Chapter 36

35 2 0
                                    

Dawn's POV

Ang tagal naman niyang bumalik. Naghahalikan pa yata sila.

"Abot niyo pa isang bote, bilis!" utos ko kay Jozya.

Nagtataka naman niyang inabot ang isa pang bote ng Tequila. "Magpapakalasing ka ba? Panglimang bote mo na to, solo mo lang...," nakangiwing aniya.

"Broken ka ba, Jayden Dawn ha?" Nang-aasar na sambit ni Quizon.

"Sino namang makakapagpabroken sa nambobroken?!" Gatong ni Zetteki.

"Sino ba kasi?" Nakisali na rin si Trez sa pang-aasar sakin.

Nakangiwi ko silang inilingan. "Bakit ako mabobroken?! Dami-daming naghahabol sakin!"

"Tigilan niyo na nga si Jayden," sumingit na si Doz, pinagtatanggol ako. Bumaling naman siya sakin. "At ikaw, panglimang bote mo na yan! Anong trip mo?!" tila nanenermon ang tinig niya.

Sasagot na sana ako nang biglang magring ang phone niyang nasa bulsa. Kinuha niya yon at sinagot.

"Oh?" Bungad niya sa caller. Batid kong pinsan ko yon na si Jamie. "Ngayon na? Tsh, kasama ko pinsan mo.... hindi pwedeng bukas na? Aish!!" Frustrated siyang nagkamot ng batok... pero nakakagwapo pa rin sakaniya, ewan ko. "Oo na, papunta na."

"Alis ka na?" nakatitig kong sambit sakaniya.

"Oo, kailangan ako ng pinsan mo roon..," bumuntong hininga siya at tumayo.

"Sige, hatid na kita sa pinto." Tumayo rin ako sa kinauupuan ko at naglakad papunta sa pinto namin.

Hinila niya ako at hinarap sa kaniya. "Alam ko kung bakit ka nagkakaganyan ka. Put yourself together, hindi ka dapat naglalasing dahil lang sa kaniya." Nag-iigting ang panga niyang sabi.

I looked down. Tama naman siya e. Hindi ako dapat nagkakaganito. Pero ewan ko kung bakit pag si Martin ang pinag-uusapan, nanghihina ako.

Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko at inangat yon upang matitigan niya ako sa mga mata.

"Dozen...." mahinang sambit ko.

"Ayokong nakikita kang ganito. Alam kong gustong gusto mo siya, pero wag ganito. Okay?" Sambit niya, punong puno ng pag-aalala. "If I could stay here and watch you, I will do it."

"I'm okay, Doz..." napakahinang sambit ko dahil nanghihina ako lalo sa mga sinasabi niya.

"You're not." Banggit niya. "Take your meds before you sleep."

"How did you know?" Kunot-noo kong tanong.

"I saw your med's cabinet. Pati yung mga gamot na nasa table mo sa kwarto."

"Eh bakit mo tinignan?!"

"Burara ka kaya ko nakita," nakangiwi niyang sagot. Hinawakan naman niya nang mariin ang magkabila kong pisngi at inilapit sa labi niya. Hinalikan niya ako sa noo... again. "Take your meds before you sleep. Itetext kita para maalala mo."

"Thank you, Doz..." tipid ang ngiti kong sambit sakaniya.

"Welcome, aalis na ako..." paalam niya at lumabas ng pinto.

Sakto namang pagkabukas ng pinto ay nakatayo na roon si Martin, tinapunan lang niya ng tingin si Doz na walang imik na nilagpasan siya.

Nilakihan ko naman ang bukas ng pinto at minuwestra kay Martin. "Maraming alak, inom tayo?" yaya ko sa kaniya.

The Darkest Moon Star [JDDS SERIES #3] (COMPLETED)Where stories live. Discover now