Dani

10 8 3
                                    

HER POV



"Nineteen.., T-twenty..," pagod na pagod akong humiga sa sahig at inabot ang towel ko.




"Nagpapapawis ka na naman Dani?" Itiningala ko ng bahagya ang ulo ko upang makita kung sino ang nagsalita.





Si James.





Matagal ko ng type 'tong si James e. Kaya lang feeling ko, talagang close lang kami. Nothing more, nothing less.









"Oo, alam mo namang tambayan ko ang gym mo." Pinunasan ko ang pawis na tumutulo mula sa ulo ko.





"Oh? Jessica?" Bumaling ang atensiyon ko sa kararating lang na babae. Ang ganda talaga ni Jessica. Fitspiration ko talaga siya e. "Hey, Mr. Instructor!"




Tumayo ako at sinundan ng tingin si James na tumungo na kay Jessica. "May ieenroll ako." Biglang pumasok ang isa pang magandang babae.








"Jasmine. Kapatid ko." Maikling introduction ni Jessica.





"Hi, James. Gym Instructor ako dito." Nakipagkamay naman siya. "Owner din." Dagdag ni Jessica.





Nagtawanan naman sila. Inassist naman ni James si Jasmine. Ang ganda talaga niya. Nakita ko namang iba ang ngiti ni James. Nahumaling na naman si James.






Umiling na lang ako at inayos ang sarili. "Aalis ka na?" Maarteng tanong ni Jessica. Galing kasi siyang States. Two months palang siya rito.






Ngumiti ako. "Tapos na ko e." Sambit ko naman.



"Bantayan mo sister ko a. I won't be around for a month. Uhm.., next week ang flight ko." Sabi naman niya. Naku iniwanan pa ko ng alagain. Love life ko nga di ko maalagaan.







Tumango tango ako. "Sure. Muka naman siyang mabait." Segunda ko naman. Muka naman talaga.







"Wag ka papakasigurado. Malandi 'yan. Baka agawin niyan si James mo." Nagulat ako sa sinabi niya. First, malandi? Kapatid niya? Second, pano? As in, PANO? How'd she know?








Lumunok ako. "Pano ko knows?" Nakangisi naman siyang lumingon sakin. "Alam rin ni James. Sa kaniya ko nalaman." Shit. Ganon ba ko ka-obvious?









"Joke. Haha. You look very starled naman. It's not so you. Haha." She continued. Lumuwag ang paghinga ko as a relief.







Okay nang alam niya, kaysa alam ni James.






"Ate." Tawag ni Jasmine sa ate niya. "The slut is here. Kind, but slut." Bulong naman sakin ni Jessica.







Kumunot ang noo ko. What's with this sisters?






Tinignan ko si Jasmine. Cute yung muka niya. Pero hirap kasi mangjudge e. Kung totoong malandi siya at agawin niya-- angkinin niya si James, wala akong pake.






Love Shot ✅Where stories live. Discover now