ko ang pagtango ni Sir Axus. Sandaling nagpaalam si Ma'm Elaine sa amin. Muling tumingin sa akin si Sir Axus habang sumisimsim siya ng Juice.

"Hindi ka ba pinilit nitong pamangkin ko Hija? Bukal ba ang loob mo sa pagsam..."

"Shut up Tito" inis na pagputol niya sa tanong sa akin nito kaya naman muling napahalakhak si Sir Axus.

"Nagtatanong lang ako, masyado ka namang defensive Piero. Damn it" nakangisi at iiling iling pang sabi niyo.

Hindi natinag si Piero, nanatili pa ding nakasimangot. Ang sungit talaga, kahit sa Tito niya ang ganyan siya. "Do you need money?" Seryosong tanong ni Sir Axus sa kanya.

"No need Tito, I have mine" tamad na sagot niya sa Tito niya. Nagtaas lamang ito ng kilay at tsaka nagkibit balikat.

Napahinto kami ng muling bumalik si Ma'm Elaine. Nakangiti itong tumingin sa amin. "Nakausap ko na si Kuya Darrel. You can stay sa bahay namin sa may Sta. Maria" sabi nito bago siyang matamis na ngumiti sa akin.

Nagpasalamat si Piero sa mga ito kaya naman ganuon din ang ginawa ko. "Xalaine is there too...hindi ko alam kung bakit gustong gusto niya duon" parang problemado pang sabi sa amin ni Sir Axus.

"Hayaan mo na yung anak mo. Dalaga na iyon" suway sa kanya ni Ma'm Elaine.

Hindi na nagsayang pa ng oras si Piero. Kaagad kaming bumyahe patungo sa Sta. Maria sa probinsya ng Bulacan kung saan may malaking palayan ang pamilya ni Ma'm Elaine. Bukod sa bahay ng kanyang totoong pamilya ay nagpatayo pa sila ni Sir Axus ng bahay para sa tuwing magbabaksyon sila duon.

The Heartless Master (Savage Beast #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon