Chapter 52

37 3 0
                                    

MAXIM'S POV

RINGTONE ng aking phone ang gumising sa akin. Rumehistro doon ang pangalan ni Dirk kaya naman sinagot ko yon.

"Ano?" bungad ko, nang makabangon ay nag-inat. Napatingin ako sa bintana at nakita kong may araw na pala. Dalawang oras lang ang tulog ko.

"Bakit ba ang tagal mong sumagot? Nagagalit na si Lady Shi!" sagot niya gamit ang pagod na boses.

"Tsk, bawal matulog?" tugon ko at dumiretso ng banyo.

"Ako nga hindi nakatulog! Anong karapatan mong matulog?!" may sama ng loob niyang ani sa akin.

Napangisi ako. "Bakit ka ba tumawag?"

"Our plan is not going well," seryosong sambit niya. "The plan is to kill Shi and they will return after forty-eight hours," dugtong niya.

Nangunot ang noo ko. "Akala ko ba gusto ni Dawnysus na mag-isa lang siyang pupunta? Anong they?"

"Jai is there," bumuntong hininga siya. "She heard about the plan, pumunta siya para tulungan si Dawnysus."

"At anong nangyari? Hindi sila nakabalik?"

"Yes," sagot niya. Napahilamos ako ng sariling muhka. Sinasabi ko na nga ba! "I think Shi's keeping them. He has other plans."

"Ano naman ha? Shi will make her announce na aalis siya sa pwesto?" sarkastikong tanong ko. "Fuck! I warned you about this. Hindi magiging maganda ang planong yon."

"Alam ko! Pero ano magagawa? Maski ang ina niya nga ay hindi niya pinakinggan," tugon ni Dirk, nag-aalala ang tinig. "Lady Shi's men will go there to secure and for the band's safety. No one will go out or go in the building, depende kung si Faye yon. There will be helicopters and twenty snipers outside," he paused and cleared his throat. "And you'll go here. Change of plans, we need to save them."

"Okay. Copy, I'll be there."

Binaba ko ang tawag at napapikit nang mariin. Ito ang pinakaayaw ko kat Jiyuri Dawnysus. Sinasarili niya ang lahat. Maski ang pagpatay sa lolo niyang hilaw na maraming kupal na alagad ay gustong i-solo.

Dammit, Jiyuri!

MARTIN'S POV

NAGUGULUHAN kong tinignan ang ginagawa ni Maxim. Kakalabas niya lang ng kwarto niya at may isa siyang bag na nilabas. Binukas niya ang zipper non at nanlaki ang mga mata ko sa gulat.

Guns and knives. May mga makikintab, may mga matte. Ang nakapukaw sa tingin ko ay iba't ibang hugis ng kutsilyo. May mga four-finger o minsan tinatawag din nilang knuckles. Punong puno ang bag na yon at parang handang handa talaga siya.

"Holy fuck— wag mo namang nilalabas ng ganyan!" napatingin ako kay Zetteki na sumigaw non.

Nanlaki lalo ang mga mata ko nang makitang nakatutok ang baril na hawak ni Maxim. Ngumisi lamang ito at hinagis ang baril na yon kay Zetteki.

"Anong gagawin ko rito?" takang tanong niya.

"Putok mo sa ulo mo," sarkastikang sagot ni Maxim at kumuha ng apat na baril at tumayo.

"What is this for?" si Jozya, pagkatapos bigyan ni Maxim ng baril.

Binigyan din sina Trez at Quizon at nagtatakang tinanggap yon.

Sa akin naman tumungo si Maxim at inabot ang baril sa akin. "Protect yourselves," doon palang siya sumagot.

"What?" nalilitong tanong ni Quizon. "I don't even know how to use guns!"

The Darkest Moon Star [JDDS SERIES #3] (COMPLETED)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora