26 | Too honest

Magsimula sa umpisa
                                    

Shuta? Paano ko hahanapin ngayon 'yon?

Sa laki nito, mukhang kulang ang isang linggo para maisa-isa ko ang mga estudyante rito. Namomroblema pa ako dahil hindi ako sigurado kung dito pa nga nag-aaral ang isang 'yon.

Napahawak ako bigla sa ulo ko. Ang sakit naman sa utak nito pero mas masakit pa rin kung wala kang utak.

Huminga ako ng malalim at nagsimula nang maglakad paabante.

Yuchengco Hallway

Puro mga chinese kaya nag-aaral dito? Sosyal naman, exclusive building for chinese people only. Abuchiki.

Alas kwatro na ng hapon at halos marami na ang lumalabas pauwi. Namangha agad ako dahil talagang yayamanin ang mga nakakasalubong ko, mga english people. Umakyat ako sa second floor at ang taray dahil may pa gallery sila dito, The Museum kung tawagin.

Yung totoo? School ba 'to?

Bakit kaya may paechos pang ganito? Yung ibang school na napuntahan ko halos tarpaulin at frame lang ang nakadisplay sa dingding, sila may museum pa..iba rin.

Patuloy lang ang paglilibot ko hanggang makaabot ako sa pinakataas na palapag. Napawow na lang ako sa ganda ng auditorium nila, halos tatlong palapag ito dahil may dalawang balcony pa sa loob nito.

Naupo ako sa 'di kalayuang upuan at pinagmasdan ang stage. Batid kong dito nagpeperform ang mga pang theatre, o baka nga pati musical play pwede nilang ganapin dito sa sobrang laki nito.

Hindi ako makapaniwalang dito ako nag-aaral. Ibig sabihin yayamanin din kami? E, bakit may pagkabarubal na ko ngayon, dahil kaya iba iba ang nakakasalamuha ko kaya nag-iba na rin ang personalidad ko ngayon?

Ano kaya ako dati..ganito rin kaya ako kawalanghiya? Hindi ko kasi maimagine na mahiyain ako, parang 'di bagay. Mas bagay sa'kin medyo bad girl, para cool.

Tumayo na ako at lumabas na sa auditorium. Hindi dapat ako nagtotour, mas prioridad ko ang paghahanap sa babaeng hinahanap ko.

Dahil dumidilim na, uuwi na lang muna ako. May mga tao pa sa loob at hindi pa ko pwedeng pumasok sa mga office nila para maghanap ng files.

At naghihintay na rin sa akin panigurado ang baby boy ko, kawawa naman, baka mamiss ako masyado.

Alas siete na ng gabi nang nakarating ako sa village, saktong papalabas ang van nila sa bahay kaya dali-dali akong tumagos doon.

Doon prenteng nakaupo ang mga itlog. Halos takpan ko ang ilong ko dahil sumasabog ang mga pabango nila.

Lumapit ako kay Achi na busy sa kaniyang cellphone, napaangat lang ang tingin niya nang tabihan ko siya.

"Sa'n punta niyo?" tanong ko.

Hindi niya ko kinausap at nginuso na lang ang phone niya sa akin. Doon mabilis siyang nagtype at agad ko namang nakuha ang gusto niyang iparating.

Sa'n ka galing? Bakit ngayon ka lang bumalik? May kakilala ka ba dito?

Napangiti naman ako sa sunod-sunod niyang tanong. In fairness, kinilig ako don.

"Pumunta ko sa school ko. Ganda pala 'don. Dami ko rin nakitang pogi! Grabe, feel ko may naiwan akong boyfriend 'don. Imposibleng pinaglapas ko ang pagkakataon na magkalove life ako. Musta na kaya 'yon? Nakamove on na kaya 'yon sakin? Sayang nawalan siya ng girlfriend na sobrang ganda. Kawawa naman." walang preno kong sinabi.

Loving Her Soul [Book 1 of Loving Her Trilogy]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon