46 | Vulnerable

Magsimula sa umpisa
                                    

"Family matter, I guess." si Matteo na walang maisip na dahilan para maipaliwanag ang nangyayari.

"Oh. Then, we'll stay in our house. Nandoon pa naman si manang at mas malapit iyon sa city kaya aalis na din kami." sabi ni Jesca.

I feel bad about them. They should be having a good time here but instead, they're being dragged with all the dramas.

"Is it really okay?" tanong ni Achi,

"Of course. May mga kikitain din akong mga tao kaya it's okay. Mavin and I can manage." si Jesca.

And just like that, everything is settled.

Ang lahat ay may kaniya kaniyang agenda para sa araw na ito.


Pagkatapos nilang mag-agahan, lahat sila ay nag-ayos na nang kanilang mga gamit. Kasalukuyan kong pinapanood si Achi na nag-aayos ng damit sa kaniyang maleta. Buti na lang talaga at namili sila ng mga damit sa Manila kung hindi ay wala na silang masusuot.

Nakalimutan kong hindi nga pala sila umuwi pagkadating namin dito sa Cebu. Kung simpleng pamilya mayroon sila malamang ay hindi sila papayagan ng mga magulang nila sa kanilang ginawa.

The usual Pinoy parents would panic if their child is not home within a day. Nakakahiya naman sa isang linggo nilang hindi pag-uwi.

"What's the deal between you and your stepmom? Close kayo?" tanong ko nang maalala ang sinabi niya kanina.

"No." simpleng sagot niya.

"Really? Paanong napauwi ka niya sa simpleng text niya?"

"I don't have a problem with her."

"Ah.." I said not knowing what to say next. Hindi ko alam kung okay lang sa kaniya pag-usapan ang taong iyon kaya hindi ko na lang sinundan ng tanong.

Pinanood ko na lang ulit siya sa ginagawa niya.

Tinignan niya ako saglit at nginitian ko lang siya.

"Ano pang tanong mo?"

Wow. Nababasa niya ba ang isip ko.

"Is it really okay for me to ask?" paninigurado ko.

"Go ahead. As if hindi mo itatanong 'yan mamaya." sabi niya.

"Grabe, ha. Curious lang naman ako kung bakit okay ka sa stepmom mo." 

"Well, that's because.."

"Because?" I urged.

He sighed. "Because she treated me well."

"and?" 

"And that's it." sabi niya.

Napasimangot naman ako. Really? Yun na yon? Akala ko naman may something special. Mukhang wala naman siyang balak ikwento kaya  iniwan ko muna siya doon.

Kung ayaw mo magsabi syempre, doon ako sa may alam.

Lumabas ako sa balcony at tumabi kay tita kung saan hindi nakikita ni Achi.

Loving Her Soul [Book 1 of Loving Her Trilogy]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon