Wala. Kasi ano ba naman ang ilang buwan namin pagsasama kumpara sa tagal ng relasyon nila noon.

Ano ba naman ang kaunting panahon na nakabuo kami ng masasayang araw kumpara sa mga ala-alang nagawa nila noon.

Ano ba naman ang laban ko sa puso ni Achi kung hanggang ngayon si Jesca pa rin ang laman nito?

Nakakatawang isipin na ang iba ay binabalewala ang salitang noon. Kesyo kalimutan na raw ang panahon na iyon dahil natapos na ito, nangyari na ang dapat mangyari at dapat na lang itong kalimutan at magmove on.

Sana nga gano'n kadali iyon, kaso hindi e. Ang pundasyon na nabuo mo sa tao na kasama mo noon ay kayang takpan ang kung anong mayroon kang binubuo sa ibang tao ngayon.

Napailing naman ako sa naisip. Hindi ko dapat isantinig ang bagay na ito. Sa ngayon, kailangan ko muna pagtuonan ng pansin ang pakay namin.

Sana lang ay makisama pa rin si Achi. Alam kong hindi pwedeng balewalain ang pagkikita nilang ito pero kailangan niya pa rin makuha ang impormasyon kay Jesca.

Tsaka ko na iintindihin ang sarili kong damdamin sa natuksalan ko tungkol sa kanila. Madali lang naman siguro iyon diba?

Sanay naman ako magpatay malisya sa mga bagay bagay, kaya ko naman sigurong hindi maapektuhan sa paraan ng paninitig nila sa isa't isa.

"How are you? It's been what, almost three years? Dito ka na nakatira?" sunod sunod na tanong ni Jesca.

Bumalik naman sa katinuan si Achi dahil nagawa na nitong makasagot ng maayos, "I'm doing fine. And no, I'm only staying here in Manila for a week." kalmado na niyang sabi.

Tumango tango naman si Jesca, "Kailan ang balik mong Cebu?"

"Monday morning."

"Oh great! Let's catch up, give me your number so I could text you." sabi ni Jesca sabay kuha ng phone sa kaniyang bulsa.

Binigay naman ni Achi ang numero niya. Naagaw naman ang pansin ko nang makita ang papalapit na bulto ni Mavin sa amin. Hindi iyon namalayan ng dalawa kaya naman napatalon pa sa gulat si Jesca ng akbayan siya nito.

"Who's this? Friend of yours?" may amats na tanong ni Mavin.

Napahagikgik naman si Jesca dulot ng kalasingan, "Yeah. This is Joachim, my ex from Cebu. Joachim, this is Mavin, my boyfriend." pagpapakilala niya sa dalawa.

Nagtanguan naman ang dalawang lalaki. Wala namang tensyon ang namuo. Sadyang lasing na rin kasi ang dalawang magkasintahan sa harap namin.

"Well, excuse us please. We need to go." paalam ni Mavin.

Tumango na lang si Achi bilang ganti bago sila tuluyang lumayas sa harap namin.

'Di rin naman nagtagal si Achi sa kinatatayuan niya at agad siyang pumihit papunta sa barkada. Nagkantyawan agad ang mga ito pagkaupo ni Achi.

"Bruv, is that your ex?! Yung babaeng nang iwan sa'yo." walang prenong sabi ni Bryles.

Siraulo talaga. Pasmado ang utak.

Loving Her Soul [Book 1 of Loving Her Trilogy]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon