Chapter 6 - Gift

2 0 0
                                    

Lyre's POV

Nakakapanghinayang talaga at hindi nadala ni Crystal yung libro na naglalaman ng tungkol sa two lost kingdom.

Nagulat kasi ako kanina dahil alam niya ang tungkol doon kahit pa bago lang siya dito sa academy. Although alam ko na kahit hindi halata na naninibago siya ay alam kong sinusubukan pa rin niyang mag adjust.

Hindi naman kasi biro ang biglang pagbabago ng buhay niya hindi tulad namin na dito na talaga lumaki.

Mula pagkabata ay nasasanay na namin ang mga kapangyarihan namin bago pa kami pumasok dito sa academy. Nabasa ko rin kasi sa libro na kapag ang isang elementa ay dinala sa mundo ng mga mortal ay pansamantalang matatago ang ability na meron ito hanggang sa tumuntong ito sa tamang edad.

Labing anim na taon ang kailangan bago kami makapasok dito sa academy para tuluyang mahasa ang aming kaalaman at kakayahan. Dahil sa mundo ng mga mortal lumaki si Crystal ay namuhay lang siya ng normal doon pero dahil nasa tamang edad na siya ay kusa na lamang nagising ang kapangyarihan niya upang protektahan ang sarili.

Nandito kami sa training room habang inaantay ang susunod naming guro para sa Elemental Subject namin.

"Sorry I'm late." sambit ng aming guro at bumaling ito kay Crystal ng nakangiti.

"I'm so happy to meet the newly guardian of ice." bati nito sa kanya. "I'm Professor Glacia."

"Nice to meet you po Ma'am." balik ni Crystal dito.

"Anyways. Lets start our lesson."

Nagsimula na magturo si Prof. Glacia at ang ituturo daw niya ngayon ang ang gift ability na mula sa mga elemental orb na nakuha namin.

Bago pa kasi magbago ang anyo ng mga orb ay may naramdaman na kaming kakaiba simula ng matanggap namin ito.

Inisa isa ni Prof. ang bagong ability na nakuha namin dito at kung ano ang epekto nito.

Mula sa Light Orb ay nakuha ko dito ang Light Prism. Kung saan kaya kong bigyan ang mga kasaman ko ng shield na kayang indahin ang anumang atake mula sa kalaban.

Si Dyro naman ay ang Shadow Manipulation mula sa Dark Orb. Kaya niyang kontrolin ang anino ng kalaban upang kalabanin ang nagmamayari nito.

Mula sa Fire Orb ay nakuha ni Ash ang Sacred Fire kung saan nagagamit ang ang iba't ibang kulay ng apoy. Bawat kulay ay depende ang gamit tulad ng Green Fire na ginamit niya upang gamutin ang sugat ni Zephyr.

Aqua Mimicry naman mula sa Water orb ang kay Serena. Kaya niyang gumawa ng mga water dummy na kawangis ng anumang naisin upang tulugan siya nito sa laban.

Kaya namang buhayin ni Sandy ang nga halaman sa paligid upang tulungan din siyang lumaban. Force of Nature ability mula sa Earth Orb.

Natural na sa mga Wind elementa ang mabilis na pagkilos pero dahil si Zephyr ang may hawak ng Wind Orb ay magugulat ka na lang sobrang bilis ng kilos. Extreem Speed ang ability niya kung saan segundo lang ang kailangan para makapunta siya sa naisin niyang lugar.

Ang pinakatahimik naman naming si Raijin ay may Compound Eye mula sa Lightning Orb. Sa oras na maglock ang mata niya sayo ay hindi mo na maiiwasan ang mga bolts na ibabato niya sayo. Kailangan mo na lang talaga ito salagin either a barrier or gamitan mo ng basic ability mo.

"Now Crystal. Alam mo na ba kung ano ang ability mo mula sa orb?" tanong nito kay Crystal.

Umiiling lang siya bilang tugon.

Hindi pa nga pala namin siya nasasanay kahit sa mga basics lang.

"Well then. Ang mga ability na nakuha niyo sa mga orbs ay galing pa sa mga naunang Guardians. Since kaya ang kanilang Scions ay maaari niyo itong gamitin ngayon nasa inyo na ang mga orbs." paliwanag niya sa amin.

Arcane Academy: Rise Of The Elemental GuardiansWhere stories live. Discover now