20 | Intervention

Start from the beginning
                                    

Malaya naman akong tumayo at tumingin sa mga frame na nakadisplay sa kanilang sala. Napansin ko na isang driver at isang katulong lang ang kasama nila dito sa bahay, 'di tulad kila Achi na sobra ang kasambahay.

Iilan lang ang mga litrato na aking nakita.

Ang pamilya nila ay nabubuo lamang ng tatlong miyembro. Kaya naman pala ganiyan na lang kung umasta si higad, wala siyang kapatid kaya may pagkaspoiled brat.

Bumaba si higad na nakasuot na ng pambahay.

"Hindi pa ba uuwi daddy mo?" tanong ni Achi kay higad nang makalapit ito.

Umiling ito, "Hindi, may two years pa siya doon sa Dubai bago makauwi ulit." sabi nito.

So silang mag-ina lang pala ang magkasama dito. Hindi ba boring iyon?

Pansin ko rin na parang busy na tao ang ina ni higad. Ibig sabihin siya lang ang mag-isang naiiwan dito kasama ang kaunting kasambahay. Mukhang hindi pa sila close dahil parang ilang ang mga ito sa kanila.

Sa puntong iyon, naunawaan ko ng kaunti si higad. Naintindihan ko kung bakit minsan ay parang kinulang siya sa aruga. Kaya pala hindi alintana sa kaniya kung siya lang mag-isa na babae kahapon sa lakad nila.

Kung sabagay,  miski ako, mas pipiliin kong sumama na lang sa iba kaysa mag-isa akong nagmumukmok dito sa malaking bahay nila.

"How about your dad? It's been awhile since I last saw them." sabi ni higad.

Agad nagdilim ang mukha ni Achi sa narinig.

Oh, no. Gusto kong batukan si higad sa pagkainsensitive niya. Hindi niya dapat tinanong iyon!

"I don't know." malamig na sabi niya.

Napansin naman iyon ni higad kaya tumikhim ito at binago na lang ang usapan. Halos isang oras silang tumambay sa sala at nag-usap tungkol sa school nila.

Nakinig lang ako sa kanila kahit na wala akong kaalam alam sa mga pinagsasabi nila. Maya-maya pa ay tinawag na sila ng ina ni higad sa hapag kainan. Napatingin ako sa dami ng pagkain na kaniyang hinain.

Grabe, nakakagutom bigla. Mukhang masarap lahat ng iyon, a..pero wait lang, baka may gayuma siyang nilagay jan?

Napailing na lang ako sa naisip. Paranoid much, Ruhee?

Ano 'yon? Sa sobrang supportive mother niya, ginayuma na lang niya si Achi para maging masaya si higad?

Hindi naman niya siguro gagawin 'yun.

Naupo na sila at nagsimula nang kumain. Magaan lang ang mga topic nila kaya halos mabilaukan ako kahit hindi ako kasamang kumakain nang magtanong bigla ang ina ni higad kay Achi.

"Kailan mo ba liligawan itong anak ko?" diretsong tanong niya dahilan kung bakit nasamid si Achi.

Kinuha niya ang baso at dali-daling uminom doon, "W-we're just friends, tita. Nothing more." sagot ni Achi.

"M-mommy, stop it." sabi ni higad na mukhang napahiya sa sinabi ni Achi.

Tumaas ang isang kilay ng ginang, "Really? No need to be shy, Joachim. I like you for my daughter and I don't mind if you two take things slowly." sabay pekeng tawa nito.

Ramdam ko ang hindi pagiging komportable ni Achi sa kaniyang upuan. Sinasabi ko na nga ba..

This is a trap!

Pikot na ituuuu.

"Mommy, ako lang yung may gusto kay Achi. So stop it." nahihiya nang sabi ni higad.

Mas sumeryoso naman ngayon ang ina ni higad, "Bakit, hindi mo ba gusto ang anak ko, iho?" tanong nito.

"Uh, hindi naman po sa ganon, tita. We're just good friends and I like to keep it that way." magalang pa rin na sagot ni Achi.

"So hindi mo nga siya gusto." tunog disappointed na sabi ng ina ni higad.

Hindi na lang sumagot si Achi dahil hindi niya na alam ang dapat sabihin sa oras na iyon. Ako naman ay hindi na rin mapakali dahil parang pinagkakaisahan siya ng mag-ina.

"May iba ka bang nagugustuhan?" pahabol pang tanong ng ginang.

Si higad naman ay inaawat na ang ina ng palihim pero determinado itong makuha ang sagot ng binata kaya wala rin siyang nagawa.

Kalmado naman si Achi ngayon na nakatitig sa kaniyang plato. Tila iniisip mabuti kung sasagutin ba ang tanong o tatakbo na lang palabas ng bahay.

Inangat niya ang kaniyang tingin at matapang na sinagot ang tanong, "Yes, tita. I already like someone else."

Napayuko naman si higad sa hiya at lungkot sa sinabi ni Achi. Samantalang ako ay hindi maalis ang titig sa aking katabi. Biglang kumabog ang puso ko sa hindi maipaliwanag na damdamin.

Sa sobrang lakas ng kabog nito ay nagdudulot na ng sakit sa aking dibdib.

Alam ko kung sino ang tinutukoy niya.

Hindi pa nga talaga siyang tunay na nakakapagmove on. Hanggang ngayon ang babaeng iyon pa rin ang laman ng puso niya.

Anong klaseng babae ka ba, Yumi, para mahalin ka ng ganito ni Achi?

Ano ang ginawa mo para hindi ka niya makalimutan?

Pwede bang umalis ka na jan sa puso niya at ako na ang papalit sa'yo?

Mas kaya ko siyang ipaglaban kaysa sa'yo na hindi mo nagawa noong kayo pa.

Mas kaya ko siyang mahalin kaysa sa pagmamahal na nabigay mo sa kaniya.

At mas lalong kaya kong manatili sa tabi niya, hindi tulad mo na iniwan siya.

xoxo

Loving Her Soul [Book 1 of Loving Her Trilogy]Where stories live. Discover now