"She's a Hunter now. A lot of things involving Hunters might hurt Xinny."
Sagot ni Hoshi kaya mas lalong kumunot ang noo ng iba. "Ha?" Nakangangang tanong ni Joshua. Sabay na bumuntong-hininga sina Hoshi at Dino habang nakatingin sa team.


"We're talking about the vanishing."
Sagot ni Dino.


"The vanishing?"
Natatawang tanong ni Walter pero agad na nawala ang tawa niya nung parang nakuha na niya ang ibig-sabihin ng dalawa.


"Holy shit."
Bulalas ni Wilder at tinakpan pa ang bibig niya kaya umalerto ang iba lalo na sina Seth na nakikinig lang. Walter looked at everyone with shaking lips and a closed fist. Bumuntong-hininga ulit si Dino.


"Nakalimutan niyo na ba ang rason kung bakit tumagal ang mga plano ni Xavier noon lalo na't dumedepende pa siya sa mga Hunters?"
Tanong ni Dino. Hoshi crossed his arms and for some reason, he was serious today. "He waited for the Hunters, right?" Tanong ni Milo at tumango naman si Hoshi.


"He waited for them because Hunters vanish from this realm every ten years."
What Hoshi said brought shock to everyone. Parang hindi sila makapaniwala na hindi nila naisip ang tungkol dun.


"Kaya nawala sila habang lumalaki si Zia at bigla na namang nagbalik. Kakagising lang nila pero para lang 'yun ayusin ang kaharian nila. And now that their Kingdom is fixed, they'll vanish again and who knows when they'll show up."
Seryosong pagpapaliwanag ni Hoshi at namulsa na tsaka tiningnan ang team.


"Teka, bakit ba sila nawawala?"
Tanong ni Vernon.


"Hunters hold great power and to have balance in the realm, they're destined to vanish from time to time. Hunters are indeed powerful but their power comes with a price."
Sabi ni Dino at naglaro ng fireball sa kamay niya habang nakatitig lang siya rito.


"Gaya ng nangyayari kay Zia ngayon. She might be so powerful but at the end of the day, she has a price to pay. The more powerful she gets, the bigger the price. At 'yan ang dahilan kung bakit ako nag-aalala sa kanya."
Dagdag ni Dino at tiningnan si Seth na sinapo ang mukha at halatang malalim ang iniisip.


"Nah, she can cheat her way out of it."
Pasimpleng sabi ni Jayden.


"Hindi palaging nadadaan sa ganyan ang buhay, Jay."
Sabi ni Walter at nagkibit-balikat lang si Jayden, not even listening to what Walter said. "Where do they go when they vanish?" Tanong ni Seth matapos silang mabalot sa katahimikan.


"No one knows."
Sagot ni Hoshi.


"So, Zia's going to vanish with them this time?"
Tanong ni Milo na kanina pa nananahimik. Isang tango lang ang sinagot ni Hoshi at tsaka tumingin sa pinto nung bigla itong bumukas at sabay na pumasok sina Xin at Jun.

Agad na umayos ang team at iniba na ang usapan pero kunot-noo lang nakatingin si Xin sa kanila.


"I know you're talking about my baby."
Nakangiting sabi ni Xin at nilapag ang mga kape na binili nilang dalawa ni Jun. Kumunot na naman ang noo ng team.


"Hindi ka ba nag-aalala para sa kanya, Xinny? A-Ang dami niyang ginagawa na hindi natin alam. Nag-aalala lang naman kami sa prinsesa natin."
Sabi ni Walter pero nilagay lang ni Xin ang iced americano sa kamay niya at nginitian siya.


"I'm more worried about Uno. If he ends up pissing her off this time, he won't see the light of day."
Sagot ni Xin at mahina namang tumango si Jun na may ngiti pang nakausli sa labi niya.


"Our baby Zia's all grown up now. Restraining her with thoughts that she needs to be protected is useless. May mga gusto siyang gawin at hahayaan ko siyang gawin 'yun. As long as she comes home at the end of the day, I'll give her my full support."
Nakangiting sabi ni Xin sa team na halatang ilang araw nang iniisip ang mga ginagawa ni Zia.

Midnight Angels: The WarWhere stories live. Discover now