"Pag nakatapos ako, maghahanap talaga ako ng trabaho. Yung kahit hindi sobrang malaki ang sahod, pero stable." Ani Marco.





Nakikinig ako sa kaniya habang nagpupunas ng lamesa. Wala na kasing tao. Magsasara na kami.





"Bat ba parang atat na atat kang makaipon? Wala ka namang sinusoportahan na kapatid. Iisa ka lang diba?" Balik ko naman sa kaniya. "Oo. Pero maraming utang si papa."






Yun pala ang dahilan niya. Maraming kumakalat na balita dito na adik ang papa ni Marco. Pero wala naman silang pruweba.






"Pero siyempre, habang nasa process ako ng pagabot ng mga pangarap ko, pwede naman akong mag girlfriend." Pinataas baba niya pa ang dalawa niyang kilay habang nakangisi.





"Loko." Yun lang ang nasabi ko. Wala e. Kinilig.





Araw-araw, palagi kaming magkasama ni Marco. Sa loob ng dalawang bwan na panliligaw, sinagot ko rin siya. Halata naman kasing gusto ko siya. Pakipot pa ba?




Hinahayaan kami lagi ni tito na magsara ng pub. Sinasamantala naman namin yung para nasolo ang isa't isa.




"Malungkot ka na naman." Napaangat ang tingin ko sa kaniya at nakitang may bit bit siya. "Ano yan?" Usisa ko. Inilapag niya ito sa tapat ko. Sa ibabaw ng lamesang pinangangalumbabaan ko kanina.





"Dalgona." Tumaas naman ang kilay ko. "Nakita ko yan online." Sambit niya habang kumakamot sa batok. Namumula si Marco. Ang cute.







"Wag ka na kasi sumibangot. Okay lang na minsan mababa ng konti yung nakukuha nating grades." Sabi niya habang umiiwas sa mata ko. Napangiti ako.






"Malungkot pa rin ako." Sabi ko naman. Nagtataka naman siyang tumingin sakin. "Huh? Anong gusto mo?" tanong naman niya sa akin.





"Kiss." Nakita ko namang pinagpawisan si Marco. Nakakatawa. Para ba siyang laging kinakabahan.






Tumayo ako mula sa kinauupuan ko at hinalikan siya sa labi. Saglit lang. Ngumiti ako. "Masaya na ko." Sabi ko naman sa kaniya. Nanatiling nanlalaki ang mga mata ni Marco.






Uupo na sana ako para tikman ang ginawa ni Marco pero laking gulat ko ng hapitin niya ako sa baywang. Kinabahan ako. Ang lapit namin sa isa't isa.






Amoy ko ang mint na siyang flavor ng toothpaste ni Marco. "Ako naman ang malungkot." Sabi niya sabay halik sa akin. Sa una ay mabagal at dahan dahan.






Ngunit ng makabawi ako mula sa pagkakabigla, ay tumugon ako. Lumalim ang bawat halik.

Love Shot ✅Where stories live. Discover now