25 | Sweet home

Magsimula sa umpisa
                                    

May mga kamag-anak rin naman ang ibang itlog dito sa Manila na maaari naming tuluyan kaso nagpresinta na si Lucifer na doon na lang sila sa kanilang bahay kung saan tanging caretaker lang ang nakatira.

Bilib din ako sa bagay na iyon. Hindi ko man isa-isahin ay paniguradong hindi ko mabibilang ang mga posibleng pag-aari nila.

Tanghali na nang nakarating kami sa isang village na may mga letrang nakadisplay sa labas ng gate nito.

Ayala Heights

Naglalakihang mga bahay ang nasa bawat gilid nito. Akala mo may pacontest sa pabonggahan ng design sa sobrang ganda ng mga ito.

Isang malawak na bahay ang hinintuan namin. May malaki itong gate kung saan gawa ito sa isang matibay na kahoy na napapalibutan ng magandang uri ng bakal na nagsisilbing frame nito.

Pumasok na kami sa loob at sinalubong kami ng isang matandang babae na masuyong nakangiti sa amin. Nagmano sa kaniya si Lucifer na sinundan ng mga itlog.

Natawa naman ang matanda dahil halatang napilitang gumaya lang ang lima sa ginawa ni Lucifer.

"Kamusta na, Manang Ipin?" magalang na pangangamusta ni Lucifer.

Napangiwi naman ako. Talaga bang ganon ang pangalan niya o dahil sa ngipin niyang galit galit kaya Ipin ang tawag sa kaniya?

"Ayos naman iho, buti at naisipan mong dalawin itong bahay niyo. Halos ilang taon din itong walang bisita dahil ayaw niyo naman tirhan."

Wow. Sana pala ako na lang ang tumira dito. Grabe, ang laki ng bahay na ito pero walang nakatira dito maliban kay manang. Parang gusto na lang maging si manang, ah.

"Yung totoo? Ilan ang bahay mayroon kayo?" tanong ko kay Erza na palakad na sana paloob pero tumigil lang dahil sa akin.

Napaisip naman siya, "Hindi ko bilang, baby ghorl. Noong nabubuhay pa ako ay may bahay na talaga kami rito sa Maynila." simpleng sabi niya.

"Sayang naman, walang nakatira dito. Sayang ang bili niyo." sabi ko dahil nanghihinayang talaga ako.

"Ay baby ghorl. Investment 'yan, kaya hindi sayang ang pinagbibili nilang bahay." sabi niya sabay kindat.

"Gutom na ba kayo, iho? Paghahain ko kayo dahil nagluto na rin ako para sa pagdating niyo." tanong ni manang.

Lumiwanag naman ang mga mukha ng itlog, "Opo, gutom na po kami kanina pa." sabi ni Haniel.

"Hindi po kami kumain ng agahan para matikman namin ang luto niyo." si Bryles.

Napatawa muli ang matanda sa pambobola ng mga itlog. Mga sinungaling! Ang dami nga nilang kinain na pancake sa Pancake House kanina at as if namang makakayanan nilang hindi kumain ng agahan, e, halos oras oras nga silang gutom.

"O sige, maiwan ko muna kayo at ipaghahain ko na kayo." paalam ni manang na nagtungo na sa kusina.

Pagkalaho niya sa paningin namin ay nagulat ako dahil dali-daling nagtakbuhan ang mga itlog papunta sa taas. Ako na lang ang natira dahil lahat sila ay nagmamadaling umakyat para makapili ng magandang kwarto. Si Erza naman ay sumuot na sa kung saan kasama siguro si Sefin para makapaglibot sa bahay.

Loving Her Soul [Book 1 of Loving Her Trilogy]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon