Alam niyang nanonood "siya" ngayon.

'That bastard.'

Nang dumapo sa sahig ang mga mata ng warden, saka niya lang napansin ang folder. Maingat niya itong kinuha at binuklat. Mula sa kanyang balikat, nakisilip na rin ang "dating warden". Agad niyang naramdaman ang labis na pagtataka ng matanda.

"A-Ano 'yan?"

Isabelle smiled emotionlessly, "Ang kasagutan sa lahat ng mga tanong ni Asmodeus."

"B-But it's...blank."

Indeed, it is.

Walang laman ang folder. Walang anumang nakasulat doon. Walang papeles, walang larawan---walang kahit ano.

Isabelle stared at the empty folder for longer than necessary and sighed. "Iyon ay dahil wala naman talagang kasagutan sa para kondisyon niya. He can question his sanity all he wants, but we cannot give him answers. Unang-una sa lahat, hindi naman talaga siya nasisiraan ng bait nang ipasok siya rito. He's a troublemaker and a drug pusher, but he was never a mentally unstable person...not until now, that is."

'Did we succeed in making him insane this time?'

Napasimangot ang matandang lalaki. "Pero 'yon naman ang gusto ni---"

"Binabayaran ka lang naman para gumanap na 'dating warden' ng asylum na ito, hindi ba? You played your part well, actor. Now, it's time to keep your mouth shut about this project." She glared at him.

Ilang beses na rin itong ipinatawag para gumanap na dating warden, kaya hindi na rin nakapagtataka kung mamumukhaan siya ni Asmodeus. Isabelle knew his memory will probably fail him, but he'll sense a familiarity, at least.

Maya-maya pa, mahinang natawa ang lalaki at binalingan ang direksyon ng "pasyente". Mapayapa na itong natutulog. Walang kamalay-malay na pinag-uusapan na siya.

"Hindi ka ba naaawa sa kanya, Isabelle? Don't you think this experiment is going a little too far? Ilang taon niyo na itong ginagawa sa kanya."

Sinulyapan ni Warden Isabelle si Asmodeus. 'Binalaan na kita. Sinabi ko naman sa'yong sa iisang katapusan lang hahantong ang lahat ng ito, hindi ba? Hindi ka na naman nakinig sa'kin. Palagi ka namang hindi nakikinig sa akin, Asmodeus,' isinantabi na muna niya ang awang iyon at tinalikuran ang kausap.

"I still have a schedule to follow. You know the way out."

Nagsimula na siyang maglakad papalabas ng silid. Warden Isabelle didn't even look back. She doesn't care.

*

Nang madaanan niya ang mga pasilyo, hindi na siya nabigla nang makitang aligaga ang lahat sa paglilinis. Pinunasan ng mga janitor ang mantsa ng dugong naiwan nang kaladkarin nila si Asmodeus kanina. Lumabas ang iba pang mga aktor sa kanilang mga selda at nagsimula nang makihalubilo sa iba. It's their breaktime, afterall. Sa isang tabi, nakita niyang tine-testing ng technical team ang naglalakihang mga speakers.

Napasimangot siya nang marinig ang tunog ng mga sigawan at pagkalampag ng mga pinto mula sa mga ito.

The warden approached them and gave them a sinister look, "Ayusin niyo ang tunog niyan. Baka sa unang gabi pa lang, mahalata na niyang recorded lang ang mga ingay na naririnig niya. Mawawalan ng saysay ang setup natin kung papalpak kayo."

Napalunok naman ang kanilang mga tauhan at mabilis na bumalik sa trabaho.

Passing by the hallway, Warden Isabelle saw Bloody Mary smiling at her as she leaned on her room's doorframe. She still had that fake blood all over her body. Hawak-hawak pa nito ang bahay-bata. Sa pagkakaalala niya, inorder pa nila ang uterus na ito sa isang morge. It was from a unknown deceased woman. Tonight, it was used as one of their props.

✔Welcome to the Asylum Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz