Chapter 15

52 4 0
                                    

"IKAW? Anong ginagawa mo rito?" balik na tanong ni Martin sa kaniya.

Napamaang si Dawn nang makita ang ekspresyon ni Martin. Parang may gustong alamin.

"Dinadalaw si Director Yef," kaswal na sagot niya, walang halong sarkasmo pero napabuga sa hangin si Martin.

"Ganiyan ka ba talaga sumagot?" hindi makapaniwalang tanong nito sa kaniya at namulsa.

"Ano namang problema sa pagsagot ko?" tumaas ang kilay ni Dawn sa kaniya.

"Hilig niyo ba talagang sumagot ng tanong sa isa pang tanong?"

"Hindi. Pero kung 'yon nakikita mo, pwede rin." Nagkibit-balikat si Dawn at naglakad na palabas.

"Bakit mahilig kayo roon? Nakakatalino ba 'yon?" sumunod naman siya rito.

"Oo, try mo," walang kwentang sagot ni Dawn sa kaniya.

Hindi na 'yon pinansin ni Martin at sinundan siya hanggang sa kalsada. "Wala ka bang dalang sasakyan? Tara, sabay na kita."

Napalingon sa kaniya si Dawn at nagtaas ng kilay. "Kasama ko ang mentol ko at hindi mo ko kailangan isabay."

Nangunot ang noo ni Martin at humigpit ang kamao. Mentol? "Sino namang mentol yan?"

"Isa sa pinakamahalaga sa buhay ko," nakangising sabi nito at mas naglakad pa, tumigil lamang sa tapat ng isang motor.. na Ducati.

"Walang kasing pangit ang pangalan niya kung ganoon," nakangiwing sambit ni Martin.

Mas napangisi pa lalo si Dawn at bumaba ang tingin sa kamay ni Martin na halos yumukos nang matindi.

"Nagseselos ka ba?" natatawang tanong nito.

Napamaang si Martin. "A-Ano? Hindi!"

"Talaga?" nakataas ang kilay nito. "Hindi 'yan ang pinapakita ng muhka mo," nang-aasar nitong sambit.

Napaawang ang labi ni Martin at hindi makapaniwalang tumitig sa kaniya.

"I-Ikaw!" napipikong sigaw ni Martin. "Whatever!"

NATATAWANG tumitig si Dawn sa kaniya habang pabalik ito kung saan ni-park ang kotse niya. Padabog pa itong sumakay at pikon na pikon! Hahahaha. Napakadali lang naman palang pikunin ni Alvarez.

Sumakay na rin siya sa motor niyang si mentol at pinaharurot 'yon bago pa makaalis si Martin.

Naiiling siyang nag-isip kung saan pwede pumunta. Sa kalagitnaan naman ng pagmomotor niya ay may nadaanan siyang basketball court. Napangiti siya at nagpark sa tapat.

Pagkababang pagkababa niya ay agad siyang tumakbo papunta sa bola. I missed this. Nang mahawakan ang bola ay agad siyang nagdribble at naglay-up, pumasok yon na ikinatuwa niya.

Paulit-ulit siyang nagshoot at wala pa ring sumasablay. Napangiti siya habang naglalaro mag-isa. Nagdidribble siya na para bang may kaagaw siya sa bola at iniingatan niya 'yon na wag mawala.

Napatigil lamang siya nang maramdaman niyang may naglalakad sa likod niya. Agad niyang nahulaan ito nang umalingasaw ang pabango nito.

"Ang galing mong maglaro... kasing galing mong magpaikot ng mga lalaki gamit ang mga kamay mo," tinig ni Martin.

Bumuntong hininga si Dawn at saka ngumisi bago hinarap ang lalaki. "Alam mo, Alvarez, konti nalang ay iisipin kong nababaliw ka sakin."

"Ba't naman ako mababaliw sa hindi ko kilala?" kaswal na sambit nito.

The Darkest Moon Star [JDDS SERIES #3] (COMPLETED)Where stories live. Discover now