"Understood?" Pahabol pa nito kaya mas lalong humigpit ang hawak ko sa brown envelope dahil napakaseryoso ng Señorito  na gumagalaw pa ang panga kaya tumango na lang ako kahit pa gusto kong sabihin sa kanya na hindi naman ako interesado sa mga nanliligaw sa 'kin.

"Give me your phone number."

"P-po?" Matagal na akong hindi gumagamit ng cellphone at halos may apat na taon na ang cellphone na hawak ko at kahit gumagana pa ito ay may kalumaan na rin.

"Do you have one?" Nagaalangan naman akong tumango sa kanya.

"Then give me your phone number."

"May cellphone po ako pero matagal ko nang hindi ginagamit at hindi ko rin po saulo ang numero ko." Paliwanag ko.

Tumayo si Señorito Primo at may kinuha ito sa bulsa ng coat niya na nakasabit sa may gilid. Nakatalikod siya sa' kin kaya hindi ko makita kung ano ang hawak at ginagawa niya.

"Here." Bumaba ang tingin ko sa mga kamay ng Señorito na may hawak na cellphone.

"Yung cellphone ko na lang po, gumagana pa naman iyon."
Tatayo na sana ako sa silya para kunin sa kwarto ko ang cellphone ko pero nagsalubong na naman ang mga kilay nito kaya umupo na lang ulit ako.

"Accept it. I rarely use it and I have another one. I already save my number there. Ako lang ang i-tetext at tatawagan mo sa cellphone na 'yan, ako lang wala ng iba. It's your Señorito's rule by decree." Napatitig na lang ako sa cellphone na hawak ko dahil mukang mamahalin ito at hindi pa masyadong nagagamit, sobrang nakakahiya sa Señorito  dahil bukod sa binigyan niya ako ng trabaho pati cellphone binigyan rin ako nito. Sana pala dinala ko 'yung cellphone ko.

"Che è tutto per ora, si puo andare." (That's all for now, you may go) Napangiwi ako dahil wala na naman akong naiintindihan sa sinabi nito.

"Señorito Primo." Nilingon ako nito dahil abala na ito sa pagtitipa sa kanyang laptop.

"Che cosa?" (What?) Aniya.

"Hindi po ako marunong at nakakaintindi ng Italian, english o tagalog lang po ang alam ko."
Saad ko at napa 'ow' naman ito bago tumango.

"I thought you know how to speak Italian, you grew up here with nonno and domestica Carlotta." (nonno; grandpa, domestica; maid) Umiling ako bago sumagot.

"Iilan lang pong salita ang naiintindihan ko katulad ng Grazie mille mga pagbati at mendicante, Señorito." Turan ko at halos pabulong na lang iyong mendicante.

"Okay. I will try to speak tagalog but not everytime, I preferred english and Italian." Ngumiti ako bilang pagpapakita na naiintindihan ko, tumayo na ako at yumukod sa kanya bago naglakad palabas ng study room.

"Wait." Napihit ko na ang doorknob ng pinto bago ako lumingon sa Señorito.

"Bakit po Señorito Gian Primo?" Aniya ko.

"Drop that 'po' it's too formal. And just call me Señorito Primo no need to mention john, my first name. Did you get it, Bella?"

Bella.

Tinawag niya akong Bella na kaming dalawa lang at hindi mendicante! Bumilis na naman ang pagkabog ng dibdib ko at ang matinding pag-init ng aking mukha ay ramdam na ramdam ko na naman.

"O-okay po--" pumikit ako bago ulit nag salita. "Kuha ko, Señorito Primo." Hanggang sa pagbalik ko sa 'king kwarto ay ayaw pa ring tumigil sa mabilis na pagkabog ang aking dibdib.

Magkakasakit na yata ako nito sa puso.

Pagkatapos kong magpalit ng damit ay agad akong pumunta sa bahay nina Zendy sakay ng kabayo ko para humingi sa kanya ng tulong sa dapat tamang pananamit ng isang secretary at kung paano kumilos dahil sabi nga ni Señorito Primo kailangan daw ay presentable ako bilang secretary.

iL Mio Dolce Amante [COMPLETED/UNDER REVISION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon