Ano?! Bakit?! Ayoko nga! Awkward!

"You okay?" Tanong ni Dereck. Siguro nakita niya akong nanlalaki ang mga mata.

"O-oo naman."

"Alright, let's drink later." Inakbayan niya ako.

Nang umalis kami sa opisina ni Dereck ay humiwalay si Jackson samin. Dala niya kasi ang sasakyan niya. Nakasunod lang siya samin dahil kay Dereck ako nakasakay syempre.

Nakangisi pa rin si Jackson nang makarating kami sa bahay. Gusto ko talagang sabihin kay Dereck ang tungkol sa nakaraan namin ni Jackson pero feeling ko wala naman siyang pake do'n dahil past na.

Nag-uusap silang dalawa habang ako ay umakyat na muna sa kwartong tinutuluyan ko at nagbihis. T-shirt at short lang. Saan kaya matutulog si Jackson? I mean, saang guest room? Wag naman sa katapat ko.

Bumaba na ako pero wala naman sila sa salas. Asan kaya 'yon?

"Manang Cindy? Asan po sila Dereck?" Tanong ko kay Manang Cindy nang makasalubong ko siya.

"Nasa garden po sila." May hawak siyang bote ng iba't ibang klaseng alak. Tumulong na din ako sa pagdadala at kinuha ang ibang pulutan.

Nang makarating kami sa garden ay naabutan kong naka upo si Dereck at Jackson sa bed swing. Kulay itim 'yon. Dalawang magkaharap. Tig isa sila. Saan ako?

Inilapag ko ang nga pulutan sa lamesa ganon din sila Manang Cindy.

"Come here," Saad ni Dereck kaya lumapit naman ako. Pinaupo niya ako sa tabi niya. "Bakit ka naka-shorts?" Anong gusto niya? Maghubad ako?

"Bakit?"

"You should wear leggings not shorts, Brie." Tumaas ang kilay ko. Ang init init tapos leggings?

"Papaakyatin mo 'ko para lang mag shorts?" Nagpuppy eyes ako para magpaawa.

"Buti sana kung ako lang 'yung kasama mo, kahit maghubad ka ayos lang kaso hindi. We're with my cousin." Napayuko ako. Nakita naman na ni Jackson na naka shorts ako noon. Anong masama?

"Ayoko na umakyat. Nakakatamad." Ngumuso ako.

"Tss." Hinubad niya ang coat niya at pinatong 'yon sa hita ko.

"Protective mo naman, bud." Sabat ni Jackson. Naglalagay na pala siya ng alak sa mga baso nila.

Kinain ko yung sisig dahil kanina pa niya kinukuha ang atensyon ko.

"Buntis na ba siya?" Tanong ni Jackson. Ngumisi naman si Dereck at umiling.

"Hindi pa. Ayoko pa." Napailing naman si Jackson.

"Hina mo naman, bud. Bakit hindi pa? Ayaw ba ni Brie?" Napalunok ako. Bakit kailangan niya pang banggitin pangalan ko?

"Ayaw ko pa. Gusto kong i-enjoy muna namin ni Brie ang isa't isa, right?" Ininom niya ang alak na nasa baso at kumuha ulit.

Tumango lang ako.

"You're still single, right?" Biglang tanong ni Dereck.

"Yup, bakit? May irereto ka ba?" Bakit ganyan ang tono ng boses niya? Tingin niya ba magseselos ako? No, no, no.

"Si Kylie, iyo na." Ngumiwi naman si Jackson.

"Yung ex fubu mo? Ayoko do'n mamaya may HIV na 'yon." Umarte pa itong naninindig ang balahibo.

"'Lul! Do you think papatol ako ro'n kung meron siya no'n? And I'm always protected everytime we were having fun. Kay Brie lang ako hindi gumamit ng proteksyon." Umiwas ako ng tingin. Siraulo din 'tong si Dereck. Sabihin ba naman sa mismong harap ng ex ko?

A Deal with Mr. Billionaire [ Billionaire Series #1 ]Where stories live. Discover now