"Sino ka?" Bati naman ni papa sakaniya. Napatayo ng tuwid si Jonas.

"My name is Jonas po."

"Jonas, what?" Napatingin ako sa gulat kay Papa. Hindi na niya kailangan tanungin pa!

"Jonas Lorenzo Tan po."

"Anong mayroon sa inyo ng anak ko?" Tiningnan ko nang hindi makapaniwala si Papa dahil sa tanong niya.

"Pa! Kaibigan ko lang siya!" Agad na depensa ko. Baka kung anong maling ideya ang pumasok sa isipan nila.

"Ang dami nang nakarinig sa linya na iyan." Sambit sa akin ni Papa.

"He is Gail's boyfriend, Pa!" Doon lang ata umamo ang mukha ni Papa. Tiningnan ako ni Mama na nagtataka.

"Ah eh kung gayon, bakit nandito ka sa amin ng gantong oras iho?" Naiilang na tanong ni Mama. Pinanlakihan niya ako ng mata.

"He's asking for my help ma, susurprise niya si Gail!" I honestly answer. Iyon ang pinunta niya kanina diba?

"Ganon ba? Pero sa gantong oras?" Bakas pa rin ang ilang sa mukha ni mama pati na rin sa boses niya.

"Galing po kasi rito kanina sina Gail and Iverson, kakaalis lang." Sagot ko kay Mama.

"Gusto mo bang pumasok muna iho? Kumain ka na ba?" Tanong ni Mama pero kaagad sumingit si Papa.

"Bakit sa anak ko ikaw nagpapatulong? Pwede naman kay Iverson?" Kuryos na tanong ni Papa sakaniya. Nailang akong tingnan si Papa bago sumagot.

"Pa, kaibigan siya ni kuya Nathan kaya medyo naging close lang din kami, hindi sila close ni Iverson!" Iyon din ang totoo kung bakit kami naging close.

"Tan, galing ka ba sa mga maimpluwensiyang Tan?" Sasagot na sana ako nang muling nagsalita si Papa "Hindi ikaw ang kausap ko, Daisheen." Napanguso ako sa sinabi niya. Nasilayan ko ang ngiti sa labi ni Jonas.

"Yes po," he honestly answered, tumingin siya kay mama tiyaka sumagot sa tanong niya kanina "Kumain na po ako, baka hinahanap na po ako sa amin. Pagpapaalam ko lang po sana siya bukas para mapag-usapan po namin ang surprise." Napatingin ako kay Jonas habang kumunot ang noo ni Papa.

"Saan kayo pupunta?"

"Diyan lang po sa cafe sa may Bukaneg."

Nagpaalan na si Jonas sa mga magulang ko. Kumain na kami nina mama bago ako pumasok sa kwarto para matulog. Tumunog ang notification ko sa Instagram.

@jonastan: guess you muted me on twitter.

@jonastan: anyway, gonna pick you up at school.

@daisheen: huh!

@daisheen: edi magtatanong si Gail.

@jonastan: gonna drive her home first.

@daisheen: oki

Hindi ko na siya nireply-an pagkatapos noon tiyaka binasa ulit ang papers namin baka si Iverson lahat ang sumagot at sumalo sa amin, nakakahiya naman.

Kinabukasan, naging busy halos ang block dahil sa defense. May iilan pangang in-edit ang kanilang powerpoint. Cramp is life talaga para sa iba.

Habang kami binabasa na lang namin iyong mga possible na answers at ang magandang isasagot namin sa defense.

Final defense turn out well. Nakasagot kaming tatlo sa mga pannelist and one panellist said we should expect a higher grades because we did well.

"Hahatid ako ni Jonas now." Sabi ni Gail ng makalabas kami sa campus. Alam ko na iyon dahil iyon ang sinabi ni Jonas sa akin kagabi, tumango ako.

Cry In A Cold City [Baguio Series #1]Where stories live. Discover now