Pumasok kami sa isang subdivision. Magaganda ang bahay do'n. May kanya kanyang ganda. Maya maya pa ay tumigil kami sa tapat ng isang malaking bahay.

Kulay white and red with touch of silver ang kulay nito. Sobrang ganda. Pang pamilya talaga ang dating. Sa tingin ko ay may third floor pa ito. 'Yung kay Dereck kasi meron pero hindi ko pa napupuntahan. 'Di ko din sure kung puro kwarto din ba 'yon.

"Brie?" Tinignan ko si Dereck na malalim na naman ang tingin sakin.

"Bakit?"

"Let's go?"

Tumango ako. Pinagbuksan niya ulit ako ng pinto at iginaya papunta sa malaking gate ng bahay. Nag doorbell muna siya at hinawakan ang kamay ko.

Maya maya pa ay may lumabas na kasambahay at parang tuwang tuwa na makita si Dereck.

"Nako, Sir! Buti naman po at napadalaw kayo!" Happy talaga siya 'no? Binuksan niya agad ang gate.

"Mom invited us." Ngumisi siya dito. "By the way, this is Brie. She'll be the mother of my future kids."

Kids? Bakit? Kambal ba magiging anak namin?

"Nako! Ang ganda ganda niyo po, Ma'am Brie." Ngumiti lang ako sakanya. Balak ko pa sanang magpasalamat pero hinila na ako ni Dereck papasok.

Double door ang pinto. Kulay ginto pa ang kulay ng hawakan. Pucha. Baklasin ko kaya tapos ibenta ko—

Nang buksan niya ito ay halos malaglag ang panga ko. Sobrang laki! Kulay white at parang may mga glitters kasi puro makinang.

Sumalubong samin ang sobrang luwag na sala. May flatscreen TV din na sobrang laki. At ang sofa! Pa-L-shaped pero masyadong malaki. May lamesa din sa gitna. Sa gilid ay parang may duyan na parang itlog. Ang ganda!

"Dereck! Brie!" Narinig kong sumigaw ang Mama ni Dereck. Gano'n pa din ang suot niya at mukhang hinihintay niya talaga kami. "I'm so happy that you both are here!" Bumeso ito samin at ngiting ngiti.

"Of course, Mom. Where's dad?" Hindi naman siguro ako mano-nosebleed?

"He's still fixing himself, son. Later he'll be here." Bumaling ito sakin. "Kaya pala madali mong nakuha ang pansin ko, hija. Your eyes... Aurora green yes. You look like a goddess, hija."

"I hope na mamana ng magiging baby namin ang mata ni Brie." Pinulupot na naman nito ang braso sa bewang ko.

"Stop being PDA in front of me, young couple. Wait a minute, tatawagin ko lang ang Daddy mong sobrang kupad kumilos." Kumindat muna siya bago umalis.

"I want you." Nanlaki ang mata ko sa biglang pagbulong ni Dereck sakin.

"H-ha? Anong ibig mong sabihin?" Don't tell me gusto niya mag-ano kami? Nakakahiya! Dito pa talaga sa bahay ng parents niya?

"S-saan? May kwarto ka ba rito?" Ngumisi siya at pinulupot na rin ang isa niyang braso sakin.

"You want it too?" Awtomatikong napakagat ako sa pang ibabang labi ko at dahan dahang tumango. "You miss me that much, huh?" Akmang lalapat ang labi niya sakin nang may narinig akong tumikhim.

Nabaling ang tingin ko sa lalaking siguro ay almost 50 years old pa lang. Gwapong gwapo ito at mukhang mataas ang pinag aralan. Sure akong kamukha niya din si Dereck kung mabata bata pa siya.

"Hey, dad." Bati ni Dereck at umalis sa harapan ko at bumalik sa gilid ko.

"Zup, Son?" Bahagya akong natameme. Zup daw? Nuyon? Millennial lang?

"Mommy invited us here for a dinner." Tahimik lang ako na nakatingin kay Dereck.

"I know." Bumaling ang tingin niya sakin kaya umayos ako ng tindig. "Kindly introduce to me this young lady, hmm?" Lumapit ito samin kasama ang mommy ni Dereck na todo ngiti.

A Deal with Mr. Billionaire [ Billionaire Series #1 ]Where stories live. Discover now