Nagtitinda siya ng almusal. Kaya naman natutuwa ako sa kaniya nung araw na yun. Minsan lang yan no. Ito naman ang nakakatuwa sa kaniya. Hindi man kami magkasama ng sobrang madalas, kapag may oras siya, ibibigay naman niya.





Nang matapos na kaming magtinda, isa isa na naming ipinasok yung mga pinggan sa loob ng bahay.




Busy ako sa pagsasalansan ng mga pinggan ng may dumating na package. Order ni tita sa lazada. Isang compound lang kasi kami kaya maingay.



Dahil sa package naglinis nag kaunti sila tita at ang mga pinsan ko ng kanilang bahay. Para siguro maisalansan yung dumating. May nahalukay silang mga pictures.



Pictures namin nung mga bata kami. Pumasok sa loob ng bahay si Theo. Pinakita sakin yung isang picture. Ako saka si ate.





"Si ate ko yan." Sabi ko ng nakangiti. "Parang di ko pa yata nakikita si ate mo." Kasi laging nasa galaan.

"Nasa jowa niya. Laging layas e." Sabi ko at bumalik saglit sa ginagawa ko.





Nagkukwentuhan kami ng lumabas saglit si Theo para kunin ang kailangan ko. Pagbalik niya, "Ate mo yun?!" Sabi niya na para bang di makapaniwala. Kumpara sa litrato kanina, malaki talaga ng pinagbago ni ate.




Pero iba ang reaksiyon ni Theo. Hindi siya makapaniwala na kapatid ko yun. Mas maganda si ate. Nagaayos kasi siya. Samantalagang ako, ako yung wife material. Hindi ako marunong mag-abubot pero nakakapagayos naman ako ng simple.




Mapayat at maliit din si ate kung ikukumpara sa akin kaya palagi akong napagkakamalan na ate. Manang kasi ako.




Minsan nga sa palengke, may nagkakamali at tinatawag akong 'nay' o kaya mapagkakamalan na tindera doon.




Hindi ko maiwasan na mawalan ng ningning sa mata. Lumamlam ang mga mata ko at nagpakawala ng mabigat at malalim na hininga.




"Oo." Matipid na sagot ko. Ibinaba ko ang ginagawa ko atsaka naglakad patungo sa kwarto. Kinuha ko yung twalya ko atsaka lumabas at humarap sa kaniya. "Ligo na ko. Magaalas dose na e." Tumango lang siya.



Alam kong wala sa akin ang atensiyon niya.



Hindi ako nagseselos. Nalungkot lang ako sa naging reaksiyon niya. Akala ko kasi magiging iba sa reaksiyon ng nakararami. Disappointment. Umiling ako habang nasa loob ng banyo.




Ano bang iniisip ko. Pinasasama ko lang ang pakiramdam ko. Magagalit na naman si Theo niyan. Naligo na lang ako ng matiwasay.




Ala una na ng matapos akong magayos. Kumain pa kasi kami e.

Love Shot ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon