Buong gabi kong pinagisipan ang mga hakbang na pwede kong gawin para matulungan si Piero. Ginawa ko iyon habang nakatitig ako sa kanya. Piero deserve the change he want. Isang beses lang siyang napasok sa maling sitwasyong ito. Kayang kaya niyang magbago, naniniwala ako sa kanya. Kaya naman kung may kaya akong gawin para sa kanya. Gagawin ko iyon.

Magaalasotso ng gabi nang tumingin ako sa orasan. Mahimbing pa din ang tulog ni Piero dahil sa natamong bugbog sa katawan at mukha. Hindi na din siguro kinaya ng katawan niya. Tao lang din naman siya, kung nasobrahan ay babagsak at babagsak din ang kanyang katawan.

"Saan ang punta mo?" Gulat na tanong ni Lance nang makita niya akong lumabas sa aming kwarto ni Piero. Bihis na bihis ako dala dala ang aking backpack.

Napayuko ako ng hindi ko kayanin ang mabibigat na tingin ni Lance sa akin. "Amaryllis sinabi ko na sayo...kailagan ka ni Piero" may pagbabantang sabi niya sa akin na kaagad kong tinanguan.

"May pupuntahan lang ako, babalik din ako kaagad" paninigurado ko sa kanya. Hindi naalis ang makahulugang tingin ni Lance sa akin. Muling uminit ang gilid ng aking mga mata.

"Hintayin mo ako, sasamahan na kita" pahabol pa niya sa akin. Gustuhin ko man sanang tanggihan siya ay hindi ko na nagawapa dahil mabilis nang pumasok si Lance sa kanilang kwarto para magbihis.

Nahihiya akong tumingin kay Sarah. Pagkakataon sana nila ito para makapagbonding na pamilya pero nangistorbo ako. "Pasencya na Sarah" nahihiyang sabi ko sa kanya.

Tipid niya akong nginitian, lumapit pa siya sa akin para yakapin ako. "Ano ka ba, pamilya tayo dito. Hindi ko rin naman gustong umalis ka magisa" suway pa niya sa akin kaya naman naantig ang puso ko sa mga narinig.

Umalis kami ni Lance nang gabing iyon. Madaling araw ba kaming nakarating sa Apartment. Ginamit ko ang ilang oras ba natira para makapagpahinga. Pagkaputok ng araw kinaumagahan ay kaagad din akong nagayos para maghanda sa aking pupuntahan.

"IpagdriDrive kita Amaryllis" giit ni Lance sa akin nang makita niyang naghahanda na ako para umalis. Mariin ko siyang inilingan.

"Wag kang magalala, babalik din ako kaagad. Pagbalik ko uuwi tayo kaagad kay Piero kasi ayokong wala ako duon pag gising niya" emosyonal na sabi ko pa sa kanya. Kahit anong pilit kong maging matapang ay hindi ko magawa, naiiyak pa din talaga ako.

Dahil sa aking pakiusap ay hinyaan ako ni Lance na umalis. "Maghihintay ako dito Amaryllis, sigiraduhin mong babalik ka" pahabol pa niya sa akin kaya naman tipid ko siyang nginitian at tinanguan.

Inipon ko ang lahat ng tapang ko para gawin ito. Isa lang ang paulit ulit na tumakbo sa aking isipan habang nasa byahe ako. Babalik ako kay Piero, kahit anong mangyari.

Sobra sobra ang kabang nararamdaman ko nang tingalain ko ang mataas na building na pagmamay ari ng mga Dela rama. Isa sila sa mga competitor ng family bussiness ng mommy ni Piero. Mabibigat ang mga paghakbang na nagawa ko papasok duon, naglalaban ang takot at determinasyon sa aking dibdib.

"May appointment po ba kayo Ma'm? Tanong sa akin ng Secretary ni Rajiv nang dumating ako sa floor kung nasaan ang office niya.

Marahan akong umiling. "Wala akong appointment, pero pakisabi andito si Amaryllis Guevarra" malumanay na utos ko sa kanya. Nagdalawang isip ang kanyang secretary kung susunduin na ako o hindi. Sa huli ay pinindot niya ang intercom. Sinabi niya ang aking pangalan

"Let my fiance in" matigas na turan ni Rajiv mula sa kabilang linya.

Nanlaki ang mata ng babae at kaagad na yumuko sa akin para magbigay galang. "Pasencya na po Ma'm" paumanhin pa niya na hindi ko na lamang pinansin pa.

The Heartless Master (Savage Beast #2)Where stories live. Discover now