Chapter 12

83 2 2
                                    

"Alex sige na sumama kana."

Sambit ni Paula habang hinahabol ako pababa ng hagdan.

"No."

Sagot ko ng nakatalikod at hindi man lang lumilingon sa kanya para sumagot.

"Please sige na."

Pinipilit niya kong sumama mamayang gabi sa lakad niya. I don't have any idea of what is it all about but surely it is not important.

"Hindi nga pede pau busy ako."

Actually I am not. Wala naman akong pinagkakaabalahan ngayon pero ayoko lang talaga na sumama sa kanya. Sa pagkakaalam ko kasi, hindi lang ako ang kasama niya. May iba pa naman siyang kasama pero gusto lang din niya akong isama. Sa tingin ko hindi naman ganun kahalaga kung kasama niya ko o hindi kasi nandoon man ako o wala may mga kaibigan padin naman siya.
Magmumuka lang ako doon na tanga at baka ma out of place lang ako.

"Anong busy? Eh kakatapos lang lahat ng mga gawain natin."

That was true. Last week is a hell week. Masyado kaming inipit ng mga professor at instructor namin sa dami ng gawain. Feeling ko nga mayroon silang meeting kung saan pinaguusapan nila kung kailan at pano nila kami papahirapan. Since freshmen pa nga lang kami nagaadjust palang kami sa sistema dito sa kolehiyo. Madami pa na kailangan malaman para maka adopt at makapag adjust sa environment na mayroon dito.

Na tigilan ako doon dahil wala na talaga kong maidahilan sa pag ayaw ko.  Kinuha naman niya ang pagkakataon na iyon para bilisan at unahan ako sa pag lalakad para harangan ako. Nasa mas mababang step siya ng hagdan sa akin at kahit na ganoon ay parang halos mag kasing tangkad lang kami sa taas dahil nga sadyang mas matangkad si Paula kumpara sa akin.

"sige na kasi sumama ka na malulungkot ako kung wala ka."

Pangungulit uli niya habang hinawakan nako sa dalawa kong braso at sabay pakita ng muka niyang nakakaawa. O sadyang nagpapaawa lang talaga siya? Hays.

"Saan ba kasi yan?"

Ngumiti ka agad siya ng pagkalapad lapad pagka rinig sa sinabi ko.

"Birthday Celebration"

Nakangiti niyang sagot at nakinang kinang pa ang mga mata niya na parang talagang kitang kita na naeexcite sya sa kung ano man ang kaganapan mamaya.

Napabuntong hininga nalang din ako bago tumango at ikumpirma ang pagpayag ko dahil wala naman akong choice. Paniguradong hindi ako titigilan sa pangungulit nito hanggat hindi ako pumapayag sa gusto niya.

"talaga?!" tuwang tuwa niyang tanong habang niyuyugyog pa ang mga balikat ko.

"oo nga paulit ulit ka naman."

Nagsusungit kong saad ngunit nangingiti narin dahil sa inaasta niya. Para siyang bata na tuwang tuwa dahil pinagbigyan sa gusto nitong laruan. Paula may look matured physically but when it comes to her personality, she's kind of childish. Hindi nga lang sa lahat dahil sa mga nakikita ko naman seryoso at maldita siya sa ibang tao.

"Yey! Thank you babe I love you! Mauuna na muna ko at may klase pa ko tatawagan nalang kita mamaya ha? Ingat muah!"

Sigaw niya habang nag flying kiss pa sa akin habang tumatakbo pataas ng hagdgan. Nasa 3rd floor kasi kami at doon talaga ang klase niya. Sinundan niya lang ako kanina habang pababa dahil nasa 2nd floor ang klase ko.
Na pailing nalang ako sa inaasta ni Paula.

Almost a month na kaming magkasama ni Paula and I can say that she's a good person. I like her personality too. It's just that na may mga pagkakataon talaga na may pagka kulit lang siya. Napansin ko din na hindi sa lahat ganoon ang personality na pinapakita niya dahil pagiging maldita at seryoso naman ang ipinoportray nito sa iba. Medyo natutuwa lang ako dahil feeling ko totoo siya pag kasama niya ako. Nakikita ko ang ugali niya na hindi nakikita ng iba at masaya sa pakiramdam dahil feeling ko, she's that comfortable with me na kaya na niyang iexpress ang sarili niya without thinking about my thoughts and opinions about it.

Kagaya nga ng sinabi ni Paula kanina na tatawagan niya ko after class, tumawag nga talaga siya para sabihing wag na akong magpasundo sa driver dahil siya na ang susundo sa akin at sasama siya sa bahay.
I don't know what's going on with her but nawiwiwirduhan ako sa kanya ngayon hays.

I am busy playing with my cell phone when Paula arrived. Pumasok ako sa kotse niya only to make my jaw drop.
Literal na napanganga ako pagkakita ko sa kanya at sa suot niya.

She is wearing a red and fitted sweet heart top dress together with her black killing 6 inches heels. Matangkad na siya at kung magsusuot pa sya ng gantong uri ng sapatos mas tatangkad pa siya. Nakakahiya naman na tumabi ako sa kanya! Nakapony naman ang buhok niya ng napaka taas. Straight na straight ito at malinis sapagkat wala kang makikita ni katiting na baby hair na nalalaglag.

Ano ba talagang klaseng birthday ang pupuntahan namin at ganito ang bihis ng babaeng ito?

"Bakit ganyan ang suot mo?" nagtatakang tanong ko sa kanya.

"what's wrong? Maganda naman ah."

" I mean bakit ganyan kung simpleng birthday lang naman? Saan ba tayo pupunta? Kaninong bahay ba?"

Tanong ko habang kinakabit ang seat belt sa sarili ko. Pero natigil an ako sa pagkakabit at napatingala sa kanya ng narinig ko siyang tumawa.

" bakit? " tanong ko.

"Hey mali ka hahaha hindi ito basta simpleng birthday at hindi bahay ang pupuntahan natin."

Napapantastikihan at naguguluhan ko siyang tiningnan.

"what do you mean?"

"today's birthday celebration is special since my friend doesn't usually celebrate her birthday and sa bar ito gaganapin at hindi sa bahay."

"What?! Bar?! I am underage hindi ako pede diyan!"

"Ako ang bahala. Trust me."

Sabay kindat niya bago tuluyang paharurutin ang sasakyan paalis patungong bahay.

Sinasabi ko na nga ba eh! Maling desisyon talaga na pumayag ako sa gusto niya. Bar? Bad influence ka paula! Ano ng gagawin ko? Hays.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 10, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Arrange Marriage with My Playboy EXWhere stories live. Discover now