Forbidden Love - II

43 7 0
                                    

"I'm Wonwoo" magiliw na pagpapakilala nito.

Hindi ko alam kung bakit at paano. Basta ang naiintindihan ko lang ay nasa harapan ko sya! How come?

"Rianah huy"

"Ahh. E-excuse me, I'm gonna clean this" turan ko sa basong nalaglag ko.

Pupulutin ko na sana yung mga pirasong nabasag pero dinaluhan ako ng prinsipe.

"Let me do this, you might get hurt" malambing na sabi nito.

"Karianah" sunod na sabi pa nito na syang nakapagpabilis lalo ng tibok ng puso ko. It's been seven years since the last time i've heard my name from this guy. No, from this prince.

Sinulyapan ko si Rachelle at nakanganga ito habang nakatangang nakatitig samin ng prinsipe. Ilang sandali ay bigla itong nagtititili. Uhh remind me na sasabunutan ko sya.

Hindi ko nalang pinansin si Rachelle sa kahibangan nya.

"No. I can do it myself your highness" natawa pa ng mahina ang prinsipe. Dalawa narin kami ang naglinis ng sahig.

Nagderetso ako sa may kusina, maayos na talaga ang bawat bahay rito bago pa man maokupahan ng kung sino.
Mataman kong inilagay sa trash can ang mga piraso ng baso na pinulot pulot namin kanina. Naghugas narin ako ng kamay at naramdaman kong sumunod ang prinsipe sa akin.

"Karianah" muling bigkas nito sa pangalan ko. Napapikit nalang ako at isinara ang faucet, hindi ko parin hinaharap ang prinsipe. Hindi dahil sa nagagalit ako, kundi dahil sa andami kong iniisip. Paanong nandidito sya? Bakit sya tumakas sa palasyo? Hindi sa ayaw ko syang makaharap o makausap, dahil alam ko sa sarili kong matagal ko ng inasam ang masilayan man lang sya. Ni minsan ay hindi kami nagkita, nakuntento akong makausap sya na nasa pagitan namin ang pinto ng kwarto nya. Ako man ang tagaluto ng mga pagkaing gusto nya ay iniiwan ko lamang ito sa mesang nasa labas at katabi ng pinto nya. Nalulungkot ako.

"Why? How?" Tanging nasambit ko na lamang habang nakatalikod parin dito. Isipin nyo ng para kaming nasa palabas pero hindi ko talaga magawang humarap sa prinsipe dahil pakiramdam ko ano mang oras ay magtutuloy tuloy ang luhang kanina ko pa pinipigilan. Ang drama ko ba? Ganto yata talaga kapag forbidden love. Napangiti nalang ako ng mapait.

Tama kayo ng nabasa. Forbidden love nga, dahil isa syang prinsipe at isa lamang akong hamak na tagapagsilbi sa palasyo, partikular na ng prinsipe. Hanggang ngayon ay baon ko parin ang dahilan ng pag alis ko sa palasyo. Yun ay ang mahalin ang prinsipe. Hindi man ako nito gusto, ay isa sa pinirmahan kong kontrata ang huwag na huwag mahuhulog ang loob sa prinsipeng nasa kabila ng pinto. Isipin mo iyon? Kahit hindi ko nasisilayan ang prinsipe at nakakausap ko lamang ito na may pintong namamagitan ay nahulog parin ako. Hindi lingid iyon sa mga taong nasa palasyo maging sa prinsipe kaya wala akong ibang nagawa kundi lisanin ang Palasyo.

"Karianah face me" this time ay sya na ang nag ikot sakin para humarap ako sakanya. Gaya ng sinabi ko ay sunod sunod ang luhang kumawala saking mga mata.

"No. You shouldn't be here your highness" kahit hirap ay nagawa ko paring magsalita.

"Hush now" hawak nito ang aking mukha habang pinupunasan ang mga luha ko.

Ngayong malapit sya sakin ay mas lalo kong nakita na napagwapo nga ng prinsipe.

"Remember when I told you that day. When the right time comes, I'll find you"

"I'm here, in front of you. To take you back" mas lalong nag umapaw ang mga luha ko. He can't.

"That's too imposible to happen. You know that I shouldn't be in the palace" wika ko rito.

SEVENTEEN's FICTION STORIESWhere stories live. Discover now