Prologue

37 6 0
                                    

Prologue

I roamed around. Masasabi kong maganda nga ang school na 'to. Malinis, halos wala kang makikitang kalat sa lapag. Pero ang tanong, magaganda ba ang ugali ng mga nag-aaral dito? Mababait naman kaya?

Nagsimula akong maglakad para hanapin ang room ko. Napadaan pa ako sa isang napakalaking court dahil ang ingay do'n. Dahil curious alo, pinuntahan ko. May naglalaro ng basketball.

Napailing ako, 'yon lang naman pala. Tumalikod na ako at akmang maglalakad nang may matigas na bagay ang tumama sa ulo ko. Natahimik ang lahat.

Mariin akong pumikit para ikalma ang sarili ko at dahan dahang humarap sa court.

May naglalakad palapit sa pwesto ko. Tingin ko ay siya ang nakabato sa akin. Akala ko'y hihingi siya sa akin ng tawad pero nilagpasan niya ako at kinuha ang bola. Kung hihingi siya ng tawad ay mapapatawad ko pa, eh!

"Sorry, huh? Natamaan mo kasi ako kaya sorry," binigyang diin ko pa ang huling salita para maramdaman niya ang sarcastic sa boses ko.

Nilingon niya ako at nginitian ng nakakaasar, "Ayos lang. Apology accepted," tumalikod siya.

Dahil sa inis hinubad ko ang sapatos ko at binato sa kaniya. At ayon, sapol sa ulo.

Ngumisi ako, "Hindi mo na kailangang humingi ng sorry para sa pagsapol ko sa ulo mo, apology accepted," I smiled.

Akmang tatalikod na ako nang magsalita siya, "You know, Miss. You don't have to do this just to get my attention. Desperada mo namang makuha ako na kahit pagpapatama ng bola sa ulo ay nagawa mo."

Hinarap ko siya at binigyan siya ng masamang tingin.

"Sabagay, marami pa ngang mas malala ang pinaggagagawa para lang mapansin ko," naiiling na sambit niya.

"Excuse me lang, Mister. Tulog ka pa yata at nananaginip," tawa ko at nailing. "Ako? Magpapatama sa ulo para lang mapansin mo?" at tumawa na naman ako. "Tindi ng panaginip, ah, pasok na pampelikula."

Nagulat ako ng lumapit siya sa akin. 'Yong sobrang lapit talaga. Katulad ng mga napapanood ko sa TV, 'yong parang kaunting galaw nalang ay magtatama na ang mga labi namin.

"Sige na nga, pagbibigyan na kita. Once in awhile lang ako namimigay ng halik kaya ang swerte mo."

Bago pa ako makapagreact ay hinalikan niya ako sa mga labi ko, smack lang pero sapat na para mandiri ako!

Kaagad akong tumakbo para magmumog.

"H'wag kang masyadong kiligin, Miss," tawa pa niya.

Mandiri kamo!

***

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 27, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

So Many Things I Want To SayWhere stories live. Discover now