"Jiyuri!" galit na sigaw ni Jai, muhkang nagseseryoso na nga. "Ano na?!"

"Anong ano na?!"

"Maghahagis nga sila ng bomba!"

"Bomba lang yan, dati nga tinalon ko building niya, hindi ako namatay!"

"Napaka mong hayup ka!" pikon niyang sigaw.

Ngumisi lamang ako at humahakbang na palapit kay Shi habang bumabaril. Ang mga mata ko'y nasa mata lang ng lolo kong hilaw at nakikiramdam lamang sa kung sinong babaril sa akin. Nang maramdaman kong may papalapit sa akin ay agad ko itong hinarap, may kutsilyo ito at agad kong naagaw yon at sinaksak sa kaniya. Naramdaman ko naman ang balang dumiin sa balikat ko at ang pag-agos ng dugo ko.

"Puta, papatayin ko talaga bumaril sakin!" galit akong sumigaw at nang humarap kay Shi, siya ang may hawak ng baril na nakatutok sa akin samantalang ang iba'y hindi naman tumatama. "Naks, linaw ng mata netong gago na to?!"

"Fuck you!" pabalik na sigaw niya sa akin at muling nagpaputok na agad kong nailagan.

"Fuck yourself," natatawang sambit ko at nakipagpalitan ng bala sa kanila. Ganoon na lang ang gulat ko nang maramdaman muli ang isa pang bala sa balikat ko.

Two fucking shots. Weak!

Humarap ako sa bumaril sa akin at pinaulanan siya ng bala. Hindi ako tumigil hangga't hindi ko nakikitang umaagos ang dugo mula sa butas ng mga balang nakadiin sa balat niya.

Napapikit ako muli nang maramdaman ang balang tumama sa vest na suot ko. Mabuti na lang at naka-vest ako. Hays. It would be more thrilling kung wala akong vest.

Mas dumami ang pumunta sa akin. Ganoon siguro ako kaganda! Naiiling ko silang nilabanan. Ilang oras na rin akong nakikipagsuntukan, sapakan, saksakan, sipaan, o sa mas madaling salita... makipagpatayan. Nakakaramdaman na ako ng pangangalay. Nagkakaedad na ako?

Napahinto ako at nakitang may pumana sa akin! Nilingon ko yon at hayun si Shi, nakangiti habang may hawak na bow and arrow. Nagyayabang ang tindig niya at sumisigaw ang kayamanan sa daming gold na nakakabit sa kaniya.

"Let's see if this thing works on your vest," nakangising sabi niya.

Napatingin ako sa panang nakatusok sa tagiliran ko. Agad ko yong binunot at pinutol habang nakatingin sa kaniya. Nakaramdam ako ng hapdi at nasisiguro kong tumagos nga yon sa vest ko. Ganoon katindi ang lakas niya upang tumagos ang pana niya sa akin. Nakaramdam ako ng sakit at hilo nang makitang dumudugo na ang tagiliran ko.

Holy crap. I'm not gonna die here, son of a bitch.

"Bow and arrow did... it worked," nakangising sagot ko sa kaniya at proud na ipinakita ang dugo. "See? It worked!"

Fucking hell! This thing has poison.

JAI'S POV

GANOON NA LANG ANG GULAT KO nang nakita kong dumugo ang tagiliran ni Jiyuri. Napaawang ang labi ko at natigilan nang ilang saglit.

"See? It worked!" nagawa niya pang ngumiti at humalakhak pero batid kong sa likod ng ngiting yon... ay nasasaktan siya.

Suddenly, I got sad for her. She doesn't deserve this...

Sinubukan kong tutukan si Shi ng baril at paputukan ngunit ang magagaling niyang alagad ay gustong gusto akong nililibang. Kaya heto at nakikipagbakbakan na naman ako.

Dumami lalo ang sumugod kay Jiyuri. Nabawasan ang bilis niya nang mapana siya kaya naman inakyat ko ang kahoy na naroroon at paikot na tumalon, tinapat ang kutsilyo ko upang magilitan ang lahat ng naikutan ko.

The Darkest Moon Star [JDDS SERIES #3] (COMPLETED)Kde žijí příběhy. Začni objevovat