"I guess so." Lalong kumunot ang noo ni kuya at ni ate sa sinabi ko. "What?" Nagtatakang tanong ko sakanila. 

"Nag-away ba kayo ni Gail?" Concern na tanong ni ate Nathalie. 

"No, we're not." Naguguluhang sagot ko sakanila. 

"Bakit hindi mo alam? Hindi niya ba sinabi sa inyo?" Napasinghap ako sa magkasunod na tanong ni kuya. 

"She disappeared right after graduation, leaving us clueless." I honestly answered. Natahimik silang dalawa dahil sa sagot ko. 

Hinatid muna nila ako sa amin bago sila umuwi. Pagkarating ko sa bahay ay naligo na kaagad ako para ready na matulog. Busog na rin kasi ako tiyaka nag drive thru sina tita kanina kaya may inuwi akong mcdo meal. 

Nagtext din sina mama na doon sila kina kuya Nathan matutulog. Kumuha na rin siguro kanina sila ng mga damit nila habang nasa graduation ako. Humiga na ako sa kama tiyaka nag scroll sa social media. 

Nag pop ang chat sa akin ni Iverson kaya pumunta ako sa messenger. 

Iverson Russel: any update about Gail? 

Daisheen Cariño: no e. But sabi ni kuya Nathan, Jonas said that they broke up. 

Iverson Russel: and? 

Daisheen Cariño: did they communicate after we talked earlier? 

Iverson Russel: I don't think so. If she really cut her connection with us, that's impossible. Maybe Jonas assumed that they broke up. 

Nag-usap pa kami ni Iverson tungkol kay Gail. Kung anong weird na sinasabi at galaw niya bago ang graduation or kung may nabanggit man siyang clue sa amin. 

But one thing is we think for sure; she's in China. 

Wala kaming ibang alam sa propeties nina Gail sa ibang bansa except of course, China. She's half Chinese. 

Unfair lang ang ginawa niya sa aming pag-iwan pero alam ko na kapag nagkita kami ulit kahit hindi siya magsabing sorry, napatawad ko na siya. Kasi ganon naman talaga kapag magkaibigan diba? 

Ready na akong matulong ng mag ring ang video call sa instagram ko. Kumunot ang noo ko ng makita ang profile ni Joaquin at username niyang nagcacall sa akin. 

Ang weird ng mga tao ngayon. 

Sinagot ko iyon. Nakita ko si Joaquin na naka eye glass pa. Background niya ay parang nasa opisina siya, naglalakad siya. Napatingin siya sa screen kung sinagot ko na ba nung nakita niyang sinagot ko ay luminawag ang mukha niya. 

"Thank God! Gising ka pa!" Panimulang bati niya sa akin. Tiningnan ko ang orasan sa cellphone, alas dos na ng madaling araw "Pasundo sa bonfire si Jonas, pauwi siya sa condo ko. Lasing na lasing na iyon, tumawag na rin ako sa lobby ng condo para bigyan kayo ng duplicate key." Sunod-sunod na sabi niya sa akin. 

"At paano mo nalaman na oo ako riyan? Inaantok na ako, alas dos na ng madaling araw!" Pagpapaalala ko sakaniya "Besides, wala akong sasakyan para sunduin siya. Bakit hindi ikaw?" 

"Over time, nagkaproblema lang talaga sa work. Pabayad mo nalang bukas sakaniya yung fee sa taxi!" Sabi niya sa akin "Lasing na talaga siya, baka kung anong magawa niyang kagaguhan, patay kami sa mga magulang namin at lalo na kina lolo." Nag-aalalang sabi pa niya sa akin. 

"Maraming tao malamang sa inuman niyan." Pagdadahilan ko pa. Ayokong maging marupok ngayon. 

"I'm gonna text his blockmates na ilabas siya." He said. 

"Oh edi text mo na rin sila na ihatid siya." Diba? May kasama naman pala siya. 

"His blockmates are celebrating, he is not," pagpapaintindi niya sa akin "And his blockmates bring their girlfriends." Napasinghap ako dahil mukhang wala na akong magagawa. 

Cry In A Cold City [Baguio Series #1]Where stories live. Discover now