Epilogue 3 of 3

1.5K 33 11
                                    

Being true to his words, Raven never left my side. He was with me through every surgery I conquered. Sa tuwing bibisita siya, laging may dala siyang mga pagkain, prutas o di kaya bulaklak. Nagkukwento din siya ng mga nangyari sa araw niya kahit na minsan nakakatulugan ko na din ang pakikinig sa kaniya.

For the past months, nag-undergo ako sa multiple surgeries para maibalik ang paningin ko. Sa una, mahirap at nakakapagod pero dahil na rin sa tulong ni Raven, pinapagaan niya ang mga bagay na nahihirapan akong gawin.

"Let's go?"

He asked me habang inalalayan ako sa pagsakay sa kaniyang sasakyan.

Next week na ang huling surgery ko. It will determine kung makakakita na ba ako. So far may mga improvements naman na tulad ng nakakaaninag na ako paminsan-minsan.

"Saan tayo pupunta?" I asked.

Nakakatawang isipin, parang de javu lang ang mga nangyayari ngayon. Ako na nasa sasakyan at siya na nagmamaneho. I know he had a hard time adjusting dito but I'm proud of him kasi never siyang sumuko kahit ilang beses ko siyang pagtulakan.

"Broome, Australia." Sagot niya sa akin.

"What? Broome? Masyadong malayo. Tinatamad ako."

Pang-aasar ko sa kaniya. Narinig ko naman ang mahinang pagtawa niya.

"What should I do to convince you to go with me, hmm?" He asked playfully.

Napatawa naman ako sa tanong niya.

"Give me a kiss!" Sabi ko sabay nguso.

He gave me a peck on my lips bago muling tumawa.

"Good. Let's go na!" Masiglang sabi ko sa kaniya.

Habang nasa byahe sinabi ko sa kaniya ang mga bagay na gusto kong gawin kapag bumalik na ang paningin ko pati na rin ang mga lugar na gusto kong puntahan. Habang nagkukwento ako ay tahimik lang siyang nakikinig at paminsan-paminsan nagbibiro sa akin.

Pwede pa pala maging masaya kahit may pinagdaanan. Si mama at papa ay nasa bahay ngayon. Sinabihan ko sila na magpahinga muna at kaya ko na ang sarili ko. Nagbiro pa nga sila na magde-date daw sila habang wala kami.

"Raven..." Tawag ko sa kaniya.

Naramdaman ko ang paghawak ng kamay niya sa kamay ko. Marahan niyang hinalikan ito.

"Hmmm?"

"I love you." I told him.

Simula ng nagkabalikan kami, hindi ko pa ulit sinasabi sa kaniya kung gaano ko siya kamahal. I'm scared na baka 'pag narealize niya na may mas better kaysa sa akin, iwan niya din ako.

"I love you too." He sincerely told me.

Napangiti ako ng marinig ang sinabi niya. I liked him every time he's being extra sweet to me.

Ilang oras bago namin na narating ang lugar na pinagdalhan niya sa akin.

"We're here." He told me bago tinanggal ang seat belt ko.

Nang makalabas kami sa sasakyan ay inalalayan niya muli ako sa paglalakad. Ilang sandali lang nakaramdam ako ng tubig sa paa ko.

"Beach?" Tanong ko sa kaniya.

"Not just beach but an old cinema located near the ocean."

Namangha ako sa sinabi niya. Kaya lang napasimangot ako ng ma-realize kung nasaan kami. I like beach. May mga times na iniiyakan ko dati sila mama para lang mag-swimming kami.

"Bakit may cinema? Nang-aasar ka ba?" Tanong ko sa kaniya.

Pabiro lang naman ang pagkakasabi ko. Kunwari ay galit at nagtatampo ako sa kaniya dahil dinala niya ako sa cinema kahit na wala naman akong makita. Narinig ko ang malamyos na tawa niya.

Relationship Request (RS #1)Where stories live. Discover now