Maxine

24 9 1
                                    

HER POV

Naalimpungatan yata ako. Nagising ako kanina, sa di ko malamang dahilan, buti nakatulog ulit ako. Bumangon na ko para simulan na ang umaga ko. Hindi kami mayaman kaya naman bata pa lang ako alam ko na halos lahat ng gawain.



Nagtitinda kami ng almusal sa tapat ng bahay namin. Limang taon na halos na ganito ang daily routine ko. 4:55 am ang alarm ng cell phone ko para ilabas ang mga nakaluto nang pagkain. Tapos uupo na ko para mag abang ng mamimili.





Madalas iniisip ko yung mga kakulangan sa buhay ko. Bata pa lang ako iba na ako sa mga kasing edad ko. Habang nakikipag boyfriend-girlfriend sila ako naman nagiisip para kumita. Pero ngayon, okay naman na kami.




Maginhawa naman na ang pamumuhay namin. Gusto na nga ni kuya na patigilin si mama sa pagtitinda kaya lang dahil matanda na si mama at ito na ang nakasanayan ng katawan niya, ang sabi niya pakiramdam niya raw ay lalo siyang manghihina kapag ihininto niya ito.




Marami na kasing sakit si mama kaya hangga't maari ayaw na ni kuya.





Akala ko hindi ko na mararanasan na maging isang dalaga. A woman in man's eye. My man's eye.





A couple of months had passed since I agreed to be with him. Si Theo. Well, hindi naman siya perfect. Ahmm... sa totoo lang palagi kaming nagaaway. Lalo na nitong pagpasok ng bwan. Kung susumahin, isang bwan na kaming panay alitan at tampuhan.





Kasalanan ko naman. Kasi marami akong expectations. Siguro kasi first ko. Pero alam ko naman na dapat kong kontrolin. May mga pagkakataon kasi na I expect him to say such words tapos nadidisappoint lang ako.




My fault, my bad.




Childish din ako. Minsan. Madalas naaalibadbaran siya sa akin pag ganun ako. Naiinis ako sa mga maliit at walang kwentang bagay. Nagso sorry naman ako kaagad. Kaya lang mas nagagalit siya.



May mga panahon na magbabati kami. Tapos okay naman yung araw. Sabay kami kakain sa labas pag lunch break since nagaaral kami sa iisang campus.




Si Theo yung tipo ng lalaki na normal lang. Mas matangkad sa akin. Matangos ang ilong, maputi makapal ang kilay ganun din ang mapupulang labi. May kalakihan din ang mata niya. Medyo malalim ba. Para sakin ang gwapo niya.







Engineering ang kinukuha niya. Hindi rin siya super clingy na tao. Mas gusto niya yung pupuntahan ka niya pag miss ka na niya. Wala naman akong reklamo don. Sa totoo nga, mas gusto ko yun kasi mas nararamdaman kong ganon pa rin ang nararamdaman ko sa kaniya.






Nung isang araw nga pumunta siya rito sa bahay para sunduin ako. Ang aga aga! E half day lang naman kami. To be specific isang subject lang ang meron ako nung araw na yon.

Love Shot ✅Where stories live. Discover now