Chapter 36 : 22nd ROYAL CHAMP : Opening

593 25 0
                                    

Nang matapos na ang training namin ay agad kaming pumunta sa rooftop kagaya ng sinabi sa amin ni Tashia. Sumama na sa amin si Mitch dahil hindi naman na daw masakit yung likod niya.

"Wow!" masayang sigaw ni Mitch nang makita ang rooftop.

Maraming christmas lights doon. May malaking table na may nakahanda na napakaraming pagkain. Napakasosyal din ng mga utensils. Halos mapapahanga ka nalang talaga sa ganda dito. Isama mo pa ang malamig na hangin at magandang tanawin.

"Merry Christmas everyone!" Tashia greeted and spread her arms para yakapin kami. Lumapit naman kami sa kanya at nag group hug.

"Thank you, Tashia!" sigaw ni Karina at Tiara habang nakayakap parin kay Tashia.

"Oh siya, kumain na tayo." ani Tashia at kumalas. Isa-isa naman kaming kumalas at umupo na.

Habang kumakain ay masaya silang nagku-kwentuhan. Isa-isa ko silang tinitigan, yung iba ay nakikitawa, yung iba ay kumakain lang kagaya ni Jude, yung iba ay panay ang salita kagaya nalang ni Tiara. Sa ilang sandali ay nakaramdam ako ng saya. Bumakas ang ngiti sa mga labi ko. Ibang-iba ang pakiramdam ko ngayon. Masayang-masaya ako.

Lumipas ang ilang araw ay ganoon parin ang ginagawa namin. Walang tigil na training ang ginawa namin dahil malapit na ang Royal Champ. Gaganapin ito sa labas ng eskwelahan namin. Sa gubat mismo sa labas ng Hetheria.

Ang sabi pa nila ay kailangan namin isasanay ang sarili namin dahil hindi biro ang makakalaban namin. Nakahati naman sa dalawa yung laro. Base sa pinagpulungan namin kanina, unang papasok ang team Perians, which is sina Tiara.

"Bukas na ang opening ng 22nd Royal Champ." anunsyo ni Tashia matapos kaming pinatawag.

"Excited na ako!" sigaw pa ni Mitch. Bumaling naman sa kanya si Tashia.

"Hindi ba masakit ang buong katawan mo? I heard na hindi mo naiilagan ang mga patid at  sapak ng mga teammates mo during training?" asik ni Tashia. Ganoon din ang iniisip ko. Kahit nga ako ay masakit ang buong katawan. Hindi naman kasing dami ni Mitch ang mga natama ko pero masakit parin ang buong katawan ko. Ngunit si Mitch parang wala lang sa kanya ang mga pasa niya.

"Hala! Oo nga Mitch! Ang dami mong pasa!" sabat pa ni Karina. No'ng nag training kasi kami ay nag labanan kami. Hindi kami gumamit ng mga gears kaya nagkapasa kami.

"Ha? Yeah, may mga pasa ako.. Pero Tashia! Hindi po ako nakakaramdam ng sakit simula no'ng isang araw." sagot ni Mitch kaya naman napatingin kaming lahat sa kanya. Hindi siya nakakaramdam ng sakit? Paano 'yon?

"Hmmm. We'll observe that until this year ends. It might be one of the reason why you're special." sabi ni Tashia na napakunot sa noo ko. She kept on mentioning the word 'special'. Kung sa gano'n ay hindi lang pala ako ang sinasabihan niya ng 'special'?

"Woah, I'm afraid that it will put me in danger! Kasi—" Tashia cut her off.

"Stop thinking about it." asik niya at bumaling sa amin. "Binuhos niyo na ang buong lakas niyo during training, nakikita ko iyon. Kaya ngayon, magpahinga muna kayo para maibalik ang lakas niyo. Okay ba?"

"Yes Tashia." sagot namin. Sa ilang sandali ay naging maluwag ang pakiramdam ko. Nawala nga ang buong lakas ko at pakiramdam ko ay kailangan ko talaga ng pahinga.

Nang mag dismiss si Tashia ay agad na kami naghiwa-hiwalay at pumunta sa sari-sarili naming dorm. Habang si Tiara ay sumunod sa akin, gusto niya raw sa dorm ko magpahinga.

"Ang sakit ng katawa ko." asik ni Tiara habang nakahiga sa kama ko. Habang ako ay kumukuha ng tubig.

"Mawawala ba 'to bukas?" tanong ko at ibinigay sa kanya ang isang baso.

HETHERIA ACADEMY : School Of Royalties (COMPLETED)✔Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ