Inabot naman ni Reese ang kamay niya. "Pleasant to meet you. I heard a lot of good things about you," anito sa kaniya.

Bumaling naman siya sa kaniyang pinsan nasa gilid nakatingin sa kanilang tagpo.

"Gene, we recommended you to him. Nag hahanap kasi siya ng pwedeng mag drawing sa magulang niya for their anniversary," paliwanag ni Skyler sa kaniya.

"Kuya, hindi ako magaling, hobby ko lang 'yon," bulong niya sa mga ito. Nahihiya tuloy siya sa binata. Baka exaggerated ang pag ku-kwento ng kambal sa kaniya.

"I saw your drawings and paintings. I think they were beautiful. They have heart and soul," singit na saad ni Reese sa kaniya.

Napa-ngiti naman siya sa sinabi nito sa kaniya. "Thank you for appreciating my works, Reese."

"It's nothing. You deserve that."

"You got this, Gene," suporta pa ni Callie sa kaniya. Binalik niya ang tingin sa kambal at parehas naka ngiti ito sa kaniya.

Nag karoon naman siya ng lakas ng loob dahil sa mga ito. Ang relasyon niya sa kambal ay iba, kapag wala ang kuya Phoenix niya, sina Tyler at Skyler ang tuma-tayong kuya niya.

"Okay, I accepted the challenge." Kinakabahan man ay binigyan niya ng isang totoong ngiti ito.

"Good, I'm glad, Harper,"

Nawala ang ngiti niya sa narinig. Bigla siyang kinabahan nang marinig na tawagin ang pangalan niyang harper galing sa ibang tao.

"Is there something wrong?" nag aalala na tanong ni Reese sa kaniya.

"Big time, Reese!" pinalo naman ni Skyler si Tyler.

Umiling siya rito. "No, wala naman. 'Wag mo silang pansinin."

"Ah! Okay."

Tumingin siya sa suot niyang relo. "Mauna na pala ako sa inyo, may extra schedule pa ako."

"Wait, Harper!"

For the second time ay natigilan na naman siya. Nakita naman niya ang kambal na may pang asar naka paskil sa mukha ng mga ito.

"Yes, Reese?"

"Can I get your number? I need to contact you about the details."

Inilabas niya ang cellphone sa bulsa ng pantalon. "Sure!" Inabot niya ito sa binata.

Kinuha ito ni Reese at inilagay dito ang numero pagkatapos ay ibinalik sa kaniya.

Nanlaki ang mata niya nang nakita ni Reese ang wallpaper niya. Mabilis niyang kinuha ito at di-nial ang numero ng binata.

"T-there," aniya. Sinagot ito ni Reese habang nakatitig sa kaniya. Naiilang naman siya na pinatay ang tawag.

Grabe ang bilis nang tibok ng puso niya. Nakita nito ang wallpaper niya kung saan ang litrato ni Chase ang naka display. Kinunan niya ito no'ng natutulog ang binata sa tabi niya.

Nakaharap ito sa kaniya at nakadapa. Kita rito ang hubad nitong likuran.

"See you," aniya.

Kinuha niya ang tool kit kay Callie pagkatapos ay nagpaalam siya sa mga ito. Kumaway pa siya sa tatlo.

"Thank you, Harper. See you."

NATATAWA siya nang tumalon nang tumalon si Zoro habang inaabot ang laruan na binili ni Chase last time.

She tried pa na paikutin ang laruan. Ginaya naman iyon ni Zoro. Hindi mawala ang ngiti sa kaniyang labi nang makagat ito ni Zoro at naka palambitin ito sa ere dahil kagat-kagat nito ang laruan.

GenesisWhere stories live. Discover now