Chapter 2 - Departure

5 0 0
                                    

Crystal's POV

Kasalukuyan ako ngayong nasa school garden at naghihintay sa best friend ko na dumating. Just like what Dad said. Wala ngang naaalala ang mga tao dito about sa nangyari kahapon ng magising ang kapangyarihan na meron ako.

Even yung mga bruhang hilig akong bulihin ay walang kaalam alam na nagantihan ko na sila. Iniisip ko nga tutal may powers na ko bakit hindi ko kaya gantihan sila in person para madala sila.

Pero syempre joke lang yun.

Mayamaya pa dumating na rin sa wakas ang kanina ko pang inaantay at palingalinga sa paligid. Kumaway ako habang tinatawag siya kaya naman agad din siyang nagtungo sa aking pwesto.

"Kailangan ba talagang sa ibang bansa ka pa mag aral?" tanong nito sa malungkot na tono.

Just what Dad had told me yesterday ay ililipat na niya ko ng school na papasukan ko. And just to tell you kahapon lang niya sinabi pero ang alis ko ay kaninang umaga dapat pero tumanggi muna ko at humingi ng pabor na pinagbigyan naman niya.

"Sayang naman bes! Last year na natin to oh."

Gustuhin ko man na manatili na lang dito hanggang sa makagraduate ako ay hindi na daw pwede sabi ni Dad. Dahil malaking problema kung hindi ko makokontrol ang kapangyarihan ko. Kaya kinailangan na niya kong ipadala sa Arcane World dahil doon daw ay matutulungan ako na maconceal ang ability ko at ma-enhance na rin at the same time.

Kaya naman para makapagpaalam ako ng maayos sa matalik na kaibigan ko ay kinailangan ko pang magsinunangaling na sa ibang bansa na ako mag aaral.

Ayaw ko naman na isipin niyang baliw ako kung sasabihin ko ang totoo at alam kong hindi siya maniniwala sa akin.

"Gustuhin ko man manatili dito pero alam mo naman ayokong suwayin si Dad di ba?" sinserong sabi ko.

"Okay fine." aniya at himinga ng malalim. "Tara."

Tumayo siya at inilahad ang kamay sa harapan ko kaya naman napuno ako ng pagtataka.

Usually kasi ay dapat pinipilit niya ko na mag stay tulad nung mga time ng pamimilit niya sa akin dati kapag tumatanggi ako na maglakwatsa kasama siya.

"Hindi na ko papasok Kairo. Mamayang hapon na ang alis ko."

"Alam ko, kakasabi mo nga lang kanina di ba?" nakangiting sagot nito at siya na mismo ang kumuha sa kamay ko. "Bonding muna tayo for the last time."

"Nahihibang ka ba? Wag mo sabihing magka-cut ka ng klase?

"Ngayon lang naman. Saka sa monday pa naman ang start ng regular class kaya naman ilalaan ko muna yung natitirang oras kasama ang best friend ko dahil matagal ko siyang hindi makakasama." paliwanag niya.

Napangiti na lang ako dahil sa kanyang tinuran kaya hindi na ko umapela pa. Tulad nga ng kanyang sinabi ay nagtungo kami sa mall dahil ito ang unang spot namin tuwing nagbobonding kami. Minsan na nga kaming napagkamalang magjowa dahil sobrang close talaga namin sa isa't isa. Kumain at nanood lang kami ng sine dahil tulad ko ay mahilig din si Kairo sa mga fantasy movie.

Which is ako ang nakapaghikayat sa kanya at yun nagandahan naman siya.

Matapos iyon ay nagtungo na kami sa pinakapaboritong hide out namin walang iba kundi sa computer shop. Halos lahat naman ng online games ay kaya naming laruin pero ang pinaka the best para sa amin ay yung mga rpg at moba.

"Kairo ikaw na muna bahala sa mga accounts ko ah." bilin ko habang nakatuon ang pansin sa nilalaro ko.

"Baka kasi mawalan na rin ako ng time kapag nasa amerika na ko. You know mas mahirap ang pag aaralan ko dun." dagdag ko pa.

Arcane Academy: Rise Of The Elemental GuardiansNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ