@daisheen: we? 

@jonastan: yeah, may shakey's akong dala. 

Lumabas ako ng bahay para tingnan kung totoo nga. Nandoon nga siya, habang hawak-hawak ang box ng pizza sa kanang kamay niya. 

Hindi naman ganon kalayo ang gate. Sampung hakbang lang nga e. Maliit lang ang gate namin kaya binuksan ko na. 

"Anong ginagawa mo rito?" Nagtatakang tanong ko sakaniya. Ngumiti siya sa akin tiyaka binulsa ang cellphone niya. 

"Surprise?" Patanong na sabi niya habang in-expand pa ang dalawang kamay niya. Muntik na akong mapa-roll eyes sakaniya. 

"Bakit anong meron?" Masungit na tanong ko sakaniya. 

"Lumabas na kasi ang result sa NMAT?" Namilog ang mata ko sa sinabi niya kaya dali-dali akong tumakbo sa loob. 

Iniwan ko kasi ang cellphone ko sa sofa kaya nagmadali akong pumasok para tingnan iyon. Kaagad kong in-open ang website. 

Please. Please. Please. 

"Hey? Pasok na ako ah?" Maingat na sabi ni Jonas. 

Napatingin ako sakaniya habang nagloload ang website. Hinubad niya ang sapatos niya kaya naka medyas nalang siya. Umupo siya sa sofa na pang-isahan. Pinabayaan ko na siya pagkatapos ay tiningnan kung pasado ako. 

"Shit." Sabi ko ng makita ang resulta. 

"Bakit?" Nagtatakang tanong niya. 

Nagtatalon-talon ako sa tuwa dahil pasado ako! Makaka-enroll na ako sa med-school! Napahinto lang ako sa pagtalon ng hinawakan ni Jonas ang balikat ko para pakalmahin. 

"Hey, calm down." natatawang sabi niya sa akin. Kita ko rin ang saya sa mga mata niya "Lets celebrate, though, pizza lang," he chuckle. 

Napangiti ako sa sinabi niya. Hindi ko macontrol ang sarili ko kaya bigla ko siyang niyakap. 

Even these small things for him made me more happy. 

"Thank you." I heard him chuckle kaya napaalis na ang yakap ko sakaniya. 

"You're welcome." Nakangiting sabi niya sa akin "Ikaw ah chansing ka lang." He chuckle. Bahagya kong sinuntok ang braso niya dahil don. 

"Assuming!" Sabi ko bago ako umupo tiyaka binuksan ang box ng pizza syempre pinicture-an ko iyon. 

"Someone's happy." Napalingon ako sakaniya, kinukuhanan niya pala ako ng video kaya ngumiti ako ng matamis sa camera. He chuckled.

Lagi nalang siyang tumatawa sa akin ah. 

We ate our pizza peacefully. Habang nanonood din kami ng netflix sa TV, nanood kami ng med related para naman hindi tagtuyot ang utak namin t'wing bakasyon. 

Tumunog ang cellphone ko sa kalagitnaan ng movie. Nakita kong si Iverson iyon kaya binuksan ko. 

Iverson Russel: Congratulations! 

Daisheen Cariño: Thank you! Congrats din! 

Nang binalik ko ang tingin ko sa TV ay nakatingin sa akin si Jonas. Tinaasan ko siya ng kilay dahil seryoso lang siyang nakatingin. 

"Boyfriend mo si Iverson?" He carefully asked. Bahagya akong natawa sa sinabi niya. 

"Sinasabi mo?" Tawa-tawa pa ako dahil hindi ko ma-imagine "Kaibigan ko si Iverson, oo boy friend ko siya. Boy space friend." Paglilinaw ko sakaniya. 

"Sure ka?" He seriously asked. Kumunot ang noo ko dahil sa seryoso niyang mukha. 

"Oo naman, pinupush ko na nga siyang umamin sa crush niya e pero ayaw niya." Pagkuwento ko sakaniya. Kapag kasi nagchachat kami ni Iverson sinisingit ko sakaniya iyon dahil panigurado wala na kaming time sa med school. Titang-tita ang galawan ko sakaniya. 

Cry In A Cold City [Baguio Series #1]Where stories live. Discover now