Akala ko kanina isa na ito sa pinakamasayang araw sa buhay ko. Pero pwede rin palang maging isa sa pinakamalungkot ang pinakamasayang nangyari sa buhay.

Grabe ang tadhana.

Tahimik kami habang nasa biyahe ni Iverson. Iniisip ko tuloy kung naging masama ba akong kaibigan kay Gail? Wala ba siyang tiwala sa akin? Hindi niya man lang sinabi sa akin. Kahit sana sinabi niya lang na aalis siya ngayon, kahit wala ng dahilan kung bakit.

Pinigilan ko nga ang nararamdaman ko kay Jonas dahil laging sinasabi sa akin ni Gail noon na kahit hindi niya kailangan ng jowa, gusto na niya talagang magkajowa. Kaya nung nakita kong magiging mabuti, seryoso at mamahalin siya ni Jonas, I set aside my feelings for my best friend. For her happiness.

Pero sa sitwasyong ito, hindi niya ako kayang pagkatiwalaan. Siguro nga, kahit na magkaibigan pa kayo, may mga bagay na kahit sa kaibigan natin ay hindi natin masabi.

Pero ang daya lang, para na kaming magkapatid e. O ako lang ang nag-isip non?

"Whatever you're thinking now, I know Gail has a valid reason why she disappeared without telling anyone. Don't think you've done something wrong." seryosong sabi ni Iverson habang nasa daan ang tingin.

"Did she notice that I have feelings for Jonas?" I asked. I avoided him, I did right?

"No. She has a valid reason, not that one, hindi ganon kababaw si Gail. And if ever she noticed that you have feelings for Jonas? She will never say yes." Pag-alo sa akin ni Iverson.

"Then why?" Mahinang tanong ko dahil kahit siya hindi niya naman alam kung bakit.

"Let's wait." Tanging sabi ni Iverson sa akin. Tumango lang ako dahil don.

Nakarating din kami sa bahay nina Iverson, malawak naman kasi ang bahay nila kaya rito na ginawa. Nandito rin ang ilang relatives nila na umakyat pa talaga sa Baguio. Umupo ako sa tabi nina Mama tiyaka pilit na ngumiti, luminga si mama na para bang may hinahanap. Si Iverson ay binati muna ang mga kamag-anak niyang kakagaling lang sa biyahe paakyat ng Baguio.

"Nasaan si Gail?" Nakangiting tanong ni Mama. Ngumiti lang ako sakaniya na para bang walang problema.

"Kasama pamilya niya, ma." Sagot ko kay mama huminga ako ng malalim "May emergency sila." Tanging sabi ko.

Alam ko na hindi iyon emergency dahil bakit kailangan niyang alisin ang sim niya? Bakit kailangan niyang i-deactivate lahat ng account niya? Hindi ko alam kung anong point ng ginawa niya, ang alam ko lang na punto niya roon ay maglaho sa buhay namin.

But she will never be; she's always my best friend.

Kumain kami nina Mama, bukas naman ang handaan kasabay ng kay kuya Nathan at kina Kuya gaganapin dahil malaki rin ang bahay nila. Diyan nga lang siya sa Suello, magkaiba lang ng street.

Kumain na rin sina Iverson sa lamesa namin. Katulad ng tanong ni mama, tinanong din tita kung nasaan si Gail. Mabuti nalang at pareho kaming naisip na palusot ni Iverson kaya hindi naging kumplikado.

Nang mas alas kwatro na ay nagpaalam na kami nina mama. Pupunta pa kasi ako sa graduation ni kuya Nathan. Magbibihis din ako sa bahay, sina mama naman ay pupunta sa bahay nina kuya Nathan para tumulong.

Nagsuot lang ako ng pants tiyaka long sleeve na kulay black, medyo makapal na iyong tela kaya hindi ko na kailangan pang mag-coat. Nang nasa town na ako, instead sa harrison road ako dumeretso para makasakay papuntang SLU main campus ay sa likod ako ng Igorot park pumunta para sumakay ng pang SM.

Bumaba ako sa may over pass ng UC tiyaka naglakad papuntang SM. Naisipan ko kasing bilhan ng regalo si kuya Nathan pati na rin si Jonas. Nabigyan ko na ng regalo nung isang araw si Iverson, bracelet na may pendant na stethoscope.

Binilhan ko ng perfume si kuya, yung paborito niya. Kahit ang mahal ay nakapag-ipon ako para roon, tiyaka sobra rin ang binibigay niya sa akin kapag binabayaran niya ako kaya may naiipon din ako. Hindi ko alam kung anong bibilhin ko kay Jonas.

In the end, lumabas ako sa SM para bumaba ng kaunti. Sabi kasi nila meron daw stethoscope sa Pea Drug kaya pumunta ako para bumili ng pang regalo. Bumili rin ako ng pambalot ko kanina.

Mabuti nalang at mayroon kaya binili ko na. Isang black na stethoscope lang siya, nothing special. Pumara na lang ako ng taxi dahil panigurado nag start na ang graduation.

May dala akong gunting at tape kaya sa taxi ko na binalot. Mabuti nalang at sanay akong magbalot, nilagay ko rin yung card ko sa loob.

Nagbayad na ako sa taxi tiyaka umakyat sa steps ng SLU papasok sa University, mabuti nalang at binigyan ako ng pass ni kuya Nathan kaya hindi ako nahirapan sa pagpasok.

Inakyat ko ulit ang gym kaya medyo hingal ako pagpasok. Sa bleachers lang ako umupo, katulad ng inaasahan ko ay nagsisimula na ang ceremony. Agad na hinanap ng mata ko si Jonas, nakita ko naman agad siya na seryoso lang at walang emosyon ang mukha.

I wonder what if Gail was here? Ganyan pa kaya kaseryoso ang mukha niya? Ang lungkot ng mga mata niya. Parang hindi graduation ang dinaluhan niya, parang dumalaw siya sa isang lamay.

He's the summa cum laude on ther batch but I can't see happiness in his eyes. He is there sitting like it's not a big deal for him. He's like drowning on his thoughts, I wonder what he's thinking right now?

I wish I could do anything to curve his lips to form a smile. Napabuntong hininga ako dahil wala rin naman akong magawa.

Naalala ko tuloy ang sinulat ko sa card kanina.

Dr. Tan,

I put all my trust on you. I never saw you work in a hospital but I know you're always doing your best to save patients.

I admire you for being kind, I hope and keep praying that no matter how hard life is; you'll be kind always.

Keep your golden heart; keep your golden smile.

Congratulations!

Charge thousands smile! Clear,

Dra. Cariño

Cry In A Cold City [Baguio Series #1]Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ