"Tangina, we lost her!" giit ni Doz, gigil na gigil na.

I jumped and kicked to pass them, nagawa ko namang tumakbo nang mabilis para maabutan sila!

JIYURI DAWNYSUS' POV

Hinang hina ako. Namamanhid na masyado ang katawan ko at pakiramdam ko, bibitaw na ang puso ko. Hindi ko na maramdaman ang pulso ko at nauubusan na ako ng dugo.

"Walk! Walk, you bitch!" binaba ako ng tauhan ni Shi at pinaglalakad.

Ni-hindi ako makatayo! Paglalakarin pa ako? Gago ka sis?

"Walk!" gigil na sigaw ni Shi at tinutukan ako ng baril.

"You'll...be damned," bulong ko, hinang hina.

Pilit nila akong pinatayo at nang bumagsak ay sinuntok akong muli! Hinila ako ulit at pinatayo, this time nagawa ko ng humakbang!

Mabagal at hirap na hirap, halos mapigtas ang tuhod ko sa panghihina. Hindi ko alam kung anong trip ni Shi pero alam kong papatayin niya na ako.

I fucking love all of my friends, my sister, my fucking brother, my mother, my father, mas lalo na yung asawa ko.

I love you, Martin.

At naramdaman ko ang bala na bumaon sa akin na dahilan ng pagkatumba ko.

MARTIN'S POV

MABILIS kaming naglalakad ni Rousse at ng isang lalaking kapatid daw ng asawa kong pangalan ay Jireo.

Napahinto kami nang makitang sinusuntok ng kasama ng matandang si "Shi" si Jiyuri!

"Putang ina," galit na bulong ni Jireo.

Halos hindi kami makapagsalita sa galit. Nakita ko pang hinila nito patayo si Jiyuri at pinaglakad! Hinang hina at wala ng lakas ang asawa ko!

Jiyuri... my wife.

Naliligo siya sa dugo, ika-ika at parang wala ng buhay kung maglakad. Ang hakbang niya ay mas maliit pa sa hakbang ng bata!

Galit kong binunot ang baril sa bewang ko at tumakbo.

"Martin!" I heard Rousse's shout but I ignored him.

Huminto ang pagtakbo at nanlalaki ang mga mata nang itutok ni Shi ang baril sa asawa ko at walang alinlangang pinutok yon!

Nag-slow motion ang pagbagsak ng asawa ko. Halos hindi ako makagalaw at mas lalo pa akong nagalit nang marinig ang hiyawan at tawanan nila!

Mga hayop!

Hindi pa nila ako pinapansin pero bago pa sila makalingon ay tinutok ko na ang baril sa ulo ni Shi.

Bahala na kung tamama o hindi. Bahala na kung mapatay din ako o hindi!

Kasabay ng pagtulo ng luha ko ay siya ring pagbitaw ko ng gatilyo.

Umawang ang labi ni Shi at nagugulat na lumingon sa akin. Napahawak siya dibdib niya kung saan bumaon ang balang pinakawalan ko. Tinuro niya ako at agad akong nakita ng mga tauhan niya!

Bago pa man sila makabunot ng baril ay bigla na silang bumagsak.

Nagugulat akong lumingon sa likod ko at nakita si Jamie.

"Alam niyo bang mahirap magdrive pag nagcecrave ka?" buntong hininga ni Jamie sa akin at hinimas ang tiyan niyang may umbok.

Kahit na nagbibiro siya ay hindi ko magawang tumawa. Napatitig ako kay Shi at sa mga tauhan niyang bagsak na.

Nakita ko ang paglabas nila Maxim, Doz at Jai. Nanggagalaiting nilapitan ni Maxim sina Shi kahit na patay na ito. Pinaputukan niya ito ng baril at inubos yon hanggang sa makontento siya.

Tumulo ang luha ko at tumakbo papunta sa asawa ko. Lumuhod ako at tinihaya siya. Nakapikit ang mga mata nito at akala mo'y natutulog. Niyakap ko siya nang mahigpit.

"Jiyuri..." nanghihinang bulong ko.

Hindi ko na naramdaman ang paglapit nila. Naramdaman ko nalang ang pagdapo ng kamay ni Doz kay Jiyuri sa pulso nito.

"Nawawala na ang pulso niya, we need to go to hospital."

WE RUSHED her, abot-abot ang kaba ko dahil nawawala na nga ang pulso niya at kaunti na lang, mawawala na siya sa akin.

Doz will check her pulse every minute, at sa bawat oras na chinecheck niya yon, mas dumadagdag ang kaba ko.

"Fuck," Doz muttered a curse. "Bilisan mo magdrive, Maxim!"

"Fuck, I'm driving too fast, Doz!" inis na sigaw pabalik ni Maxim.

Tinitigan ko ang asawa kong katabi ko sa backseat, laking pasasalamat ko na maluwag ang likod ng sasakyan ni Jireo.

"Putangina, dito tayo mamamatay!" sigaw ni Jireo, dahil sa sobrang bilis magpatakbo ni Maxim.

"Putangina, wala na siyang pulso!"

Nangilid ang luha ko at hinigpitan ang hawak sa kamay ng asawa ko. "Fuck, Jiyuri. Fuck! Bilisan niyo!"

Nang makarating kami ng hospital, naroroon na rin sila tita Jayura. Agad nilang sinugod sa emergency room si Jiyuri. Akma pa akong susunod pero pinigil ako ng mga nurses doon.

"Putangina, putangina," pagmumura ni Doz habang sinusuntok ang pader.

"Doz," tawag ni Dirk dito. Sinusubukang pakalmahin.

"Tangina!" mura na naman ni Doz.

I swallowed so hard and looked down at my hands. Nahilamos ko ang palad ko sa muhka ko at doon tahimik na umiyak.

I can't... I can't lose her. Please. I can't lose her. Putangina... please.

Pag-angat ko ng tingin, naroon si tita Jayura. Nagdidilim na ang paningin at masama ang muhka. Nagtatagis ang bagang niya at anytime, alam kong sasabog siya. Kung gaano kasama ang tingin niya sa mga tao ngayon, ganoon din ang pag-aalala ko.

Lumabas ang doktor mula sa ER. Dali-dali kaming lumapit.

"I-I'm..." hindi mapangalanang emosyon ng doktor na yon. Para siyang natatakot. "I'm sorry—"

"What the fuck did you mean?!" galit na asik ni tita Jayura.

My heart tightened. No... fuck please, no. Not her. I can't lose her. Not now.

"We tried to save her—"

"Tangina!" doon lang lumabas ang galit ko. Matalim ko siyang tinignan. "Anong you tried?!"

"She is dead."

Nagpintig nang paulit-ulit ang tainga ko nang marinig yon.

She is dead.

She is dead.

She is dead.

She is dead.

To be continued . . .

The Darkest Moon Star [JDDS SERIES #3] (COMPLETED)Where stories live. Discover now