Chapter 5 - First Day

2 0 0
                                    

Crystal's POV

Nagising ako dahil sa tunog ng alarm clock kaya naman agad na rin akong bumangon at nagtungo sa banyo dito sa kwarto ko.

Matapos ay nagbihis na muna ko pambahay dahil mamayang 9 pa naman ang unang klase namin.

"Goodmorning."

Ang biglang sulpot ni Zephyr sa harap ko pero himbis na pagbati ay isang malakas na sampal ang ibinalik ko sa kanya.

I hate to admit pero sadyang magugulatin talaga ko at worst ay may ganti agad ako ng walang sabi sabi.

"Aray!" daing niya habang hinihimas ang pisngi.

"Sorry Zephyr. Ikaw naman kasi eh. Bakit ba ang hilig mo na lang sumulpot bigla?" sabi ko sa kanya.

"Hindi pa talaga nadala kagabi." ang umiiling na sabi ni Dyro na nakaupo sa sofa katabi si Ash na hindi pa rin tumitigil sa pagtawa.

Nang lingunin ko si Zephyr ay nakatingin lang ito sa akin at tumango saka nawala sa harapan ko.

Binati ko na lang sila Ash at nagtungo na sa kusina dahil nagugutom na talaga ko.

Nadatnan ko ang mga girls na kasalukuyan pang kumakain and take note. Bongga ang almusal nila dito dahil hindi fried ulam at rice kundi pasta.

"Mukhang ready ka na sa first day mo dito Crystal ah." sabi ni Serena ng makaupo ako.

"Hmm. Maninibago pa kasi ako dito alam niyo na sa mortal world ako lumaki." sambit ko.

Tumango sila saka nagpatuloy na sa pagkain. Dahil may mga gusto kong malaman pa tungkol dito sa academy ay nagtanong na ko sa kanila.

Si Lyre naman ang sumagot at nagpaliwanag sa akin.

And according to her walang year level ang Class namin dahil mga chosen kami pero meron pa rin kaming mga lecture study for knowledge at training for ability enhancements.

Unlike sa tatlong rank na by level ang years nila. Ang Elite ay mayroong three years of study kung saan iivaluate sila kung makakatungtong ba sila sa Mystic Class.

Yung Mystic Class naman ay merong six years of study kung saan para iievaluate sila para makapunta sa Guardian Class.

And lastly sa Guardian Class naman ay may total of nine years kung saan kapag after nun ay ang time na makakaalis na sila dito sa academy after nilang bunuin ang siyam na taon.

"So luckily kapag automatic na napunta ka sa guardian class ay parang nag aral ka lang ng nine years sa mortal world." ani Lyre at uminom ng tubig.

"So that means kahit pala nasa iisang squad kayo ay iba iba ang year level niyo." tanong ko.

Tumango na naman siya bilang sagot at muling nagsalita kaya nakinig na lang ako.

Nalaman ko din na iba pa rin ang sa amin dahil depende daw sa performance namin kami iievaluate kung madadagdag or worst mababawasan ang school year namin. Ten years ang kailangan namin bago kami grumaduate at bumalik na sa kingdom na kinabibilangan namin.

So far ay sila Lyre, Dyro at Raijin ay nasa 4th level na. Si Zephyr at Serena ay 3rd level at sila Sandy at Ash na nasa 2nd level palang.

Kung magiging maganda naman ang kalalabasan ng performance namin sa evaluation ay maaaring makapantay or maangatan ang year ng bawat isa sa amin pero once na hindi maganda at nasa higher level ka ay maari kang ibaba depende sa evaluation.

"There's one thing na iba ang Class natin dahil tanging tayo lang ang meron duty kahit nasa student phase pa lang tayo." sabi pa ni Lyre.

Well actually kanina pa kami tapos kumain nanatili lang kami dito sa hapag habang kumukuha ko ng kaalaman sa kanya. Si Serena na ang naghugas ng pinagkainan namin samantalang si Sandy ay nagtungo sa sala upang samahan ang mga boys na manood.

Arcane Academy: Rise Of The Elemental GuardiansWhere stories live. Discover now