"Nakikinig ka ba??" tanong nito.

"Sorry, may naisip lang." paumanhin ko at akma na sanang subuin yung manok ko ngunit pinigilan ako ni Tiara.

"Wag mong kainin!" sigaw niya at kinuha ang manok ko tsaka iyon itinapon sa basurahan.

"Bakit mo ginawa 'yon?" seryosong tanong ko sa kanya.

"Eh kanina pa 'yon nilalangaw! Tas kakainin mo pa?" asik nito kaya napanguso nalang ako. "Oh, ubusin mo na 'yan." pagtutukoy niya sa pagkain ko.

"Busog na ako." sabi ko tsaka tumayo. Nakailang hakbang na ako nang biglang lumakas ang hangin. Bigla iyon' bumuo ng isang buhawi. Nahahawi ng malakas na hangin ang mga buhok ko. Wala akong ibang marinig kung hindi ang mga bulong ng hangin.

"Pat!" agad nangibabaw ang boses ni Tiara. Nakita ko siya sa doon sa kung saan kami kumain. Palipat-lipat ang tingin niya sa buhawi tsaka sa'ken. Dahan-dahan niyang itinaas ang mga kamay niya at hinawi iyon tsaka tumakbo papalayo sa'min.

Nagulat nalang ako nang sumunod sa kanya ang buhawi. Sinundan namin siya ng tingin habang hinahabol ng malaking buhawi. Hanggang sa hindi ko na makita si Tiara ngunit nandoon parin ang buhawi. Susundan ko sana siya kaso may pumigil sa akin.

"Hindi mo siguro alam kung anong kakayahan ang meron si Ara." sambit ni Galion habang nakahawak sa isang braso ko. Napakunot ang noo kong tumingin sa kanya.

"Anong ibig mong sabihin?" tanong ko.

"May kakayahan si Ara. Sa apat na elemento, 'Hangin' ang sa kanya." sagot niya. Lalo pang sumalubong ang kilay ko.

"H-Hindi parin kita maintindihan," asik ko at tumingin doon sa direksyon kung saan tumakbo si Tiara. Nandoon parin yung buhawi.

"Tubig naman 'yong sayo." mas lalong kumunot ang noo ko sa sinabi niya.

"H-Huh? Hindi kita maintindihan, Galion." sabat ko. Napabuntong hininga naman siya.

"Look, hindi mo kailangan intindihin lahat ngayon. Take your time—"

"Tama na ang drama." putol ni Blade sa linya ni Galion. Inirapan naman siya ni Galion tsaka bumaling sa akin si Blade.

"Anong elemento ang sinabi niya? Bakit nagkaroon ng gano'n si Tiara?" tanong ko kaagad kay Blade.

"We don't know. Parang nasa loob na natin ang kakayahan iyon. Ikaw yung unang nakadiskobre ng kakayahan mo." sagot niya. Napatingin naman ako sa kamay ko.

'May kakayahan ako?'

"Sino-sino pa??" agad na tanong ko.

"Ana, Ara and me." sagot niya. Hindi ako makapaniwala sa sinasabi niya.

"Paano nangyaring tubig 'yong sa akin? Paano?" asik ko at hinihintay yung sagot niya.

"Eto.." panimula niya.

Kinuwento niya sa akin ang nangyari simula no'ng madiskobre kong kakayahan ko ang pakontrolin ang tubig. Kinuwento niya ang lahat ng detalye sa akin. Sinama niya pa yung sa kanya, kung paano raw pumasok yung apoy sa mga kamay niya. Palagi na raw iyon nangyayari pero hindi niya alam kung paano kontrolin.

Sinunod niya naman yung kay Ana. Yelo raw ang kakayahan ni Ana. Kagaya nga nina Tiara at Blade, hindi niya alam kung paano kontrolin. Habang nasa coma pa raw ako ay ilang beses nang nangyari iyon sa kanila pero hindi parin nila alam kung saan nanggaling iyon at bakit sila nagkaroon ng gano'ng kakayahan. Ganoon din ang nasa isip ko ngayon.

'Paano ako nagkaroon ng ganitong kakayahan? Bakit ako nagkaroon ng ganito? Saan iyon nanggaling?'

Nang matapos iyon ay agad kaming naghiwalay para bumalik na sa sari-sarili naming training room. Nauna na sa akin yung teammates ko sa training room kaya mag-isa nalang akong naglakad papunta sa room namin.

HETHERIA ACADEMY : School Of Royalties (COMPLETED)✔Where stories live. Discover now